"Happy birthday, Enz!" masayang bati ko sa kanya habang hawak ko ang box ng chocolate mousse cake na binili ko.
Nag-aya siyang mag-mall dahil gusto niya raw akong i-treat para sa birthday niya. Susunduin niya dapat ako sa bahay tumanggi ako dahil hindi niya naman alam kung saan ako nakatira. Baka mawala pa siya.
"I lied," diretsong sabi niya. "I'm sorry."
"Huh?" naguguluhang tanong ko.
"It's not my birthday today," paglilinaw niya. "Don't you remember? It's December 13, not today."
"What the hell?! Is this funny to you? 'Cause it's not!" inis kong sabi at itinulak ko pa sa dibdib niya ang cake na dala ko. "Uuwi na lang ako."
"Aly, teka!" pigil niya at hinigit niya ako palapit sa kanya. "Let me explain, please."
"What?!"
"I have to lie, okay? Hear me out," pakiusap niya. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at inangat niya ang ulo ko. "I'm really sorry. I have to do this because you've been distancing yourself for a month already and I... I miss you."
"Enz, alam mo naman kung bakit, 'di ba? I'm sorry."
"I can wait," he assured me. "Just don't distance yourself from me. Please."
"But... I don't deserve the kindness that you're giving me. I don't want to pull you down with me," malungkot kong sagot. "I've been facing this alone for so long. I'm used to the pain. You don't have to save me. It will break you."
"It will only break me more if you'll continue to push me away," balik niya at marahan niyang hinawi ang buhok ko. "You don't have to face this alone. Share your pain with me, I won't mind."
"Enz, it will only be unfair to you and I don't want that," iling ko. "You're my friend and I don't want to put you in a situation full of uncertainties."
"It's okay. Hindi ako magrereklamo," paninigurado niya. "Just let me."
"I'm sorry, Enz..." napayuko na lang ako at marahan akong lumayo sa kanya pero hindi niya pa rin binitiwan ang kamay ko.
"Aly..." sambit niya sa pangalan ko. "Just spend the day with me, that's all I'm asking. After this, I'll give you time. Hindi na ako mangungulit."
"Enz..."
"Please?"
"Okay," pagpayag ko.
"Smile," sabi niya naman at ngumiti ako sa harap niya. "Much better."
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Fourth floor. TimeZone," sagot niya at naglakad na kami patungo sa escalator para umakyat.
Nag-load siya sa card niya nang dumating kami sa TimeZone bago kami naglaro ng kung anu-anong arcades. Parang walang nangyaring drama sa pagitan naming dalawa kanina dahil panay na ang tawa namin.
Ito ang unang beses na lumabas kami ni Enz nang kami lang at aaminin ko, masaya siyang kasama. He knows how to have fun and there's never a dull moment with him.
"Tara, photo booth?" aya ko pagkatapos naming mag-arcades. Excited ko siyang hinila sa booth at nagpatianod naman siya. "Remembrance."
"First date remembrance?" nakangisi niyang sabi at tumawa naman ako.
"Ikaw talaga," sabi ko pa at napapikit ako nang bumangga ako sa babaeng kalalabas lang ng photo booth.
Agad akong napaatras at hinawakan naman ni Enz ang baywang ko para hindi ako mawalan ng balanse.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya—Leanne.. Kiel..."
"Hi, Aly! Hi, Enz!" bati niya sa amin at ngumiti na lang ako.
Sa dinami-rami ba naman ng lugar at malls sa Pilipinas, bakit kailangan pa naming magkita rito? Masyado yatang masikip at maliit ang mundo para sa aming apat.
"Anong ginagawa niyo rito?" nakangiting tanong ni Kiel sa amin ni Enz.
Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Enz na nakahawak pa rin sa baywang ko at mabilis niyang binawi ang tingin niya bago niya inilagay ang kamay niya sa baywang ni Leanne. He's at it again! Nanadya talaga ang isang 'to.
