Hindi ko alam kung anong iniisip ni Enz kaya alanganin na lang akong ngumiti. He's just joking to shut Kiel up, I guess. This means nothing. It should mean nothing.
"Sabi na may iba, eh. May something! Ikaw Aly, ha..." nanunuksong sabi ni Mads.
"He's just joking—shit."
Mahina akong napamura nang makita ko kung sino ang lumabas galing sa comfort room. She's here! Great, just great.
"Oh, nandito na pala kayo. Hi!" malambing na bati niya sa amin nina Pam at Ash.
Ito ang pangalawang beses na makakasama namin siya sa bonding ng barkada kaya hindi pa rin ako kumportable sa presence niya. Pero wala naman akong magagawa. She's a part of Kiel's life now and I'm still trying to accept that.
"Hello," sabay naming sabi nina Pam. Ibinaling ni Leanne ang tingin niya kay Enz na nakatayo sa tabi ko at lumapit naman si Kiel sa kanya.
"This is Enz," pakilala ni Kiel sa kanya at inilahad naman ni Leanne ang kamay niya sa harap ni Enz.
"Nice to meet you," sabi niya pa.
"You too," casual na sagot ni Enz.
Naupo na kami pagkatapos ng introductions. Sa right side ko naupo si Enz, si Sab naman nasa left side ko. Inabot sa akin ni Luke ang isa sa mga menus na inilabas ng waiter at pinauna nila kaming pumili ng mga girls.
"Enz, I have the menu. Sabay na tayo pumili?" alok ko at sabay kaming nag-browse sa menu na hawak ko. Natawa pa kami pareho dahil na-untog kami sa isa't isa sa sobrang lapit namin.
Natigilan ako sa pagtawa nang gumalaw ang mga upuan sa harap namin. Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Enz para tignan kung sino ang naupo sa tapat namin.
Napakagat ako sa labi ko nang makita kong sa tapat ko naupo si Leanne. Si Kiel naman, sa tapat ni Enz.
"Hey," bulong ni Enz sa akin pero nanatili akong tahimik. "Don't look."
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. I think I'm staring too much for him to notice that. Wala naman siyang alam tungkol sa amin ni Kiel pero masyado siguro akong halata. I'm pathetic.
Hinawakan ni Enz ang kamay ko sa ilalim ng table kaya napayuko ako. Nanatili akong tahimik pero hindi ko binitiwan ang kamay niya. I like the comfort of his touch, it makes me feel safe.
Ngumiti si Kiel habang pinaglalaruan ni Leanne ang kamay niya na nakapatong sa balikat niya. Para silang may sariling mundo, parang wala kaming lahat ngayon dito maliban sa kanilang dalawa.
Napalunok ako nang mabilis na sumulyap sa akin si Kiel bago kami parehong nag-iwas ng tingin.
Sa peripheral vision ko, nakita ko na mas dumikit pa siya kay Leanne at parang may ibinulong pa siya rito kaya sabay silang natawa. I don't know what he's trying to pull but I think, he's doing this on purpose.
"Tara," bulong sa akin ni Enz at kunot-noo namanh akong humarap sa kanya.
"Huh? Saan?"
"I won't sit here and watch while you're hurting," mahina niyang sagot. "Let's go out for a while. You need to breathe."
Tumango na lang ako at nagpaalam muna kami para lumabas sandali. Panay ang tukso ng barkada na mag-so-solo lang daw kami at hindi na lang ako umimik.
"May gusto ka?" tanong agad sa akin ni Enz nang pumasok kami sa convenient store. "My treat."
"Dito ka lang," sagot ko sa kanya habang nakaupo siya sa tabi ko. "Pahiram lang ng balikat mo. Kahit sandali lang."
Hindi na siya nagsalita at hinawakan niya na lang ang ulo ko para isandal sa balikat niya.
"Gusto mo siya?" tanong niya.
"Oo," sagot ko. "Kahit hindi dapat."
