Chapter 1

103 24 22
                                        

Diane's POV
I can't wait for the time when we'll walk the aisle together can't wait to say the words I do (I do) 🎶🎶

Ang ganda talaga ng boses ng bestfriend kong si Ceddie. Anong araw ba ngayon? Bakit ako nasa simbahan? Bat ang daming taong nakatingin sakin at nakangiti? Mama, Papa bakit kayo naiyak? Bakit ako nakasuot ngayon ng white fitted long white gown with gold beads on my waist. Sino ang matipuno at matangkad na lalaking nakatayo sa harap ng altar at hinihintay ako. Teka ako ba yung hinihintay o nag aassume na naman ako. Pero hindi ako pwedeng magkamali dahil diretso syang nakatingin sakin with full admiration on his eyes.

Habang papalit ako ng papalapit sa altar nangunot ang noo ko
Bakit parang kamukha nya si my loves ko? Mapuntahan nga

Lakad lakad............ Dugdug dugdug

Wait bakit ako kinakabahan at ang lakas ng tunog ni miss heart?

Naglakad ako ng medyo mabilis at parang sasabog naman ang puso ko dahil sa sobrang kalabog nito.
Ayan na malapit nako sa kanya! Mahahawakan ko na ang matangkad na lalaking ito

Lakad lakad..............Dugdug dugdug
Lakad lakad..............Dugdug dugdug
Lakad lak-

"Hey Diane Juarez you're dreaming again! What did you do last night at parang sabog kana naman ha?! Its Lunch time already! Lets go!" sabi ng bestfriend kong si Elle

"Naku teh hindi kana nasanay dyan sa impokritang yan! As usual napuyat na naman yan kakatitig at kakadownload ng mga pictures ng crush nya sa fb" yan ang pinakamadaldal saming tatlong magkakaibigan. Sabagay bakla yan kaya no doubt ang bunganga ng bruhang si ceddie

Naglalakad kami ngayon sa corridor papuntang canteen.
Kinusot ko ang aking mga mata at humikab sabay baling sa dalawa

"nakakainis naman ka..........yo" sabi ko habang nangniningning ang mata

"oh? Nangyari sayong bakla ka?"
Hindi na magkamayaw ang pagniningning ng mga mata ko dahil sa nakikita. Kinalabit kalabit ko si Elle at Ceddie dahilan para mainis ang dalawa

"Isang kalabit pa Diane ipapalapa kita sa daga"

Naupo na kami sa isang table na malapit sa pintuan. Dun kami lagi umuupo para ako agad ang makakakita kapag papunta na si myloves dito sa canteen. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang tili na gustong kumawala sa bibig ko

"Hoy drug addict sino ba kasi yan?" Sabay tingin ni ceddie sa di kalayuang lamesa

"Ah kaya naman pala andyan na yung pa cool guy kuno ng campus na crush mo pati mga barkada nya" sabay irap nya at bumaling ulit samin ni Elle
Sinimangutan ko sya.

Tama kayo ng nababasa, crush ko nga ang tinaguriang "Cool guy" ng campus namin. His name is Jeff ang isa sa mga heartthrob ng school nato. Well kung hindi nyo naitatanong yes uso din dito sa school namin na pag gwapo ka titilian, pagkakaguluhan at ituturing kang parang prinsipe o artista ng mga estudyante. Hindi naman kami nag-aaral sa mamahaling school, semi-private lang to kumbaga. Mababa ang tuition hindi tulad ng ibang schools na halos isang taong sweldo na ng tatay ko ang binabayarang tuition. Pero kahit semi private lang to marami ding nag-aaral na mayayaman dito dahil bukod sa one of the most competitve high school in terms of academic ang paaralang ito, Business highschool din ito. At isa si Jeff sa mga mayayaman na dito piniling mag-aral. Pero hindi ko rin naman masisisi ang mga estudyanteng nagkakagusto sa heartthrobs dito sa school lalo na si Jeff dahil kung hindi nyo naitatanong Varsity yan ng Basketball at black belter ng Taekwondo at isa pa consisted Dean's lister yan simula 1st year high school hanggang ngayon na graduating na kami. So alam nyo naman na siguro kung bakit crush na crush ko sya diba? Well 21st century na kaya hindi nako kabilang dun sa mga mala Maria Clara na tinatago ang nararamdaman nila sa lalaking gusto nila hangga't hindi nagtatapat ang lalaki sa kanya. Ako kasi ay isa sa mga fangirls nya na tumitili at halos ipagsigawan na crush ko sya na sobrang kabaligtaran naman ng kaibigan kong si ceddie na kahit bakla sya ay tiklop pag andyan na ang crush nya hahaha! Well kung si Elle naman ang idedescribe ko never nagka crush ang babaeng yan! Puro pag-aaral ang inaatupag nyan sa buhay. Hindi ko tuloy alam kung sino ang Inspirasyon nya sa pag-aaral. Lahat naman ng tao ay may inspirasyon sa buhay at tayong mga students, ang mga crushes natin ang inspiration natin sa pag-aaral at para maka complete attendance tayo aminin!

