Chapter 8

35 4 1
                                        

Diane's POV

Masaya ang gising ko ngayong umaga dahil natapos ko ang project ko sa English. Feeling ko ito na ang simula ng pagbabago ko. Talagang hindi ako natulog kagabi hangga't hindi ko natatapos tong Scrapbook ko. Aliw na aliw ako sa pagpapaganda nito at ang cute niya kasi color pink! Ang nahirapan lang talaga ako ay yung nilalaman ng scrapbook. Kailangan kasi gumawa ng essays at idikit yun sa loob. Yung kapatid kong bunso ang pinaggawa ko tapos ako nagsulat at nagdikit. Nilagyan ko ng mga designs at ng makunteto tsaka lang ako natulog. At ngayong araw ay excited nakong ipasa to dahil paniguradong mataas ang makukuha kong marka. Ganda ba naman ng designs ko eh hihihi

Kahit medyo late na ay hindi parin mawala ang ngiti sa cute kong labi. Sa second subject pa naman to kaya okay lang. Pagkarating ko sa classroom ay nandun na yung teacher namin. Nasa may teacher's table siya at parang may pinapagawang activity. Buti nalang nakayuko siya kaya hindi niya kitang pumasok ako. Dahan dahan akong lumakad ng pagapang sa upuan ko at nagsimula ng gumawa ng activity

Natapos ang dalawang subject ng maayos. Naipasa ko narin ang scrapbook ko at ang akin ang pinakamaganda! Feeling ko talaga highest ako atleast panghatak grade din yun

"tara na sa canteen mga bakla. Jutom na akis" pagyayaya ni ceddie.

Inayos ko na ang bag ko para makababa. Nang nasa canteen na kami ay naaninag ko na agad ang favorite spot ng 4G at nakita ko ang gwapong mukha ni myloves. Nangningning na naman ang mga mata ko sa ganda ng view. Kahit na nakabusangot ay gwapo parin! Hihihi

Pagkabili namin ng makakain at nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan ng kung anu-ano. Sobrang laughtrip kami sa mga jokes ni Ceddie. Kahit tatlo lang kaming magkakaibigan ay sobrang kontento na ko.

Paminsan minsan ay nasulyap ako sa table ng 4G para masilayan si myloves. Pero nung pagkasulyap ko ulit ay tatlo nalang sila sa table. Wala si myloves. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin siya pero di ko makita. Baka nagcr lang. Nagpatuloy akong kumain ng biglang tumahimik ang maingay na canteen. Sa pagtataka ko ay tiningnan ko ang mga estudyante sa canteen at lahat sila ay nakatingin sa table namin!

Tiningnan ko si ceddie sa harap ko at binigyan ng nagtatakang tingin ngunit sa halip na sagutin ako ay inginuso niya lang ang gilid ko. Napatingin ako sa gilid ko at halos mabilaukan ako ng makita kung sino ang nakatayo roon

"Diane Juarez. Are you Diane Juarez?" tanong ni Jeff habang nakapamulsang nakatungo sa akin. Nakaupo kasi ako

"Yes ako nga. Bak--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may inilapit siya sa mukha ko na kulay pulang sobre. Napaatras ako at kinuha yun

Napatayo ako sa gulat "Teka paano? Bat nasayo to?" nagulat kong tanong ng mapagtanto kung ano yung iniabot niya

Kinuha ko ang iniabot niyang sobre at binuksan yun. Sa puntong ito ay hinihiling ko na sana lamunin nalang ako ng lupa sa kinatatayuan ko ng dahil sa kahihiyan

"71?" pagtatanong ko kay Jeff na bagot na bagot sa harapan ko

Marami ng estudyante ang nakapalibot sa amin ngayon. Ang iba ay nagbubulungan at ang iba ay nakikinig. Pakiramdam ko umakyat ang dugo ko sa buong mukha ng dahil sa senaryong nangyayari sa harap ko

Biglang may umagaw ng papel sa kamay ko. Nilingon ko ito at nakita ang nakangising si Yunise

"Oh my! Itinama niya ang mga wrong grammars hahaha" komento niya matapos makuha ang papel

"hoy hoy akin na nga yan!" pilit inaagaw ni ceddie kay Yunise ang papel

"The first time I saw you I already has a crush on you. You look like an angel sent from above " madamdamin niyang pagbabasa sa nakasulat sa papel

4G's in LoveWhere stories live. Discover now