Chapter 6

35 8 7
                                    

Chaptet 6
Ronnie's POV

"Hey baby I miss you" malanding sabi ni sabrina sabay pulupot ng galamay niya sa leeg ko.

Tinanggal ko yung kamay niya at pabatong binalik sa kaniya. Wala akong balak manlandi ng kahit sinong babae ngayong gabi

Nandito ako ngayon sa bar malapit sa loob ng subdivision namin. Kahit minor ay pwedeng pumasok dito basta resident ka ng subdivision at ang plano ko ngayon ay mapag-isa para magrelax kaso ito namang intrimitidang babae na to ay biglang tumabi sakin at nilalandi ako.

Psh! kaya nga sa stool ako umupo malapit sa bartender dahil ayokong mag-entertain eh! Kung gusto ko ng kasama ay sana kumuha ako ng room diba? engot din tong babae na to eh.

Hindi ko nalang siya pinansin at nilagok ng sunod sunod ang alak na nasa baso ko. Mapapagod din naman siguro tong babae na ito kapag dinedma ko

Napailing ako habang nagsasalin na naman sa aking baso.

Aaahh nakakainis! Bakit pa kasi? aisshh!

Pwede naman ako maglasing ngayon dahil wala namang pasok bukas at gabi pa naman ako aalis papunta sa welcome party na sinasabi ni Jeff. Kailangan ko pumunta. I really need to and I should be

Makalipas ang labing limang minuto napagtanto kong wala na si Sabrina napagod na yata buti naman.

Tuloy tuloy ako sa paglagok sa aking baso. Hindi naman talaga ako palainom na tao, pag may okasyon lang at problema. Kung tinatanong niyo kung bakit hindi ko kasama ang mga kaibigan ko ay sa kadahilanan na hindi naman sila talaga mahilig sa nigh out na ganito. Hindi rin sila mahilig uminom pwere nalang talaga kung kailangan. Ako lang at si Jeff ang umiinom sa barkada dahil never mong mapapatikim ng alak si Ernell at lalo na si Paulo baka maging roasted chicken ako ng wala sa oras pag nagbaga na ang tingin niya sa pamimilit ko

I smoke also pero hindi madalas. Kapag napagtripan ko lang at kapag napepressure ako sa isang bagay. Pampawala ng stress kumbaga.

I've been called as the "Badboy" ng campus dahil na rin siguro sa ganito kong ugali at pagkahilig sa babae. I'm only 17 years old pero marami na akong nakarelasyon well sila ang lumalapit sakin at ineentertain ko lang sila dahil masama manakit ng feelings ng babae kapag nireject mo sila. Their ego and pride will be burt kaya nagtataka ako kung bakit ako naging badboy sa paningin nila. I should be called Gentleboy dahil iniisip ko ang mararamdaman ng mga babae kapag hindi ko sila pinansin. Im just being friendly here!

The music become loud as the people dancing wildly. Sobrang gulo na ng mga tao sa dancefloor at makikita mong they all drunk and unconcious na sa mga ginagawa at kinikilos. Some couples are making out too on their respective couch at ang iba naman ay nagtatawanan at nagsisigawan na.

Habang nakaupo ako dito sa stool ay magkukwento nalang ako kung bakit nagkaroon ng hinayupak na 4G dito sa mundo dahil alam ko naman na walang plano mag-explain ang tatlong ugok na yun sa inyo at magkandalito lito pa kayo kakaisip sa title ng istorya haha!

Magkababata kami ni Jeff dahil magkaibigan ang mommy ko at mommy niya. They were bestfriends since highschool days. Iisang school ang pinasukan namin simula kinder hanggang ngayon na malapit na kami grumaduate ng highschool. Yun ay kung makakagraduate ako hahaha! Masungit na talaga si Jeff simula bata palang at hindi ka niya papansinin kapag hindi ka niya ka close mapa babae ka man o lalaki at kabaligtaran naman niya ako, ako kasi iyong tipo ng lalaki na friendly. Habulin din ng babae si Jeff na hindi ko naman maintindihan kung bakit. Bakit ka magkakagusto sa lalaking wala namang pakialam sayo kung nandito naman ang gwapong tulad ko diba? kaya tuwing may magbibigay kay Jeff ng kung anu-ano at alam ko namang hindi niya tatanggapin ako nalang ang kumukuha at ako ang nakikinabang. Pati mga babae na isinasawalang bahala niya ay ako nalang ang nakikinabang para hindi sayang kaya sa huli kahit hindi sila pinansin ng Crush nila hindi parin sila umuuwing luhaan dahil andito ako na sumasalo sa kanila. *wink*

4G's in LoveWhere stories live. Discover now