Chapter 10: School

32 8 3
                                    

JIMIN'S POV

"Bakit ako? Si Taehyung na lang huhuhuhu pleaseee" psh parang batang ayaw pumasok sa school tong si Jungkook.

"Hindi na mababago yon, ikaw ang makikipagkaibigan at si Jimin ang magbabantay kay Cion and that's final" -Namjoon

"No way T_T" sabi niya at nagtakip ng unan sa mukha, what the f*ck?

Sa totoo lang ayoko rin pumayag pero ano bang magagawa ko? Baka may alam sila sa mga nangyari at kung meron man ako mismo ang papatay sa kanila...

"Hello students! Haha" kanina pa tong Taehyung na toh eh.

"Okay na guys! Enroll na kayo pfft" tch isa pa tong si Hoseok nangiinis pa -_-

Tumayo naman si Jungkook ng padabog at padabog ding ibinaba yung unan na nakatakip sa mukha niya kanina.

"Ewan ko sa inyo" aba't talaga tong Jungkook na toh.

==========
• MORNING •
==========

JUNGKOOK'S POV

Nakasimangot akong bumaba ng hagdan at may backpack na hawak, aishh I hate school...

"Kain na ng breakfast baka malate kayo pfft" -Hoseok

Bakit ba anlakas niya mang-asar? Ugh kainis!

"Bilisan mo kumain..." sabi sa akin ni Jimin.

Tumango na lang ako bilang sagot.

I hate school, why? Natakot na akong pumasok dahil madaming nambubully sa akin dati. Natrauma siguro ako dahil don kaya kahit hanggang ngayon ayoko na pumasok sa school, and idagdag mo pa ang parents kong walang pakialam sa akin hay...

《Fast forward》

"Enjoy kayo!! hahahaha"

"See yah later guys!!"

"Makipagfriends kayo ah! Pfft"

"Very Nice mga estudyante na kayo hahaha!!!"

"Goodluck..."

Nasa parking lot na kami ng University at papasok na pero tong mga toh ay nang-aasar pa. Nasa loob sila ng kotse at kami nandito sa labas habang nakaharap sa kanila.

"Ingat kayo bye!" Nag-umpisa ng umandar ang kotse at sinundan namin toh ng tingin hanggang sa mawala sa paningin namin.

"What now?" Tanong ko kay Jimin.

"Pumasok muna tayo sa loob"

Tumango ako at nag-umpisa ng maglakad, tumingin ako sa paligid at may ilang nakatingin sa aming mga students at halos lahat sila ay babae... ganon na ba talaga ako kagwapo?

"Tumigil ka na Jungkook, lumalakas ang hangin"

Hala! Nadinig niya, kaya tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya ng diretso sa dinadaanan namin habang naglalakad kami. Ang seryoso naman nito masyado.

"Baka matunaw ako, wag mo kong tignan" sabi niya

"Bakit? Ice cream ka ba para matunaw?" Bulong ko at tumingin sa ibang direksiyon.

Wait... si Cion Emery ba yon? Kinuha ko kagad sa bulsa ko ang picture at tinignan ng mabuti tapos tumingin ulit sa babaeng nakita ko na nakaupo sa ilalim ng puno.

Sh*t siya nga.

==========





















Mafia World - The Dark Side (BTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon