Chapter 19

211 8 3
                                    

Chapter 19 - BoreDAMN - What are you wearing?!

DARK ELIS BROWN 

Sabado ng madaling araw

*PAK*

Aish! Walang kwentang laro. Biruin mong high score ko lang dito ay 284? Tae ang bopols nung ibon! Bakit ba hindi 'to marunong lumipad? Ang tanga lang. Tsk.

Tumingin ako sa gilid ng kama ko. Nakita ko na naman ang black rose ko. Hmm, pumunta na lang kaya akong Lorbiando Market? Ano namang bibilin ko dun? Tsk.

Masyado pang maaga kaya wala akong magawa. Eh sa maaga akong nagising eh. Ewan ko kung bakit. Alas quatro palang ay gising na ko. Eh anong oras na lang? Five thirty. Pero teka,

Bigla akong napa-nalikwas ng tayo sa kama. Pumunta ako sa may walk-in-closet ko at kumuha ng black leggings at bloody-red color tank top tapos running shoes (syempre mawawala ba ang skin tine top ko?). Sabi sa inyo simple lang ang suot ko. Pupunta lang naman kasi ako sa gym. matagal tagal na rin akong hindi nakakapag exercise (training). Naligo na rin ako tapos nag bihis na agad at itinali ko yung buhok ko para hindi masyadong sagabal.

Kinuha ko ang cellphone ko pati narin at earphones tapos dumiretso sa may garage ko para kumuha ng mountain bike. Actually dapat mag ja-jogging lang ako kaso tinatamad ako ng konti. -_-

Nagsimula ako mag bike palibot ng buong subdivision. May iba akong nakikita na nag ja-jog, nagba-bike na couples or individual. Meron pa ngang nag hahalikan sa may bench sa mini-park. Anu ba yon. Ang aga aga eh. Tss.

Ng maikot ko ang subdivision ay lumabas na ako sa big-gate (big gate kung tawagin nila) at dumeretso sa gym. Ini-park ko ito sa likod. Baka may kumuha ng bike ko. Personally costumized kaya yun <_<

Pumasok ako sa loob at pumunta agad sa una kong makita. Marami rin naman ang nandito. Nasa pito? Eh kasi sobrang aga pa. Karaniwang pumupunta dito yung mga tao kapag may araw na.

~

Pauqi na ako ng madaan ako sa isang mala-palasyong bahay na may naka-lagay na tarpouline sa harap. St. Luke's Funeral. Ow? 

Tiningnan ko yung nasa picture pati narin ang pangalan. "Elle Willington" tapos may 'Rest In Peace' chuchu. Akalain mong ang isang gangster ay may funeral pa? Akala ko deretso impyerno na.

Paalis na sana ako sa tapat ng nakabukas na gate ng biglang sumulpot sa tabi ko si Sy. I just looked at him blankly. Paki ko kung anjan siya?

"What are you wearing? Bibisita ka sa isang burol ng naka pula?!"

"*taas kilay*"

"What?"

"Nadaan lang ako. Psh."

~

To Be Continued .... [Pasensya na po kung putol putol. May asungot po eh. Gege bye. :3 ]

(Teaser:

*bato ng baso*

*bato ng pulutan*

*bato ng baraha*

*bato ng mesa at upuan*

*bato ng bote*

"Lumayas ka dito! Hindi ka marunong rumespeto? Ha?!") 

Black Snow (Fire in Disguise) [EDITING/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon