Step - 8.

11.9K 220 29
                                        

"Anak, pinapunta ko rito sa bahay ang barkada mo," sabi ni Mama habang nagluluto sila ni Papa ng mga ihahanda. Fiesta kasi ngayon sa lugar namin.

"Bakit, Ma?" tanong ko. "Si Lyn lang naman invited dahil hindi makakapunta iba naming college friends. Nasa kanya-kanyang probinsya," duktong ko pa.

"May inimbita ka pang isa, 'di ba?" tanong naman ni Papa at tumango na lang ako.

"Alam mo, Anak... magtatampo ang barkada mo kapag nalaman nila na hindi mo sila inimbita. Taun-taong nandito 'yong mga 'yon. Mag-usap kayo."

"Hindi naman sila makikinig," sagot ko habang nakapangalumbaba sa mesa. "Papunta na siguro ang mga 'yon ngayon. I'll get dressed," paalam ko bago ako dumiretso sa kwarto.

Hindi naman ako galit sa mga kaibigan ko, may kaunting tampo lang dahil sa mga nasabi nila tungkol sa akin.

Bago kasi matapos ang April, nag-aya sila ng swimming. Akala ko naman, exclusive para sa barkada lang. Nagulat na lang ako, isasama pala si Leanne kaya hindi na lang ako sumama.

Of course, kahit nagpalusot ako, wala namang naniwala. Inisip lang nila, hindi ako maka-move on kaya masakit din noong narinig ko 'yon galing sa mga kaibigan ko.

"Anak, nandito na si Lyn," rinig kong sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko pagkatapos niyang kumatok.

"Sige, Ma. Sandali lang," sagot ko habang nag-bo-blow dry ako ng buhok.

Pansamantala akong tumayo para papasukin si Lyn sa kwarto ko at sinalubong niya naman ako ng yakap.

"Oy, na-miss kita!" sabi niya pa bago siya naupo sa kama ko. "Ang dami niyong handa. Marami bang bisita?"

"Friends lang nina Mama't Papa. Tsaka, kayo ng barkada," sagot ko.

Sa isang compound kami nakatira kasama ang mga relatives namin sa side ng Ruiz kaya may kanya-kanya ring handa ang mga tito't tita ko.

Hindi naman makakapunta ang mga relatives namin sa side ni Mama dahil birthday ni Lolo Alonzo ngayon at may celebration din siya sa Manila kaya susunod na lang kami mamaya.

"Bati na kayo ng barkada mo? Hindi ka na galit?" curious na tanong ni Lyn habang nag-a-ayos ako.

"Si Mama nag-invite sa kanila," maikli kong sagot pagkatapos kong ibaba ang hair brush na hawak ko.

"Galit ka pa rin?" tanong niya at umiling naman ako.

"Tampo lang. Syempre, nasaktan ako sa mga sinabi nila. Alam mo naman, 'di ba?"

"Puks, gano'n naman talaga ang iisipin ng mga 'yon dahil sa hindi mo pagsama. Na hindi ka pa nakaka-move on. Mali lang din siguro sila kasi nagsalita pa sila ng gano'n pero gusto ka lang din naman kasi nilang kasama," paliwanag niya at bumuntong-hininga naman ako.

"Alam ko naman 'yon, masakit lang marinig sa kanila," sagot ko. "Kung nasasaktan ako, hindi ako pwedeng umiwas. Kailangan ako ang mag-adjust, magtiis. It's always about Kiel, never about my feelings."

"Because you're always making it about him," balik niya sa akin. "Puks, naiintindihan kita. Siguradong naiintindihan ka rin naman ng barkada mo. Pero, hanggang kailan?"

"I'm trying..."

"Hindi kita pinipilit umusad," sabi niya pa. "But at least show them that it's not affecting you anymore. Fake it until you make it, okay?"

"I will. Thank you, puks."

"Kaya mo 'yan," nakangiting sabi niya. "Lumabas na tayo, mukhang nand'yan na ang barkada mo."

"Uy, Aly... hello, Lyn!" salubong ni Sab sa amin nang dumating ako sa living room. Bumeso sila nina Daena, Pam at Mads sa akin pati kay Lyn.

Humarap ako sa mga boys na nakaupo lang sa sofa at nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila at una namang tumayo si Sean para umakbay.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon