Chapter 1

17 0 0
                                    


"Coconut mocha macchiato for Ms. Kelsey!" Sigaw ng isang barista sa coffee shop na madalas kong pinupuntahan.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ang aking order sa counter, bumalik ako sa table ko para ituloy ang ginagawa kong proposal.

Napaka-daming assignments at activities ang ginagawa ko ngayong semester, halos wala na akong social life at panahon para sa sarili ko. Madalas na umiikot ang buhay ko sa school.

It's so hard to please my parents, they wanted me to be over the top.

Kaya minsan ang pressure na ibinibigay nila sa akin ay nakaka-apekto na sa pag-aaral ko.

Well, this is college. What do I expect? Heaven? Hell no.

Buti na lang wala akong kasama ngayon at nakakapag concentrate ako kahit papaano and as for today wala pa ko sa kalahati, bukas na ang pasahan nito. Oh great!

Gusto ko ng umiyak.

Siguro itutuloy ko na lang ulit to' sa bahay mamaya pagkatapos ng class ko, ang dami ko kasing iniisip ngayon. Love problem? No, family problem. May issue kasi sa family ko at apektado ako doon, nag away sila Mommy and Daddy for nth time and this time gusto na talaga nila mag divorce. Hindi na ako nabigla doon dahil lagi naman silang may arguments at napaka taas din ng pride nila kaya walang nagpapatalo.

Coz' both of them are lawyers, hindi uso sa kanila ang magpatalo. And they wanted me to be like them someday, but I'm against it.

Buti na nga lang eh peaceful na sa bahay dahil wala sila. Sa ibang bansa muna sila nag base dahil may business daw silang aasikasuhin and they've been living there two years now. Ibig sabihin I've been living on my own for two long years, nag papadala lang sila ng pera sa akin weekly for my budget at ako na bahala kung saan ko iyon gagastusin.

And I'm expecting either of them na bumalik dito sa Pilipinas dahil sa away nila.

"ARRGH! BAHALA NA NGA!" I half shouted

Wala talagang pumapasok sa kukote ko ngayon! Isinara ko yung laptop ko at niligpit ang mga gamit ko. Three hours na kong nakaupo dito sa coffee beans by Saint at pinagtitinginan na ko kanina ng supervisor at mga servers nila. Nahiya naman ako, I guess that I shall leave anytime soon.

I was about to stand when my phone suddenly vibrated.

From: Dom
Kel! Where the heck are you! Anong oras na and we have exams, remember?

What the hell?! That exam is supposed to be next week pa di ba? Or maybe not. I don't know, my mind is a mess!

Nagmadali akong umalis sa coffee shop at tinake-out ko yung inorder ko na halos hindi ko naman iyon nagalaw. 

Nag drive na ako papunta ng school at natagalan ako dahil sa traffic.

I parked my car malapit sa puno sa parking 3 para hindi ito maarawan. I rushed to my locker to fetch out my notes. I was busy stuffing my bag with my giant books and tons of notes nang may naamoy akong mabango, I was attracted to that scent! 


Tumigil ako sa ginagawa ko at napapikit na lang ako kasi mabango talaga yung naamoy ng ilong ko. I turned my head to check kung saan galing iyon, and it was a scent of a man that walked across me.

Nakita ko siya na kinakausap yung dean namin sa di kalayuan, I supposed na new student siya with a high profile. Ang ayos ng damit niya very formal at professional ang datingan. Inisip ko tuloy na bakla siguro siya, I don't know. 

Pero ang manly ng amoy niya, very attractive. 

"Hi bub." Kasalukuyan pa din akong nag aayos ng mga gamit ng lumapit sa akin si Dom. He looked so fresh as usual.

The Best Thing I Neved HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon