"Hindi ka nagsabi sa amin!" salubong ni Lyn nang maupo kami ni Enz sa table nila. "Marami kayong ipapaliwanag sa amin, ha?"
"Let Enz finish eating first," nakatawang sagot ko naman. "Wala naman kaming sinabihan. Kami lang talagang dalawa ang may alam no'ng una."
"Ikaw hindi ka na nagsasabi, ha?" sabi naman sa akin ni Sab. "Malihim ka na ngayon."
"Eh, 'di ba? Nagtampo ako kaya ngayon na lang ulit tayo nakapag-usap," sagot ko.
"Oo nga pala," tatangu-tango niyang sabi. "Gaano katagal na bang nanliligaw sa'yo si Enz?" tanong niya pa.
"Mag-o-one month na," sagot ko bago ako bumaling kay Enz na nakatingin sa akin habang kumakain. "Tama ba?" tanong ko pa.
"Yeah," nakangiting sagot ni Enz.
"After Red Mix ba 'yan?" tanong ni Pam.
"After ilang weeks pa."
"Bakit naman?" curious na tanong ni Daena kaya nagkatinginan kami ni Enz.
"Pinag-isipan pa ni Aly," sagot ni Enz.
Mabuti na at hindi na sila nagtanong pa. Ayoko naman kasing i-detalye pa lahat ng nangyari noon. Walang nakakaalam na umiyak ako noong lumabas kami ni Enz sa Red Mix dahil maayos akong bumalik noon. Wala ring may alam na iniwasan ko si Enz pagkatapos ng mga nangyari dahil wala naman akong sinabihan.
"Kuwento mo naman kung paano kayo nagkakilala," excited na sabi ni Mads. "Ang aga niyo kasing umalis sa Red Mix noon. Iintrigahin ka sana namin, eh," duktong niya pa.
"Ay, guys! Ang cute-cute kung paano sila nagkakilala!" kinikilig na sabi naman ni Lyn kaya mas lalong na-curious ang mga barkada, lalo na ang mga girls.
"Dali! Mag-kuwento ka na, Aly!" pangungulit ni Daena kaya tumango ako sa kanila.
"Oo na, ito na," ngiti ko bago ako humarap kay Enz. "Bawal mo 'to marinig! Magtakip ka ng tenga!" saway ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
"Ayaw. Gusto ko ring marinig," sabi niya pa.
Hindi pa namin napag-uusapan kung bakit pinagkakaguluhan namin siya sa bus noong araw na nagkakilala kami dahil nahihiya ako. Alam naman niya kung bakit, eh.
"Isipin mo na lang wala ako rito. Hindi ako mag-re-react." Itinaas niya pa ang right hand niya. "Promise."
"Nagkahiyaan pa," natatawang sabi ni Justin. "Okay lang 'yan, Aly. I-kuwento mo na."
"Okay, sige na nga..."
Hindi buo ang kuwento ko dahil nahihiya akong i-detalye lahat ng nangyari sa bus. Kung wala si Enz dito ngayon, okay lang sana. Ayaw ko kasing makita niya akong kinikilig sa kanya.
"Ang totoo n'yan, sinabi pa ni Aly noon na soulmate raw talaga sila ni Enz. Kilig na kilig pa nga ang gaga at crush na niya agad itong si Enz noon. Ang cute raw kasi," pambubuking ni Lyn sa akin kaya hinampas ko siya sa braso niya at hiyang-hiya akong napayuko.
"Yieee!" kantyaw nila sa amin pagkatapos akong ibuking ni Lyn. Si Enz naman, siniko ako at itinaas-baba pa ang kilay niya.
"Akala ko ba hindi ka mag-re-react?" pabirong irap ko bago ko nilamukos ang mukha niya. "Kulit mo."
"Can't help it," nakangising sagot niya. "Totoo ba na crush mo ako?" nakatawa niya pang tanong at lalo lang kaming tinukso.
"You're blushing," puna ni Sab sabay turo sa pisngi ko. Napasandal naman ako sa balikat ni Enz at niyakap niya ako sa gilid habang tumatawa pa rin siya.
"Aww! Finally! We're so happy for you, Aly!" sabay-sabay pang sabi ng mga girls bago nila ako niyakap.
"Teka, teka! Kami naman," sabi ni Kit at napatingin kami sa kanya. "Seryoso muna."
Tumingin sa akin si Kit bago siya bumaling kay Enz.
"Pare, sa totoo lang, matagal na kaming naghihintay na magpakilala 'tong si Aly sa amin ng manliligaw o boyfriend, at ikaw ang una niyang dinala sa amin. Ikaw ang mapalad. Kaya sana, 'wag mo siyang sasaktan."