"They're obviously dating," tuwang-tuwa na sagot ni Leanne kay Kiel habang nakatingin siya sa amin ni Enz. "Mag-lu-lunch pala kami. Gusto niyo bang sumabay? Double date sana," aya niya pa. Halatang siya lang ang excited sa idea ng double date.
"We don't have to join them. I know you're not comfortable," pasimpleng bulong sa akin ni Enz at agad naman akong tumango.
Ngumiti si Enz at hinawakan niya ang kamay ko bago siya muling bumaling kina Kiel.
"Hindi na muna, Leanne. May iba pa kasi kaming plano ni Aly," sagot niya. "Maybe next time."
"Ah, gano'n ba?" sabi naman ni Kiel na hinawakan din ang kamay ng girlfriend niya. "Oh sige, mauna na kami," paalam niya at kumaway na lang ako nang maglakad sila ni Leanne palabas ng arcade.
Sa kabilang direksyon na kami dumaan ni Enz para maiwasan namin sila. Nakalimutan na namin ang photo booth kaya nanghinayang ako habang pinaglalaruan ko ang card niya sa kamay ko.
"Are you okay?" tanong niya sa akin at tumango naman ako.
"Thank you," sabi ko pa.
"Wala 'yon," nakangiting sagot niya. "Pabor din naman sa akin na hindi tayo sumama. At least, solo kita."
"Sira," nakatawa kong sabi at hinampas ko pa ang braso niya.
"See, I made you smile," satisfied niyang sabi at napailing na lang ako habang may ngiti pa rin sa mga labi ko.
"I owe you."
"Wala akong hihinging kapalit. 'Yong ngiti mo lang," sagot niya bago niya iniba ang usapan. "Gusto mo ng ice cream? Tara sa DQ?" aya niya pa at pumayag naman ako.
Hawak pa rin ni Enz ang kamay ko habang naglalakad kaya ginamit ko ang free hand ko nang maramdaman ko ang vibration ng phone ko sa bulsa.
Kiel:
Bagay raw kayo sabi ni Leanne. Nanliligaw na ba siya sa'yo?Nagsalubong agad ang kilay ko dahil sa text message ni Kiel. Ano na naman ba 'to? Why is he being curious all of a sudden? Wala naman siyang pakialam noon. Bakit kailangan niyang magtanong ngayon?
"Ba't nakasimangot ka na naman?" tanong ni Enz nang mapansin niya ang ekspresyon sa mukha ko. "May problema ba?"
"Tinatanong ni Kiel kung nanliligaw ka raw ba sa akin?" sagot ko sabay pakita ng text message ni Kiel sa kanya.
"Bakit niya tinatanong?" balik niya. "Threatened na ba kamo siyang mapalitan?" biro niya pa kaya sinuntok ko ang balikat niya.
"Ang yabang mo, ha?" nakatawang sabi ko.
"Joke lang," bawi niya. "Tell him the truth if you want. Tell him that we're just friends."
"What if I don't want to?" tanong ko sa kanya. "Wala naman siyang karapatang magtanong at wala akong obligasyong sumagot sa kanya."
"Then don't answer him. Let him think about all the possibilities. Let him panic at the thought of losing you," sabi naman niya. "Make him realize what he's been missing all these years and then, let him go. Let go when you're ready, okay? I'm not rushing you."
"Will you... help me?"
"Are you ready? Akala ko ba—"
"Answer me before I change my mind again, Enz. Will you help me let go?"
"I will. Remember what I told you earlier? You don't have to do this alone," he assured me. "I'm here. I'll help you let him go."
BINABASA MO ANG
The Art of Letting Go
Teen FictionSerendipity Series II (TAoLG book one): Apat na taon nang gusto ni Aly si Kiel. At sa loob ng apat na taon, wala siyang ibang hinangad kung hindi ang masuklian ang nararamdaman niya. Ilang beses na siyang sumubok makalimot, ilang beses na rin siyang...