CION EMERY'S POV
"Here..." iniabot sa akin ni Jimin ang phone at tumingin ako sa kanya pero ibang iba siya sa Jimin na nakikita ko sa school... his eyes are full of anger and it makes me shock, why? Wala na akong alam sa mga nangyayari ngayon.
Inumpisahan ko ng i-dial ang number ni Leigh at hinintay ko na sagutin niya toh.
*On phone*
[Hello? Sino toh?]
"L-leigh? Si Cion toh..."
[Cion? Bakit parang nanginginig ka diyan? Tsaka bakit iba number mo?]
"Uh... malamig kasi dito tsaka yung phone ko kasi nasira eh kaya nakihiram muna ko kay manang" pagsisinungaling ko, I'm really sorry Leigh...
[Ahh... bakit ka pala napatawag?]
"Ah pwede ba tayo magkita sa address na toh XXXX may sasabihin lang ako hehehe"
[Ah sige sige tatapusin ko lang yung gagawin ko tapos pupunta na ko, bye]
"Bye..." at nag-umpisa ng tumulo ang mga luha kong kanina pa gustong ilabas. Ayokong magsinungaling pero ayoko ring mamatay ang mommy ko...
"Uhm... gusto mo?" Napatingin naman ako sa lalaking nakatingin sa akin at may inaalok na cake ang pagkakaalam ko ay Taehyung ang pangalan niya... pero seryoso ba siya? Baka gusto niyang makakita ng flying cake papunta sa mukha niya.
"Ayoko..." sabi ko at tumingin sa ibang direksiyon.
"Hmp! Ang sungit mo, ikaw na nga binibigyan ng cake eh ayaw mo pa psh arte..." napatingin ulit ako sa kanya at sinamaan ng tingin tapos umirap naman siya sa akin, aba't talagang! Maniniwala na sana akong kasali siya sa Mafia eh, tch.
Maya maya naman ay may pumasok kaya tumingin kaming lahat don.
"I have some news again..."
"Spill it Jin" sabi nung lalaking leader nila.
"Hindi pwede dito, may ibang tao tayong kasama" sabi ni Jimin tapos ay tumingin siya sa akin, nakakatakot talaga siya tumingin
"Okay don tayo sa kabilang room, Jungkook and Taehyung kayo na magbantay sa kanya"
Lumabas na silang lima at kaming tatlo na lang ang naiwan dito.
==========