Step - 10.

12.2K 243 25
                                    

"Ito na pala si Aly," turo ni Wendy sa direksyon ko nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanila.

Sa isang fast food kami nagkita-kita ng mga college friends ko ngayon para sabay-sabay na mag-breakfast. Sabay-sabay kasi kaming papasok sa morning class namin mamayang 9 AM.

"Hi, guys!" salubong ko sa kanila sabay yakap. "Grabe! Namiss ko kayo!" dagdag ko pa.

Halos two months din ang naging summer break. We're finally in the first semester of our third year in college. We're almost there.

"Oh my gosh, Aly! Malandi ka! Ang dami mo nang hindi ikini-kuwento sa amin, ha?" sabi ni Cip pagkatapos niya akong sabunutan at hinampas ko naman ang braso niya.

"Mukhang namang na-i-kuwento na sa inyo ni Lyn lahat," sagot ko at pabiro akong umirap sa kanya.

"Sorry naman..." nakatawa niyang sabi. "Kanina pa kasi nila ako kinukulit. Kasi nga, nakasama naman daw kita nitong bakasyon, i-update ko raw sila," paliwanag niya pa.

"Ang tagal mo kasi," singit naman ni Dian. "Ikaw na lang ang wala rito kanina pa. Hihintayin ka sana namin para ikaw mismo ang mag-kuwento pero hindi na makapaghintay 'tong si Bakla," dagdag niya pa at pabirong umirap sa akin si Cip.

"First day na first day, dinurog mo ang puso kong bruha ka!" pag-i-inarte pa pero tinawanan ko lang siya.

"Teka nga! Mamaya mo na ako artehan," pabirong sagot ko sa kanya at inirapan na naman niya ako. "Order muna ako. Gugutom na ako," paalam ko bago ako pumunta sa counter.

Habang naglalakad ako pabalik sa table namin dala ang tray ng pagkain ko, nakita ko na may nilalandi na namang lalaki si Cip. Sa pwesto ko pa nakaupo 'yong lalaki, nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nito pero komportableng nakasandal si Cip sa kanya.

"Hoy, Cipriano! Ito na si Aly. Tigilan mo na ang harot!" nakatawang sita ni Ann kay Cip. "Para kang linta makakapit kay Enz."

"Hay nako!" parinig ko at pabiro ko pang iniripan si Cip. "Um-order lang ako sandali, talaga naman!"

Bumitiw naman siya kay Enz at inirapan niya rin ako habang inaayos niya ang bangs niya. Ang arte talaga nito.

"Ang damot mo talaga! Nakiki-share lang naman ako. Sharing is caring!" nakanguso niya pang sabi.

"Arte," asar ni Lyn sa kanya at nagtawanan na lang kami bago tumayo si Enz para kunin ang tray na dala ko.

"Dito ka," sabi niya pa sabay turo sa pwesto ko kanina at ibinaba niya ang tray sa mesa para humila ng upuan niya.

"Thank you," nakangiti kong sabi nang maupo siya sa tabi ko. "Nag-breakfast ka na ba? Gusto mo nitong pancake?" alok ko sabay tusok slice ng pancake sa plastic fork.

"Mhm..." sabi niya habang nginunguya niya ang pancake. Pinunasan ko pa ang gilid ng labi niya dahil may syrup na naiwan do'n.

"Kumain ka rin," dagdag niya at inagaw niya pa ang plastic fork na hawak ko para subuan ako ng pancake.

"You two, stop," saway ni Yza sa amin at nanunukso nila kaming tinignan. "Naiinggit kami. Respeto naman sa aming mga single."

"Oo nga. Respeto rin sa aming mga taken na hindi kasama ang mga boyfriends namin," pagsang-ayon naman ni Quincy.

"Kumakain lang naman kami. Kalma," nakatawang depensa ko.

"Correction! Naglalandian kayo habang kumakain," singit naman ni Cip.

"Bitter!" inis ni Trixie sa kanya kaya hinampas siya nito. Mabigat pa naman ang kamay ni Cip.

"Guys, 'wag niyo na lang pansinin. Kayo naman. Minsan lang pumag-ibig 'yang si Aly," nakatawang saway naman ni James sa kanila.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon