C12 - Almost

165 6 1
                                    


"I love the way your eyes sparkle whenever you smile and I hope I'm one of the reason of the smile. Someday you'll realize how I have already fallen to you from the very start and I will do anything kahit na masaktan ako para lang sayo."


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Nakaka stress lang yung mga inutos samin na gawin ni Jin para sa pag-campaign ng mga clubs naming dalawa idagdag mo pa na ilang araw na akong hindi kinakausap ni An an tas ni Nick simula noong umuwi kami noong Thursday na nakakafrustrate dahil hindi ko sila makausap dahil laging walang time at natityempohan na tinatawag ako ng mga gawain at nagdaan ang weekend wala pa rin. Late na akong nakakauwi nang bahay dahil dito tsss bakit ba ako pumayag?!



Tss napaka retorikal naman nang tanong na yon tss malamang para sa incentive tapos para makasama si Jin jusko!


Tuesday ngayon at meron pa ring naglalagay nang chocolate sa desk ko! Isabay mo pa yon! Sino ba kasi naglalagay nang chocolate dito? Gusto yata akong magkaroon ng diabetes nito ehhh.


Kinuha ko yung chocolate sa bag ko habang nakaupo sa upuan ko para makapagpawala nang stress kahit papaano. Nakakatulong din naman yung chocolate kahit papaano narerelieve yung stress ko sa schoolworks at sa iba pang mga bagay. 


Habang kinakain yung chocolate ay umupo si Jin sa tabi ko 


" Meron ka na bang ipepresent para sa Friday?" Biglang bungad na tanong sakin ni Jin pagkababa niya ng bag niya sa desk


" Hala! Oo nga pala no!" Hala anong ipeperform ko? Bakit kasi Sports club 2.0 napili ko ang hirap tuloy isipan ng ipeperform na related doon hays.


" Wala pa akong naiisip Jin eh sasabihin ko nalang sayo mamaya kasi manghihingi ako ng suggestions kay sir Jeff ah saka ano ba ang ipeperform mo?"

" Sasayaw kami ng hiphop na genre nina MJ saka ni Kiel, sige mamaya hintayin ko " Saka siya umalis sa upuan niya para puntahan si Lynn at makipagkwentuhan sakanya


Nakakastress talaga andami dami kong dapat isipin.


Napayuko nalang ako sa desk ko at sinubukang matulog para marelieve yung stress ko kahit papaano habang wala pa yung teacher namin.


10 minutes later...


" SUNOG!!! SUNOG!!!" Nagising nalang ako sa sigaw ng mga classmates ko

Dahan dahan kong inangat yung ulo saka bumungad yung teacher kong nakangiti at binati ako


"Good Morning Ms.Gueco masarap ba naging tulog mo" Ngiting ngiti si ma'am Jess habang sinasabi yan and I don't know if she is being sarcastic or what pero tinanguan ko lang siya


Hindi na ako pinansin pa ni ma'am at nagdiscuss nalang sa harapan. Iniisip ko nalang kung kakanta nalang ako pero ano? Nako naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unrequited CrushWhere stories live. Discover now