Step - 4.

13.7K 248 27
                                    

"AHHH! OH MY GOD!"

Napatili agad ako dahil sa bagong friend request na sumulpot sa profile ko. It's him! It's the chinito guy!

Lorenz Antonio Chua
Confirm • Delete

Mabilis akong nag-confirm dahil baka magbago pa ang isip niya at bigla niyang i-cancel ang friend request niya sa akin.

Agad kong binuksan ang profile niya at nakita kong Medical Technology student nga siya sa Serendipity University. May ilan din kaming mutual friends na galing sa SU tulad nina Pam at Ash na pareho niyang Med Tech din ang course. Small world.

"Oh, ano na naman 'yan?" tanong ni Mama na nasa likod ko na pala at nakatingin sa screen ng laptop ko.

"In-add ako nung gwapo'ng nakita namin kanina!" excited kong sabi at nag-kuwento pa ako sa mga nangyari kanina habang kinikilig.

Open ako sa mga parents ko kaya komportable akong mag-kuwento ng kahit ano sa kanila. It actually helps that I open up to them because it makes them trust me more.

Tinawanan ako ni Mama pagkatapos kong mag-kuwento at kiligin sa harap niya.

"Ikaw talaga, 'Nak," nakatawa niyang sabi sabay haplos sa buhok ko. "Pero tama 'yan, 'wag puro Kiel. Open your heart for other guys."

Kilala nina Mama't Papa si Kiel at ang buong barkada namin dahil madalas sila sa bahay mula pa noong nasa high school palang kami. Alam din nila na gusto ko na si Kiel noon pa.

"Ma, wala na 'yon. May girlfriend na nga, 'di ba? Sila nga ang magkasamang mag-celebrate ngayon ng birthday ni Kiel."

"Oo nga pala, birthday nga pala ni Kiel ngayon," tatangu-tangong sabi ni Mama. "Kaya pala may narinig akong alarm kanina? Around twelve midnight?"

"Ma!" Nilakihan ko pa siya ng mga mata pero tinawanan niya lang ako at binatukan.

"Ang gulo mo, 'Nak. D'yan ka na nga, pa-planstahin ko pa ang uniform mo," paalam niya sa akin at bumalik na lang ako sa pag-scroll sa laptop ko.

Abala ako sa pagtingin sa mga pictures ni Chinito nang mag-pop sa screen ang chat box namin ni Pam.

Pamela Geronimo:
Hey Aly, kilala mo ba si Lorenz Chua?

Alyson Ruiz:
Uy Pammy, in-add niya ako. Long story! Why? Do you know him? 😅

Pamela Geronimo:
He's a good friend. He's also a blockmate. Eh, ang weird lang kasi hinihingi niya number mo kung pwede raw. Nakita niya raw na naka-tag ka sa picture na in-upload ko kaya tinanong niya ako kung close ba tayo tapos kung pwede ko raw ba siyang tulungan. Ibibigay ko ba? 😜

Alyson Ruiz:
Small world! Sige Pam, ibigay mo na. Mukha namang harmless, eh. Isa pa, he's friends with you and Ash so it's cool.

Pamela Geronimo:
He's a good guy, don't worry. Haha. Sige, I'll give him your number. Kuwento next time, ha! 😉

Alyson Ruiz:
Yup! Ikaw pa ba. Haha. Thanks, Pam. Good night. Miss you! 😘

Pamela Geronimo:
Good night! Love you! 💓

Madalang kaming magkita ni Pam kahit na nasa iisang university kami dahil iba ang building niya sa akin kahit na parehong pre-med ang kinukuha naming course. Magkaiba rin ang schedules naming dalawa kaya minsan lang namin makita ang isa't isa sa university.

Bago ako matulog, nakatanggap ako ng text mula sa isang unknown number na nagpangiti sa akin.

(0927) 888 xxxx
Hi Aly! Thank you for allowing Pam to give me your number, thank you rin sa pag-accept sa FB. Good night! ☺️ - Lorenz

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon