Chapter 7

17 4 8
                                    

"How's the party last night?" maagang bungad sakin ni dad pagkababa ko ng hagdan.

Agad akong dumiretso sa dining table para mag-almusal. Mom's not here again. I wonder kung nababa pa ba yun ng opisina niya

"Ayos lang" matamlay kong sabi at nagsimula ng kumain

"Nagustuhan ba ni Ynalyn yung regalong ibinigay ko?"

"Maybe?"

Maaga natapos ang party ni Ynalyn. Kung party nga ba na maituturing yun. Parang simpleng salu-salo lang ang nangyari. Sa garden ng bahay nila naganap ang Salu-salo at konti lang ang mga  naging bisita. Mga hindi nalalayo sa edad namin.Karamihan doon ay mga naging kaklase niya noon,mga kaibigan at ibang kakilala.

Hindi na rin naman ako nagtaka kung bakit ganon ang nangyari. Ginagawa lang naman nilang enggrande ang okasyon kapag may dadalong bigating bisita tulad ng mga kliyente,co-businessmen at mga kaibigan ni tita Inah. Pero dahil wala siya kahapon hindi na niya gaano pinagtuunan ng pansin ang Welcome Party ni Ynalyn. And It made Ynalyn feel sad. Pakiramdam niya wala siyang halaga kaya nandito ako palaging nasa tabi niya at nakasuporta.

Hindi rin dumating kagabi yung tatlo kong kaibigan. Well I know that Ernell and Paulo would not come. They think that the party will  be a mess because of hard drinks and liquor but the truth is the other way around. Naging parang group study ang nangyari. Konting tawanan at kamustahan lang. Ang banda lang na kumakanta ang nagpasigla ng gabi

Si Ronnie naman hindi ko alam kung bakit hindi pumunta. Maybe because of that reason again pero Im sure alam naman niya kasi na walang wild party na mangyayari kaya hindi na siya nag-abala pa

Marami siyang natanggap na regalo at paniguradong mamahalin ang mga iyon. Pero gaya ng sabi niya na She needs presence not present ay malungkot pa rin siya. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin para mapasaya siya kaya ang tangi ko na lamang ginagawa ay palaging nandyan sa tabi niya nakasuporta sa kanya.

Kinwento niya rin sakin ang buhay niya sa New York. She lives alone there kahit na minor pa lang siya. Marami na rin naman daw ang ganun sa bansang yon. Maaga silang tinuruan maging Independent.Gustuhin niya man mag-aral dito para may kasama siya nagdesisyon ang mommy niya na dun nalang niya tapusin ang highschool dahil may senior high doon. Mas makakapili siya ng gusto niyang course para makapagready sa college. Kahit na Engineer ang mommy niya Interior designing ang gusto niyang kunin at dahil kilala ang New York bilang isa sa in demand sa larangan na yun pumayag na rin siya sa kagustuhan ng mommy niya. Dahil dun napabilib niya ako. Kahit na mag-isa siya dun at malungkot mas pinili niya ang siguradong ikakaganda at ikaka successful niya in the near future. Yun ang gusto ko sa isang tao matalino at may pangarap sa buhay

Andito siya ngayon sa Pilipinas para magbakasyon. 2 weeks lang siya mag i-istay dito at babalik na naman sa New York. Ngayon lang nagkaganito ang set up namin dahil in the past years ako ang napunta doon para bisitahin siya. Namimiss na daw kasi niya dito kaya nagpumilit na siya nalang daw ang magbabakasyon dito imbes na ako. Hindi ko na rin naman kinontra dahil kung saan siya masaya dun din ang desisyon ko

Pero sa nakikita ko ngayon simula nang pagtungtong niya dito parang kabaligtaran naman ang nangyari. Parang mas lalo siyang lumungkot. Kung doon ay naiintindihan niya kung bakit hindi makabisita ang mommy niya dito naman ay wala siyang makuhang dahilan kung bakit hindi parin niya ito makasama gayong nandito siya sa bahay nila. I wonder kung nakapagkita naba sila at nakapag-usap

"By the way son, I will be flying all the way to Europe for the business trip. May kliyente ako dun na gusto sakin magpagawa ng Hotel. I'll be gone for about 2-4 weeks"

"When is your flight?"

"Tonight. Its an urgent deal. kakatapos ko lang kasi sa company dito kaya agaran ang punta ko dun"

4G's in LoveWhere stories live. Discover now