Diane's POV
"Nakakainis! Nakakainis!"
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa may bench malapit sa field dahil ayoko pang umuwi. Nauna ng nagpaalam sina Ceddie at Elle dahil mag-aaral pa raw sila samantalang ako ay hiyang hiya parin sa nangyaring first encounter namin ni Jeff sa may library.
"huhuhu" pinagpapadyak ko ang aking mga paa dahil hindi ko talaga maatim yung nangyari kanina.
Hindi yun ang gusto kong mangyari sa unang pagkikita namin ni myloves!
Ang inaasahan ko pa naman na ang unang paguusap namin ay katulad dun sa napapanood ko sa Kdramas na may sparks agad kaso bakit kabaligtaran yung nangyari kanina!
Kasalukuyan akong nakatulala sa kawalan ng mahagip ng mata ko si Ernell sa di kalayuan ng kabilang field. Mapuntahan nga.
Ernell POV
Andito ako ngayon sa ilalim ng puno at nagpapahangin. Sa gilid ko ay ang mga librong nakapatong malapit sa aking bag. Dito ako palagi nag-aaral at nagbabasa dahil mas gusto kong nakakakita ng mga halaman at puno kesa sa library na puro libro. Nakakastress na nga na mga libro ang hawak mo tapos pagtingin mo pa sa paligid libro pa rin kaya dito sa field atleast nakakarelax ang kulay berde na tanawin.
Habang nagbabasa ako ng libro nakita ko yung nakasipit na litrato namin ni Diane nung Elementary pa lang kami. Sa litrato na to nakatingin ako sa kanya samantalang siya ay aliw na aliw sa pagtingin dun sa bulaklak na hawak niya
Kasalukuyan akong nagrereminisce ng moments naming dalawa nung bata pa kami ng biglang
"Huy ano yan?!"
Sa sobrang gulat ko sa kanya ay agad kong naitago ang picture sa loob ng pantalon ko.
Damn! Bat sa loob ko tinago? Natusok tuloy yung ano! Aissh bahala na nga!
Ernell tiisin mo muna kesa naman makita ni Diane ang picture nyong dalawa at magtanong pa siya ng kung anu-ano eh wala naman akong mahahanap na maisasagot
"Uy Ernell bat namumutla ka diyan? Hindi ko alam na magugulatin ka pala! Tsaka ano yung hawak mo kanina? Nasan na?" paghahanap niya dun sa itinago ko
Hindi ako pupwedeng malikot dahil natusok yung picture sa ano ko! Badtrip naman oh!
"Wala yun nag-aaral lang ako dito. Hmm wait pupunta lang akong banyo ah masakit na kasi eh"
"anong masakit?"
"Basta hintayin moko diyan babalikan kita. Wag kang aalis ah!" Sabay takbo ko dun sa pinakamalapit na comfort room upang tanggalin ang picture sa loob ng pantalon ko
Wooah success!! Ang sakit pala non kapag natakbo
Papalabas na sana ako ng banyo ng makita ko ang isang nerd na nakakunoot ang noong nakatingin sakin. Parang pinagsisigawan ng mukha niya na may milagro akong ginagawa sa pantalon ko habang may hawak na picture
"Hehe Godbless sa Exam next week" yun na lang ang sinabi ko at bumalik na sa bench kung saan ko iniwan si Diane.
*If I was your boyfriend I'll never let you go*
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at nakitang may text si Diane dun
From: Diane ng buhay ko
Sorry Ernell umalis nako. Nagka emergency lang.I sigh. Bigla naman akong nalungkot. Wala na ba talagang pag-asa na maging katulad kami ng dati? Parang ang layo layo na niya sakin gayong magkasama naman kami sa iisang school.
I started to pack my things and decided to go home. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Paulo na pasakay na ng kotse niya
"Pau!" pagtawag ko sa kanya at tumingin naman siya sa direksyon ko.