Chapter 7

3 0 0
                                    

That simple text message turned me into a fresh tomato. As in pulang-pula ako at kinakabahan ng sobra, hindi ko alam ang gagawin ko kaya inilabas ko na lamang ang nararamdaman ko sa pagsigaw at pagpagulong-gulong sa aking kama. At aaminin ko...kinilig ako!

Well, the fact na nalaman ko na din yung name niya kaya mas lalo akong kinilig. Hindi ko na siya tatawagin na; hoy, tukmol, manong at kung ano ano pa dahil Kian lang pala ang pangalan niya. Cute and short.

Pinagmasdan ko lang naman ang text message niya ng mahigit isang oras, hindi ako makapaniwala na mag gogood night pa siya. At para bang first time na may nagsabi sa'kin ng ganun. Hindi ko naman alam kung ano ang i-rereply ko sa kanya, tumingin ako sa orasan at 2:16 am na, baka tulog na yun at maaga pa ata siya sa lakad nya kuno.
Siguro mamaya ko na lang siya i-tetext na good morning o baka siya na muna ulit ang mag ttext sa akin. Napaka-ganda ng simula ng araw ko ngayon.

Nagising ako ng 12 noon, tanghali na pala. Pero pakiramdam ko alas-sais pa lang dahil dark ang kulay ng kurtina ko tapos malamig ang Aircon ko. Hindi ko pa gusto bumangon kaya pumikit muna ako panandalian,

Hinablot ko agad yung phone ko sa bed side table ko at tinignan ang imessage ko.

Wala. Wala man lang nag text, kahit si Dom man lang or Globe walang nag text sa'kin, napaka kawawa ko naman. Nawalan na din ako nang gana hindi pa naman din ako nagugutom kaya hindi muna ako bababa.

After 15 minutes wala pa din, gising na talaga ang diwa ko. Nakakainis, gusto ko pang magpahinga pero sabi ng katawan ko full charge na ako.

*bzz bzz

Dali dali kong kinuha ang phone ko para tignan kung sino ang nag text and OH MY GOSH!!!

From: Kian^^
Tingin ka sa bintana mo.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa bintana ko at hinawi ko ang kurtina, napatakip ako ng bibig kasi nandun na siya sa labas. Kumaway siya sa'kin tapos pinakita niya sa'kin ang dala niyang take out coffee galing Starbucks.

Nagtago ako kaagad ng makita ko siya, sobrang laki ng ngiti ko. Hindi ko nga alam kung ano yung itsura ko gulo-gulo pa yata ang buhok ko at namumutla pa ang mukha. Nag reply ako sa kanya para sabihin na pumasok na lang siya dahil hindi pa ako nakabihis.

Mabilisan akong naligo at nag-ayos. Sinigurado kong maganda ang aking itsura kapag haharap na ako sa kanya, kaya nag lagay pa ako ng make-up.

Nang bumaba na ako ay nakita ko siya sa receiving area na gumagamit ng cellphone. Lumakad ako papalapit sa kanya at nung nakuha ko na yung atensyon niya ay ngumiti ako.

"Oh bakit ka nandito?" Pambungad kong tanong.

Tapos inayos -ayos ko ang buhok ko.

"Uhm, daily duties?" Sagot naman niya.

Umupo ako sa tabi niya without any gap at pinatong ko ang isa kong kamay sa kanyang hita, I think that I'm flirting with him!! And without me knowing that medyo kita pala ang cleavage ko sa suot kong tank top. Ano ba itong kinikilos ko?! Iba yung ngiti't galaw ko sa kanya! Nag papa-impress ako na ewan. Napaka-concious ko sa sarili ko ngayon.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya sa'kin at dumistansya siya ng kaunti.

"Hindi pa, kakagising ko lang eh."

Bakit parang hindi siya makatingin sakin?

Tumayo siya at kinuha yung paper bag na dala niya.

"Kain tayo." Sabi niya sa'kin nang hindi manlang ako nililingon.

Ano bang nagawa ko? Parang biglang nag bago ang pakikitungo naming dalawa. Ang cold niya ngayon.

Sinundan ko naman siya, nagkusa sina Yaya na ipaghain kami ng pagkain, at nung naka set up na ang lahat nagsimula na kami kumain. Kung kahapon ay magkatabi kaming naka upo, ngayon magkaharap naman. May kalakihan din ang dinner table namin kaya medyo malayo ang pagitan namin.

The Best Thing I Neved HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon