Chapter 14: Meet her

12 6 0
                                    

LEIGHTON CELESTE'S POV

Nagdadrive na ko papunta sa sinabing address ni Cion at habang papunta ko don ay napapansin ko na may sumusunod sa aking itim na van.

Naghanap ako ng ibang pwedeng likuan para mailigaw ko sila pero wala akong makita kahit isa...

"F*ck!!!" Binilisan ko na lang ang pagdadrive hanggang sa mawala sila sa paningin ko kaya nakahinga ako ng maluwag...

Patuloy lang ako sa pagdadrive at napapansin ko na padilim ng padilim ang dinadaanan ko pero may ilang poste pa rin naman akong nakikita.

Pagdating ko sa lugar ay wala pa si Cion kaya umupo muna ako sa isang swing dito habang naghihintay sa kanya.

Medyo madilim dito kahit merong mga poste ng ilaw pero maganda at maayos yung lugar, hindi nakakatakot.

"Psst..." sh*t ano yon?! Aaminin ko kahit isa akong member ng Mafia at assasin ako eh takot ako sa multo.

"Psst..." wala na akong nagawa kundi ang mag sign of the cross huhuhuhu.

"Leighton..." teka parang kilala ko yung boses na yun ah?

"Cion?" Sabi ko at humarap sa kanya.

"Ikaw nga!!! Bwiset ka tinakot mo ko!!!" Nagpout ako habang nakatingin sa kanya.

Sa kanya lang ako nagiging ganto pero pag sa ibang tao ay iba na ang ugali ko...

"Wahhhh!!! Bestfriend namiss kita!!!" Tapos niyakap ko siya.

Hehehe miss ko na tong baliw na toh eh, matagal ko din kasi siya hindi nakasama dahil maraming naging problema sa Company namin tapos isama mo pa yung-----

Napatigil ako dahil may naramdaman akong nakatingin sa amin, kaya bumitaw ako sa pagkakayakap kay Cion at tumingin sa paligid...

"Leigh okay ka lang?"

"Yeah..." pero parang hindi lang kami ang nandito eh... para kasing...

May ibang tao pa dito...

JUNGKOOK'S POV

"Pfft... bakit ganyan siya kumilos?" Bulong ko sa kanila.

Kanina kasi nag sign of the cross siya tapos ngayon naman nagpout sa harap ni Cion hahahaha pero ang cute niya...

"Ganyan siya sa harap ni Cion pero pag sa ibang tao iba na siya" -Namjoon

Tumango tango at ibinalik ang tingin sa dalawang magbestfriend.

"5 minutes at pagkatapos ay lalabas na tayo" sabi ni Hoseok.

Nakatago kasi kami dito sa mga puno dahil hinahayaan muna namin silang mag-usap muna.

Iginala ko ang paningin ko at may napansin akong dalawang lalaki na nasa bubong ng isang mataas na bahay. Napansin ko rin na may hawak silang sniper at nakatutok ang isa kay Cion habang yung isa naman ay kay Leighton...

"F*cking sh*t..."

==========




Mafia World - The Dark Side (BTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon