RIZI DAWSON'S POV
Naglalakad na ako papasok ng building nang may sumabay sa aking isang lalaki sa paglalakad...
"Tagal rin nating hindi nagkita..." sabi ko.
"At ang tagal ko na ring hindi nakakapunta dito"
"Matutuwa si Greyson kapag nakita ka niya" tumingin ako sa kanya at nakita kong ngumiti siya.
"Goodevening Miss Dawson and..." pagbati ng isang tauhan ni Greyson sa amin.
"Mr. Namjoon..." sabi ko dahil halatang hindi niya kilala ang kasama ko.
"Goodevening Mr. Namjoon"
"Nandiyan ba si Greyson?" Tanong ko.
"Yes Miss..." sabi niya at binuksan ang isang malaking pintuan na nasa harap namin, kaya pumasok kami dito at nakita namin sila pero wala sila Natalia at Vaughn.
"It's been a long time Namjoon..." -Greyson
Ako naman ay lumapit kay Zia at umupo sa tabi niya tsaka kumuha ng chips na kinakain niya. Si Namjoon naman ay umupo rin sa kabilang sofa nitong room katabi si Princeton na busy sa paglalaro sa cellphone niya.
"Walang kinalaman ang Dior sa mga nangyayari..." deretsahang sabi ni Namjoon.
Napatigil naman kaming lahat sa kanya kanya naming ginagawa at tumingin kay Namjoon.
The heck?
"The real is... Dior are helping us to find the real enemy... kaya ipinalabas nila na may alam si Leighton sa lahat ng mga nangyayari..." pinutol niya ang sinasabi niya at tumingin sa labas na ngayon ay umuulan na.
"... that day kung saan kukunin namin sana si Leighton ay merong mga taong sumusunod sa kanya at may mga taong balak na patayin siya, dahil nalaman nilang may alam toh sa mga nangyayari pero ang totoo ay wala" pagpapatuloy niya.
It make sense, nagiging malinaw na ang lahat pero sino ang may gawa ng lahat ng ito? At hindi namin alam kung meron bang isang traydor sa amin para malaman ng kung ano mang Organisasyon ang balak nilang pagkuha kay Leighton?
Sheyt! Nagdudugo utak ko! Medyo magulo pa rin talaga eh.
"We don't have any idea kung sino man ang may gawa ng lahat ng ito..." -Greyson
"Just be careful sa mga kilos niyo dahil hindi natin alam kung isa sa atin ay traydor..." sabi ni Namjoon.
==========
Nasa loob ako ng kotse at paalis na nung biglang tumunog ang phone ko.
*On phone*
"Hello?"
[Hi baby...]
What the fudge?!
"Who the f*ck are you?!"
[Your guardian devil]
"Hindi ako nakikipagbiruan sayo! Sagutin mo ang tanong ko ng maayos!"
[Hmm... I will tell you later, see you in hell... baby]
Then he end the call.
*sigh*
Inilagay ko na sa bag ang phone ko nang may mapansin ako...
"Red rose?" At nagflashback lahat ng nangyari nung nasa convenience store ako...
FUDGE!!!
"Yoongi..."
==========