Chapter 7

379 14 3
                                    

This Chapter is dedicated to her. Thanks for the cover! :D

~

Day 3 - Vacation

ANOTHER SOMEONE'S

"Magpadala ka ng limang malalakas na gang sa Brown Crown H&R. Siguraduhin niyo lang na makukuha niyo siya. Naiintindihan mo?"

"Masusunod, Boss. *toot*"

Masyado ka kasing malakas Black Venom. Magagamit kita para sa mga magaganda at mabubuting gawain kesya ang pumatay ng kung sino sino.

**

Nagkayayaan ang mag kakaibigan na surf sa dagat dahil malalakas ang alon ngayon. Kumuha sila ng tigi-tigisang surfing board sa may secret room ni Elis sa hotel. Ang mga babae naman ay medyo naiinis. Yung mga lalaki kasi pwedeng maitago ang mga tattoo nila sa likod dahil sa sando. Kahit pa may konting part doon ay mapapansin mo ang tattoo. Eh sila? Gusto nilang mag two piece kaso hindi pwede. Mare-reveal sila at baka may roong may nakakakilala sa BSD. Kaya ang ginawa na lang nila ay nag t-shirt na hapit sa katawan at maiksing shorts. Samantalang si Elis, normal na t-shirt lang at short na above the knee.

Naglalakad nasila papuntang dagat ng magsalita si Aki. "Guys! What if, pagandahan tayo ng excibitions? At ang pinaka matatalo, siya ang mag lilibre ng lunch!"

"Eh ano prize ng mananalo?" tanong ni George na mukhang interesado dahil ito ang pinaka favorite sport niya. Marami siyang alam tungkol dito kaya sigurado mananalo siya."

"Masusunod lahat ng gusto niya sa araw nato!" napa ngisi na lang si George sa narinig.

"Hep-hep-hep! Alam ko nasa isip mo Georgey! Bawal ka sumali! Masyado kang magaling! At ikaw din Dark! Dami niyong alam sa ganito eh! Matatalo kami!" 

"Tsk. Ang KJ niyo. Oh eh ano gagawin namin?" tanong ni George.

"Syempre mga judges! Muahahahaha!" nakakalokong tawa ni Aki.

"Tss." baka Elis yan?

"Okay game na! George ikaw nga ang mag bigay ng signal! Eto pito oh. Wala tayong aasahan kay Madam eh!" sigaw ni Aki. Sinamaan naman siya ng tingin ni Elis.

"ON THREE! ONE.....TWO......PRRRTT!" parang mga nakawalang toro sa kulungang biglang nag silanguyan ang lima papuntang gitna ng dagat dahil nandun ang malalaking alon.

Magagaling naman silang lahat pero kahit anong gawin, may mananalo at may matatalo. May nag ka-cut back, top turn, bottom turn, airel, Hang five and Hang ten, cross-stepping at shuffle.

GEORGE EMMANUEL

Lahat naman sila magagaling eh. Yun nga lang, ang luluma na ng mga trick. Pero ang nakakuha ng attention ko ay si Maya. Marunong siyang mag A-Frame at Barrel. Well, siguro siya na lang ang pipiliin ko.

"Hey." tawag ko kay Dark. Ayan na naman siya sa blank but scary look niya. Banas.

"Have you chosen?" tanong ko.

"Hmm." tumango lang siya. Aist. Bakit ba kasi ang tahimik neto. Pano ko ba siya naging bestfriend? Siguro dahil pareho kami? Ewan.

"Who?" tanong ko ulit. Aist. Oo nga pala. Tamad mag salita. Bakit ba nakakalimutan ko? Hindi na ko nasanay. Tiningnan lang niya si Maya. I see. Pareho kami ng napiling panalo.

"How 'bout the loser?" I asked again. Sana naman mag salita na siya.

"Troy." buti sinagot niya. Pareho talaga kami ng nakikita. Kung sabagay si Troy kasi nagba-balance lang. Halatang di marunong. Tsk.

Black Snow (Fire in Disguise) [EDITING/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon