JUNGKOOK'S POV
2 weeks na rin ang nakakalipas matapos ang pangyayaring yon at nung mga nagdaan na araw ay nagiging kakaiba na si Namjoon...
Minsan gabi na umuuwi tapos minsan pagumuuwi meron nang mga pasa sa mukha o kaya mga sugat sa katawan. Pati yung iba napapansin din yon.
"Nasaan na naman kaya yung lokong yon?" -Hoseok
"Psh masanay na kayo na ginagabi ng uwi yon... hindi nga natin alam kung natutulog pa yun eh" -Taehyung
"Alis lang ako..." sabi ni Yoongi habang kinukuha yung susi ng kotse niya.
"Saan ka naman pupun--" putol na sabi ko dahil lumabas na siya kaagad at isinarado ang pinto.
"Bastos talaga..." -Jimin
Wow... hiyang hiya naman ako sa kabastusan mo... psh...
"May sinasabi ka?"
"WALA!" Pasigaw na sagot ko.
Huli na nung narealize ko ang nasabi ko dahil nakatayo na siya sa harapan ko at masama ang tingin sa akin...
"Ha..ha..ha.. a-ano ba? Toh naman oh, sorry na hehehe"
Pero ngumiti lang siya sa akin...
Lagot na ako dito T_T
YOONGI'S POV
Umalis lng ako saglit dahil pupunta ako sa convenience store para bumili ng pagkain at para may abangan na tao dito...
Nakaupo ako sa isang table dito habang umiinom ng soda at nakatingin sa entrance ng convenience store.
Dumaan ang mga ilang minuto at dumating na rin ang taong hinihintay ko, kumuha siya ng pagkain at dumiretso sa counter...
Inayos ko na ang gamit ko at hinintay siyang maglakad palabas, nung nasa pintuan na siya ay sinadya kong banggain siya ng medyo malakas para malaglag ang mga binili niya.
"Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"
"Sorry..." sabi ko at tinulungan ko siyang pulutin yon at sa pagkakataong iyon ay inilagay ko sa loob ng bag niya ang pulang rosas.
"Uh... sorry rin kung nasigawan kita medyo stress lang"
"Okay lang" sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Thank you, una na ko hehehe bye"
"Bye"
Nagumpisa na rin siyang maglakad palabas at ako naman ay lumabas na rin at dumiretso sa parking lot dahil baka hinahanap na nila ako.
"You will be die soon... Rizi Dawson..."
UNKNOWN'S POV
"Paniguradong nagkakagulo na sila ngayon..." sabi nitong katabi ko.
"Edi maganda!"
"Paniguradong matutuwa si Boss sa mga nangyayari"
"Speaking of boss, kailan ba siya uuwi? Para mapaghandaan na natin ang lupa kung saan siya ibabaon ng buhay..."
"Hindi ka talaga natatakot sa kanya?"
"Bakit naman ako natatakot sa kanya? Baka siya ang matakot sa akin... hawak ko ang buhay ng anak niya..."
"Bilib talaga ako sayo"
"Wag ka muna masyadong bumilib sa akin dahil hindi pa ako tapos... dahil nag-uumpisa pa lang ang laban..."
==========
Chimin chimin chiminie! Choss hahahaha so ayan na ang update ko, sana magustuhan niyo. Sorry sa slow update lang huehue!