C4 - The End of the Beginning

714 23 9
                                    


AN : Still part of the flashback






1 year and 2 months ( bale ang date niya is january kasi kapag binilang mo from november ng 14 months magiging january para lang po sa mga maguguluhan)





I ran upstairs hanggang sa marating ko yung classroom namin at patuloy na umiiyak na parang walang bukas kasi ang sakit sakit alam mo yun ginawa ko na ang lahat pero wala! Wala!



Nagbihis ako ng normal na damit dahil nakacostume ako  wala namang tao sa classroom lahat sila nasa baba kaya nagpalit na ako habang patuloy pa ring umiiyak


'Ayoko na sa lugar na to gusto konang umalis' sinasabi ko sa isipan ko nang ihuhubad ko na ang pantaas ko ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Nick na nag-aalala


"Ayy sorry"  Sinara agad ni Nick ang pinto at nagpatuloy lang ako sa pagbihis after kong magbihis ay nagmadali akong kunin ang gamit ko para makaalis na dito sa pesteng lugar na ito  paglabas ko nang room ay nandun pa si Nick at biglang akong inamba ng yakap lalo akong napaiyak habang napasandal ako sa dib dib niya at hinihimas likod ko para kumalama ako.


"Nick gusto kong nang umalis! Nick ayoko na! Nick please tulungan moko!" Humahagulgol na sabi ko. Kahit na hirap ako magsalita kinaya ko gusto ko nang umalis dito.


Hinila niya ako at nilagyan ng cap para hindi makita ng mga estudyante sa school yung mukha ko sa  paglabas namin. Para na rin hindi nila makita na umiiyak ako yumuko ako habang pababa kami hanggang sa makarating kami ng Admin's  Office. Ramdam ko yung mga tingin ng mga estudyanteng nadadaanan  namin pero wala na akong pakielam dahil ang gusto ko lang ang makalabas at makaalis sa lugar na ito.


Pagka paalam namin sa admin ng school para mapalabas kami ng guard. Dinahilan ni Nick na masama pakiramdam ko at ihahatid niya ako sa bahay which is pinaniwalaan ng admin dahil bukod sa alam nila ang connection namin sa isa't isa ay isa rin siya sa mga pinag kakatiwalaang student dito.


Paglabas namin ay pumara siya ng taxi at sumakay kami at patuloy na hinahagod ang likod ko at pinapakalma ako.


"Jah water oh para mahimasmasan ka saka para makahinga ka please calm yourself down nahihirapan ka nang huminga oh" Nagaalalang sabi niya sakin habang inaabot ang bote ng tubig niya sa akin


Ininom ko yung tubig saka huminga ng malalim pero bawat buntong hininga ko ay bumibigat yung pakiramdam ko at lalo akong naiiyak kaya balewala din kaya ako na mismo pumipigil sa iyak ko. Niyakap ako ni Nick ng mahigpit.


"I'll take you somewhere to calm you down, don't worry tinext ko na si mommy mo at nagpaalam na gagabihin tayo ng uwi at ihahatid naman kita"


Tumango lang ako. May tiwala ako kay Nick alam kong safe ako kahit saan niya ako dalhin dahil alam kong wala siyang gagawing masama sakin.

Unrequited CrushWhere stories live. Discover now