"Halata," maikli niyang balik sa akin at napapikit na lang ako habang tahimik akong umiiyak sa balikat niya.
Mula noong ipinakilala sa amin ni Kiel si Leanne hanggang maging girlfriend niya ito, pinilit kong hindi umiyak.
I've been trying to stay strong because I know that this isn't worth my tears. So, why am I crying now? Why am I still having feelings over this matter? Why am I hurting?
"Ang tanga ko," mahina kong sabi habang pinupunasan ko ang pisngi ko.
"Shhh..."
"Uuwi na ako. Umuwi na tayo, please?" pakiusap ko.
"Hey, listen," utos niya habang hawak niya ang pisngi ko. "You have to be strong. You cannot run from this forever, Aly. Kailangan harapin mo para matanggap mo."
Malungkot akong ngumiti at yumakap sa kanya. Isinandal ko ang noo ko sa balikat niya at naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.
"You know what? It's just really hard and tiring to put up a brave face every single time. I just want this to stop. I don't want this anymore."
Alam kong nakakakuha na kami ng atensyon dahil sa posisyon naming dalawa at sa pag-iyak ko kaya sinubukan kong umayos ng upo.
"I'm sorry. Hindi mo dapat ako nakitang ganito," nahihiya kong sabi.
"You don't have to apologize. I understand," he assured me. "Okay ka na?" tanong niya pa at umiling naman ako.
"I'm not but it's okay, I'll live."
"Aly..." muli niyang hinawakan ang kamay ko at marahan niya itong pinisil. "I know that it's been only a month since we first met and I know that I still have a lot of things to learn about you but seeing you crying and hurting like this makes me want to protect you."
"Naaawa ka lang sa akin, Enz. I don't need that, I'll be fine," tanggi ko.
"No, this is not out of pity," iling niya. "From now on, we're in this together. Kapag nasasaktan ka, kapag gusto mong umiyak, nandito lang ako. Use me as you please."
"Ayoko. Hindi ako gano'ng tao, Enz. I cannot use you," sagot ko. "I am a mess, can't you see? Hindi mo alam kung anong sinasabi mo."
"I'll help you move on," diretso niyang sabi. "I'll do anything to make you forget him."
"What?" litong tanong ko. "Bakit? A..ano 'to?"
"Interesado na ako sa'yo noon pa, noong unang beses kitang nakita sa bus," pag-amin niya. "That's why I made an effort to find you, to get to know you.. your friends, the people that you love."
"Hindi pa natin gano'n kakilala ang isa't isa para rito, Enz."
"I know that there's still a lot of things that we have to know about each other and I'm willing to work on that. We can do it together," he assured me. "I'm willing to take the risk, Aly. I'm not scared."
"It's all happening too fast. This is a bad idea," sagot ko. "Tsaka, 'di ba, may tradition kayo na ang Chinese, para lang sa Chinese? Ayaw ko nang gulo."
"Hindi naman ako pure Chinese. I already told you this before," tumawa siya at nagtago na naman ang mga mata niya kaya napangiti na lang ako. "And even if I am a pure Chinese, I am free to like whoever I want. I am free to like you, Aly."
"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo. You should think about this first."
"Alam ko. At alam ko rin na matagal na suyuan 'to," nakangiting sagot niya.
"Gago," sabi ko naman at hinampas ko pa siya sa dibdib niya. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin naman ako sa kanya habang nakatitig siya sa akin. "Seryoso ka talaga?"
"A chance, Aly. That's all I'm asking," sagot niya bago niya hinalikan ang kamay kong hawak niya. "Give me a chance and I'll prove to you how serious I am."
BINABASA MO ANG
The Art of Letting Go
Teen FictionSerendipity Series II (TAoLG book one): Apat na taon nang gusto ni Aly si Kiel. At sa loob ng apat na taon, wala siyang ibang hinangad kung hindi ang masuklian ang nararamdaman niya. Ilang beses na siyang sumubok makalimot, ilang beses na rin siyang...