Chapter 3

6 0 0
                                    


And everything went blank.

Wala akong maalala, ano nga ba ang nangyari? Wala naman akong amnesia, I still remember my name and picking up my Mom at the airport. Pero hindi ko matandaan kung anung nangyari sa amin right after that incident. 

I knew we had an accident. The ambulance, the pain I felt and everything.

Ramdam ko na mabigat ang katawan ko, hindi ko na din ito maigalaw. Sinusubukan kong imulat ang mga mata ko pero nahihirapan ako. Nasaan ako? Bakit sobrang tahimik ng paligid?

Nasa langit na ba ako? Parang hindi, may naririnig akong kaluskos.

"Huh?" I groaned and tried to open my eyes and get up but failed.

I feel like that I'm paralyzed.

"Thank God you're awake now, Doc! Doc!" I saw a guy beside me, hindi ko siya kilala.

Hindi ko siya makita ng maayos dahil malabo pa ang paningin ko.

Kamag-anak ko ba siya?

Who the hell is this guy?

Mayroon ba talaga akong amnesia?!

"W-who are you?" Tanong ko, medyo nahihirapan din akong magsalita dahil may brace na nakalagay sa leeg ko.

Ganito ba kalala ang nangyari?

"I'm sorry, I'am—" I cut him off

"Where's my Mom?!" Pinilit kong gumalaw sa kinahihigaan ko pero hirap pa din ako.

Sobra akong kinabahan dahil iyon ang unang pumasok sa isipan ko, what if may masamang nangyari kay mommy?! Kailangan ko na siyang makita!

I looked in every side of the room, but I can't see my mom! She was supposed to be right here beside me!

"Hey! Where's my mom?!" Mangiyak-ngiyak kong inulit kahit hindi masyado maintindihan ang sinasabi ko. I tried to reach that guy's shoulder but I failed, pinapahirapan ko lang ang sarili ko.

Hindi ko na inindang ang sakit ng katawan ko sa kakagalaw basta't malaman ko lang kung nasaan ang Mommy ko!

She just came back, there's no way that something bad would happened to her because of me!

"Calm down miss, she's in the other room, tine-theraphy siya." He said in calm voice at nawala agad yung kaba sa dibdib ko.

Huminga ako ng malalim, parang akong nabunutan ng tinik.

Tinulungan niya akong umayos muli sa pagkakahiga ko. I groaned, ang sakit.

"Thank you Lord we're still alive." bulong ko sa sarili ko. 

Hinding hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sa kanya. Nagtataas baba ang dibdib ko dahil nahihirapan akong huminga, di pa din kasi ako kampante kasi di ko pa nakikita si Mommy.

Tinignan ko siya, yung lalaki. I scanned his features, he has a youthful look, may itsura, makinis, maputi, matangos ang ilong, may kahabaan ang buhok pero bagay naman sa kanya at payat. Hindi ko siya kilala, not even familiar, but the thing that caught my attention is that may konting galos yung mukha niya at may gasa yung kamay niya.

Maybe he is the...

"YOU!!" sigaw ko sa kanya "A-ouch!" I cried

"Be careful Kelsey! Wag ka muna magsalita." Akmang hahawakan niya yung mukha ko pero iniwas ko ito at tinabig.

"How dare you to call my name, sino ka ba kasi?!" Nagalit ako kaagad, kasi alam ko siya yung bumangga sa'min. Ayaw pa niyang aminin.

 "You reckless driver! You're supposed to be in jail not here! And who are you to look out for me huh?! Leave me alone!" I was mad. Really mad.

The Best Thing I Neved HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon