Chapter 16: Bloody Rain

28 6 1
                                    

HOSEOK'S POV

"Don't worry... hindi ko sinabi sa kanila na kinuha niyo si Cion because I'm here to help you"

Nagkatinginan naman kaming apat dahil hindi namin alam kung mapagkakatiwalaan ba siya o hindi.

"Uh... I know na mukhang hindi totoo yung sinasabi ko but please believe me..."

"Okay I believe you..."

What?! Seryoso ba si Namjoon sa sinabi niya? Kung ako kasi ang tatanungin ay hindi ako maniniwala sa kanya.

Patuloy lang na ginagamot ni Jungkook ang binti ni Leighton nang may nadinig kaming mga putok ng baril.

"Sila Jimin at Yoongi!" -Taehyung

Sheyt! Oo nga noh!

Tumakbo naman kaming dalawa ni Taehyung papunta sa pinanggagalingan ng mga putok at saktong pagdating namin sa lugar ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Oh man holy sh*t!" Sabi ko.

Nasa isang malawak kaming basketball court at makikita mo ang mga bangkay ng lalaki na nasa lupa at naliligo sa sarili nilang dugo.

"Wag kayong tumunganga diyan!!!" Sigaw ni Jimin habang nakikipagbarilan sa mga lalaki.

Wala na akong nagawa kundi ang makipagbarilan sa kanila kahit medyo madulas dahil sa mga dugong umaagos.

Matapos naming makipagpatayan ay dumating si Jungkook kasama si Cion.

"Asan yung dalawa?" -Jungkook

Nagtaka naman kaming apat nila Yoongi, Jimin, Taehyung at ako sa sinabi ni Jungkook.

"Sabi kasi ni Cion dito daw pumunta sila Namjoon at Leighton" pagpapatuloy ni Jungkook.

"Huh?" Sabay sabay aming sabi.

"H-hey guys!" Oh ayan pala si Namjoon eh, kakarating lang pero wait...

"Nasaan si Leighton?" Tanong ko.

"Kailangan siya ngayon ng Dior kaya umalis na...".

"What?!" Gulat naming tanong na lahat. Seryoso ba talaga si Namjoon sa sinasabi niya?

"Pero diba... kailangan natin siya? Dahil siya ang may alam sa lahat ng nangyayari?" -Taehyung

"Uh... yeah... pero baka makahalata ang mga Dior kung hindi natin siya papakawalan at tsaka pinangako niya namang tutulungan niya tayo" -Namjoon

Okay, I'm so done here... hindi ko na kaya ang kat*ngahan niya.

"F*ck you!" Nagulat naman kaming lahat kay Jimin sa sinabi niya at bigla na lang sinuntok si Namjoon sa mukha dahilan para bumagsak siya sa lupa.

Oh no! Gulo na naman toh.

"Napaka t*nga mo! Pano kung manloloko yung babaeng yon?! Pano ha?!" Hindi na lang sumagot si Namjoon kay Jimin at patuloy ito sa pagpunas ng dugo sa labi niya.

"Damn that girl!" Sabi ni Jimin at napasabunot na lang sa buhok niya.

"Guys that's enough..." -Yoongi

Maya maya ay lumapit si Cion kay Jimin at bigla niya itong sinampal.

O_O -kaming lahat

Pero syempre si Yoongi walang reaksiyon -_-

"Hindi.manloloko.ang.kaibigan.ko at wag mo siyang mamura mura." May diing sabi ni Cion kay Jimin.

"Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo..." -Jimin

Shems!!! Baka bigla na lang barilin ni Jimin tong babaeng toh ah!

Ngumiti si Cion at may ibinulong kay Jimin na ikinagulat nito, pagkatapos ay naglakad na ito palayo sa amin.

Sa totoo lang... kinilabutan ako sa ngiti niya...

==========

Mafia World - The Dark Side (BTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon