~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
________________________________________________________________________________"Luhhhh meron nanamang chocolate?" Sabi ko sarili ko habang nakatingin sa desk ko
" UYYY SINO MAY-ARI NITONG CHOCOLATE!? KUNG SINO MANG NAGLALAGAY NITO SIGURADO KA BANG IBIBIGAY MO SAKIN TO?" Sigaw ko sa buong room saka nagtinginan yung iba kong mga classmate
" Jeminah kahapon ka pa sumisigaw ng ganyan kung ayaw mo ng chocolate na yan amin nalang?" Saka lumapit si Reese
" Oo nga uyyy Jeminah ahhhh hahaha ganda mo naman gurl! " Biglang sigaw ng isa kong kaclassmate
" OH!? Aba! sino yang nagbibigay sayo ng chocolate ang poor naman bakit Ferrero Rocher lang!? Tapos kahapon isang Macademia chocolate binigay sayo tssss ang poor ahhh" Saka nagflip hair si Reese pabalik sa upuan niya.
Napansin kong napatingin si Jin sa amin ni Reese pero binalewala ko nalang tss.
Hayyy if I know kabaligtaran yung sinabi niya sa sinasabi ng utak niya hayyyy. Tinignan ko ang paligid para mahalata kung sino man ang naglalagay ng chocolate sa desk ko pero wala akong makitang something suspicious sa kilos ng mga classmates ko as if it was just normal. Tinignan ko si Jin na katabi ko balak ko sana siyang tanungin kung sino naglagay ng chocolate pero hindi ko na itinuloy. Naalala ko kasing galit nga pala ako sakanya kahapon pa tss.
Nakita kong biglang pumasok si Nick kaya dinamba ko ito saka tinanong ng pabulong
" Hoy Nick kilala mo ba kung sino naglalagay ng chocolate sa desk ko?" Baka sakaling kilala niya at isa sa mga kabarkada niya
" Huh? Ahhh hindi bakit? Meron nanaman?" Tanong ni Nick habang nakakunot ang noo
"Oo ehhhh" Sagot ko
" Hoy wag kang magpapadala sa chocolate ng kung sino mang ngbibigay niyan sayo ahhhh kala mo isusumbong kita sa mama mo " Pagbabanta ni Nick habang naglalakad kami pabalik sa upuan ko pangalawang araw na kasi tong nagbibigay ng chocolate na kung sino man siya
"Oo na po tss bodyguard ang peg mo ahhh" Hindi niya ako pinansin at inirapan lang ako habang inaayos ang bag niya at upuan
" Tsss" usal ko saka ko naman naispotan si An an na paupo na sa tabi ni Nick at sandali lang kaming nagkatitigan habang nilalagay ang chocolate sa baunan ko. Kakainin ko mamaya.
Hayyyy kasawa ng magtanong kahit si Nick palang natatanong ko kaya umupo nalang ako sa upuan ko at kinuha ang notebook kong kung ano ano ang nakasulat habang hinihintay ang susunod na teacher habang biglang napaisip na bakit puro lalaki kasama ko sa last row huhuhu.
Naramdaman kong may braso sa likod ko na nakapatong sa upuan ko nang lingunin ko iyon ay si Nick pala pero hindi siya nakatingin sa akin instead nakatingin siya kay Jin at ang sama ng tingin niya geez.
YOU ARE READING
Unrequited Crush
Teen FictionCrush? Masaya ba magkaganon? Yung feeling na parang may roller coaster sa loob ng tiyan mo Yung nanginginig yung tuhod mo Yung namumula ka at nagsisimulang mautal sa pagsasalita Yung nanginginig ka sa sobrang excitement ...