Chapter 3

41 22 28
                                    

Diane's POV

Naglalakad ako ngayon papasok ng school dahil malapit lang naman ang bahay namin dito samantalang yung dalawa kong best friend ay sinusundo ng service nila dahil medyo malayo sila dito. Ewan ko ba kahit walking distance lang naman ang bahay ko palagi pa rin akong nale-late! Ang hirap kasi gumising ng maaga eh kusang yumayakap sakin yung kumot pag alam niyang malapit ng mag-alarm yung orasan sa side table. Magbabago nalang siguro ako pag college na so May one year pa ko para maging ganito.

"Hi miss guard! Ganda ng kilay natin ngayon ah?" pambobola ko sa guard sa may gate para papasukin ako.

Buti nalang sya palagi ang nakaduty tuwing umaga kaya hindi ako nahihirapan pumasok kahit medyo late nako kasi ka vibes ko tong guard na to dahil nireregaluhan ko sya tuwing christmas party. Suhol kumbaga.

"Hay naku ikaw bata ka oo! Bilisan mo na at baka maabutan kana naman ni Dante naku malalagot ka dun!" sabi nya sabay iling na parang sawa na sya sa kakasermon sa pagiging late ko palagi.

Ngumiti lang ako ng pagka tamis tamis kay miss guard at kinawayan sya.

Dumiretso agad ako sa papuntang classroon pero sa may Library ako dumaan kasi maliit lang ang pasilyo don at hindi nag-iikot dun si Mang Dante, yung gurad na in charge sa pagconfiscate ng mga ID ng mga estudyante na nasa labas pa ng classroom pag time na.

Habang naglalakad ako naaninag ko naman ang grupo nila Yunise na papalapit sa dinaraanan ko.

My gosh makakasalubong ko na naman sila!

Ang grupo nila Yunise ang pinaka inaayawan sa school na to kasi barumbado at walang modo sa pag-aaral ang mga kaibigan nya pati sya. Kahit siya lamang ang babae sa grupo  Madame ang tawag sa kanya ng mga ka miyembro nya. Palibhasa mayaman kaya hindi mapatalsik yan dito kahit maraming binubully na estudyante. Well ang mga binubully lang naman nya ay ang mga klase ng estudyante na nagkakagusto kay Jeff at gaya ng sinabi ko na halos ipagsigawan ko na na may crush ako kay myloves hindi rin ako nakaligtas sa pambubully nya at ng mga kasamahan nya.

Maganda si Yunise,mukhang mayaman talaga dahil sa maputi nitong kutis at mamahaling bag at sapatos ngunit wag ka lang talaga makikipag-usap sa kanya ng malapitan kasi ang baho ng hininga nya! Hindi ko alam kung nakakalimutan nya bang mag toothbrush or may sakit siya sa tyan kaya sya may bad breath. Kaya ang buong akala nya ay lahat ng estudyante ay ki akatakutan sya kahit mag-isa lamang sya at hindi kasama ang mga alipores nya pero hindi nya alam ang ilan sa mga ito ay iniiwasan kang siya dahil sa baho ng bunganga nya.

"Oww look who's here"sabi nya sabay hinto nila sa harapan ko.

Nakakatakot yung mga kasama nya dahil bukod sa matatangkad ang mga ito matataba pa kaya matatakot ka talagang kalabanin sila. Pero siyempre hindi ko dapat ipakita na natatakot ako kasi pag nalaman nila yun mamaliitin nila ako at kakaya kayanin which is hindi makatarungan sa karapatang pantao.

"Yunise malelate na kasi ako eh kaya pwede padaanin mo nalang ako?" mahinanon kong sagot habang pilit silang nilalagpasan ngunit ng dahil sa matatabang kasama nya hindi ako kasya papunta sa direksyon ng classroom ko.

"hahaha anong malelate ang sinasabi mo dyan? Eh lte kana naman talaga!" sigaw nya sa mismong mukha ko!

Ang baho huhuhu

"alam mo little creature naalibadbaran ako sayo eh akala mo ba magtatagumpay ka sa pagpapacute mo kay Jeff? Pwes nagkakamali ka dahil hindi hindi ka nya mapapansin! Rich are also for rich only no matter what happened!"

Naiinis na ko ah! Bukod sa mabaho ang hininga nya may quiz pa ko sa first subject ko kaya kailangan ko ng makaalis dito.

Dumaan ako sa harap nila kahit medyo masikip at sa kasamaang palad naapakan ko yung paa ni Yunise!

4G's in LoveWhere stories live. Discover now