"Tsaka, sana, 'wag mong paiyakin. Sobrang iyakin pa naman n'yan," duktong ni Sean.
"Alagaan mo rin siyang mabuti," sabi pa ni Luke. "Clumsy 'yan, eh. Sobra. Minsan, magugulat na lang kami, bigla-biglang natitisod sa tabi namin," nakatawa niyang sabi at napangiti na lang ako.
"Welcome ka sa amin, Enz. Pero kapag si Aly tumakbo sa amin nang umiiyak.... alam mo na," pabirong banta ni Aron pero alam kong hindi sila magdadalawang isip ng mga boys para protektahan kami.
"Ibang usapan na kapag nasaktan si Aly. Syempre gusto namin, masaya siya," dagdag pa ni Justin.
Sobrang touched ako sa mga bilin at 'pananakot' nila kay Enz. Naiintindihan ko na ngayon na talagang gusto lang nila kung ano ang makakabuti para sa akin.
"Hindi rin ako magyayabang ng kung anu-ano dahil baka mapahiya lang ako sa inyo," seryosong sabi ni Enz sa barkada. "Pero susubukan kong gawin ang lahat ng makakaya ko para kay Aly."
I gently squeezed his hand and smiled. He doesn't need to promise me anything, his presence in my life is already enough. He's a blessing.
"Enz," tawag ni Kiel kaya nakuha niya ang atensyon naming lahat. Seryoso ang tingin niya kaya natahimik na naman kaming lahat habang naghihintay ng sasabihin niya.
"Gusto ko lang sabihin na..." panimula niya at mabilis niya akong sinulyapan bago niya muling tinignan si Enz. "Si Aly ang tipo ng babae na iyakin tulad ng sinabi ni Sean. She cries even for the shallowest reasons and things as long as it's important to her. Gano'n magpahalaga si Aly."
"Totoo rin 'yong sinabi ni Luke, sobrang clumsy niya. Lampa. Mabilis masaktan. Pero kahit gano'n, hindi siya mahirap alagaan. She won't demand much from you. Just be there for her and that will be enough."
Tumango si Enz at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Sumulyap naman ako kay Kiel at nanatili kaming nakatitig sa isa't isa.
"Si Aly 'yong tipo ng babae na uunahin pa ang ibang tao kaysa ang sarili niya. Hindi 'yan madamot, eh. Hanggang kaya niyang magbigay, magbibigay siya. Kahit minsan, wala nang natitira para sa kanya," pagpapatuloy niya at napayuko naman ako. "And she is someone who will fight for you and stand with you no matter what. She's very special, Enz. Ingatan mo sana siya."
"Wow... saan galing 'yon, Kiel?" nanunuksong tanong ni Pam.
Lahat ng atensyon, napunta kay Kiel dahil sa mahaba niyang monologue tungkol sa akin. Kahit ako, hindi ko alam kung saan nanggaling 'yon at kung bakit gano'n ang mga sinabi niya tungkol sa akin.
Don't get me wrong. What he said were all nice things. But... it's emotional, too concerned. Or maybe, it's just me who's putting so much meaning into this. Maybe he's just trying to be nice, to be a good friend.
"Sabi ko na nga ba't may lihim kang pagtingin dito kay Aly," biro naman ni Sean kaya sinamaan ko siya ng tingin. There's no need for this to be more awkward. "Joke lang."
"Close naman sina Kiel at Aly lalo na noon, 'di ba? I think it's only normal na marami siyang bilin for Enz," punto ni Daena at tumango naman ako. She's right. It is what it is because we're friends, nothing more.
"Nagsisisi ka na ba, Kiel?" asar ng mga boys sa kanya. Tumawa lang si Kiel at minura ang mga boys pero wala na siyang sinabi pa.
"Oh, Enz... ano namang masasabi mo?" tanong ni Sab kaya naibalik ang atensyon nila kay Enz na pinaglalaruan na ang kamay ko sa ilalim ng mesa.
Nanatili siyang tahimik pagkatapos magsalita ni Kiel. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero ngumiti siya sa akin bago siya bumaling kay Kiel.
"I'll do anything for her, Kiel. Anything for Aly. Kahit hindi mo sabihin."
BINABASA MO ANG
The Art of Letting Go
Ficção AdolescenteSerendipity Series II (TAoLG book one): Apat na taon nang gusto ni Aly si Kiel. At sa loob ng apat na taon, wala siyang ibang hinangad kung hindi ang masuklian ang nararamdaman niya. Ilang beses na siyang sumubok makalimot, ilang beses na rin siyang...