So back to reality. Kaya naman pala puro bulungan na naman ang nangyayari dito sa loob ng canteen dahil andito na naman ang 4G including him❤

Kinausap muna ni Ernell ang mga kaibigan bago naglakad papunta samin

"Uy hello girls pwede ko bang makausap si Diane?" tanong ni Ernell pagkaupo sa harap ko na katabi ni ceddie

"Sure! No prob" sabi ni Elle na tiningnan si Ceddie na halos parang nalalagutan na ng hininga sa sobrang pula ng mukha. Sobrang puti kasi niya kaya makikita mo talaga pag namumula siya. Actually kamukha niya yung lalaki sa alaska na gatas

"bakit Ernell?" hinarap ko sya

"uhmm may gagawin kaba mamaya?"

"wala naman, bakit?"

"Great! Gusto ka daw kasi makita ni mommy mamaya, Alam mo naman namimiss kana daw nya at para makapag bonding na din tayo. Ang tagal na rin kitang hindi nakausap ng tayong dalawa lang"

"ah eh" pasimple akong sumulyap kay ceddie na hanggang ngayon ay namumula parin at nilalaro lang ang pagkain

"Ernell pasabi naman kay tita na next time nalang? Kasi alam mo naman malapit na ang periodic test kailangan kong magreview"

"Ganun ba? O sige ihahatid nalang kita pauwi para ako nalang ang pupunta sa inyo dahil sigurado akong namimiss na ako ni tita"

"ay hindi na!! I mean pagtapos nalang ng periodic kasi mag-oovernight sina Elle at ceddie sa bahay eh para makapag brainstorming kami"

Biglang lumungkot ng bahagya ang mukha nya at tipid na ngumiti

"ganun ba? Okay sige next time nalang"
Bigla naman akong nakonsensya

"Promise yun Ernell pagkatapos talaga ng Periodic" sabay ngiti ko ng pagkatamis tamis

"Promise yan ah! Ok sige alis nako. Ceddie,Elle" paalam nya pagkatapos guluhin ang buhok ko.Bumuntong hininga ako at ipinagpatuloy ang pagkain

"Diane bat naman di ka pumayag kay Ernell?"

"Eh kasi diba crush mo sya? Baka kung ano naman isipin mo saming dalawa"

"Hindi no! Alam ko naman kung gaano kayo ka close dalawa kasi magkababata kayo. Naiintindihan ko naman yun. Sa susunod na yayain ka ni Ernell wag mo naman syang ireject ng dahil lang sakin. We all know how Good guy he is"

Napatitig ako kay ceddie. He has a crush on Ernell since 2nd year high school. Ang tipo kasi ni ceddie sa mga lalaki ay yung disente at mabait hindi tulad ng ibang gay na ang gusto ay Wild at intimate. Kaya nya nagustuhan si Ernell. He was called Good Guy of the campus because of that reason.

"Alam mo kakaiba ka talaga sa lahat ng baklang nakilala ko. Ikaw lang ang baklang daig pa si Maria Clara kung umasta hahaha. Pero totoo naman yung sinabi ko Kay Ernell na busy talaga ako para sa periodic test kaya next time nalang"

Matagal bago nakapag salita si Ceddie
"Diane? Pwede ba akong humingi ng favor sayo?"

"yup sure! Ano ba yun?"

Umiling sya "ay hwag nalang pala nakakahiya eh"

"ano kaba namang baklita ka! What friends are for diba? Ano ba yun?"

"Ibubulong ko nalang baka may makarinig"

Pumunta ako sa tabing upuan ni Ceddie para marinig kung ano mang sasabihin nya at nung malaman ko bright idea comes into my mind *smile*

To be continued...

4G's in LoveWhere stories live. Discover now