Chapter 5

21 9 6
                                        

Jeff POV

Pagkagising ko palang ay agad ko ng tiningnan ang aking phone. Inaabangan ko kasi ang text ni coach dahil nasabi niya kahapon na baka wala daw kaming practice ngayon dahil abala siya sa gaganapin na interclass next month. Siya kasi ang head ng P.E Department kaya ngayon pa lang ay abala na siya sa pag-aayos ng schedule at paglalakad ng mga letters para maaprubahan ng President ang non-academic activity na ito pero dahil walang text si coach ay ibig sabihin non ay tuloy pa rin ang practice namin

Nakita ko ang dalawang messages na parehong galing kay Ynalyn

From: Ynalyn (7:09am)
Good morning Love! May klase ka ngayon hindi ba? Ingat ka ha ❤

From:Ynalyn(7:48am)
Btw nabanggit mo pala sakin kahapon na may practice kayo ng basketball after class, tuloy ba? Pwede ako sumama love? Para makapag-ikot na rin ako sa campus mo

Nag-isip pa muna ako at agad nagtipa ng isasagot sa kanya

To:Ynalyn(8:30am)
Sure! Just text me if nasa gate kana ng school para masundo kita

Pagkatapos ay agaran na akong tumayo para maligo at makapaghanda sa pagpasok

Pagbaba ko sa dining area ay naabutan ko si Dad na umiinon ng kape at nagbabasa ng hawak na diyaryo.

Lumapit ako sa kanya at bumati ngunit nangunot ang noo ko

"Where's mom?" pagtatanong ko

Ibinaba niya ang diyaryong binabasa at tumingin sa akin na nakataas ang isang kilay

"As usual hijo. Hindi naman sumasabay sa hapagkainan ang mommy mo pag andito ako" aniya

Bumuntong hininga nalang ako, umupo at nagsimulang kumuha ng breakfast para makakain

"By the way how's Ynalyn? Nagtampo na naman ba siya sa mommy niya kahapon?"

Ibinaba ko ang tinidor at tiningnan siya "Yeah dad lagi naman ganun tuwing umuuwi siya"

"Tumawag nga pala sakin si Inah. She will throw a welcome party for Ynalyn tomorrow at their mansion  at pinapasabi niya na pumunta ka raw at isama mo ang mga kaibigan mo. She will not be there because of some unfinish business kaya kailangan ang presence mo para hindi sumama ang loob ni Ynalyn"

Pagkatapos kumain ay nagpaalam nako kay Dad para pumasok sa school

Pagkarating ng eskwelahan ay agad akong dumiretso sa room at nakitang nandoon na si Ernell at Paulo. Pumunta ako sa aking upuan kalapit ng sa kanila at nilagay ang aking bagpack saka humarap sa dalawa

"There will be a welcoming party on Ynalyn's house. Dumating na siya kahapon kaya she invited us para makapag usap at kumustahin kayo"

"Okay" usal ni Ernell. I look at Paulo and he only nod at me.

The class went well. Hindi naman masiyado mahirap dahil may alam na naman kami dito noong tinuro to when we were 3rd year. When the bell rang as a sign na lunch break na ay nagdismiss na ang aming Science teacher.

Inayos ko na ang gamit ko para makababa na kaming tatlo.

Pagkalabas namin sa room ay hindi na naman magkamayaw sa pagtingin tingin at pagsigaw sigaw ang mga estudyanteng madadaanan namin. Umabot iyon hanggang sa canteen.

"Yow 3G!" napatingin kami sa gawi ni Ronnie ng bigla siyang sumigaw.

Nandoon na siya sa palagi naming pwesto malapit sa counter. Agad naman kaming naglakad sa gawi niya at hindi nalang pinansin ang walang humpay na bulungan o tilian ng mga babaeng estudyante dito sa canteen

4G's in LoveWhere stories live. Discover now