Chapter 9

2 0 0
                                    

Do I look like a skank at mukhang babaeng kinain ng contour kaya't napagkamalan ako ng Daddy ni Dom na ako si Paige?! My God, I was shaking my head on my mind

Gusto kong mag walk out, sobrang layo ng features naming dalawa. And if ever na siya ang magiging kamukha ko, I'd rather kill myself.

Seriously, I was offended.

Earlier...

"I'm so glad to finally meet you... Paige."

Parehas kami nanigas sa kinatatayuan ni Dom, at napa-awang ang aming bibig. Agad namang nagsalita si Dom para aksyunan ang pangyayari.

"Uhh, no Dad. You see this is Kelsey, my friend. She's not Paige." Kaagad namang nag bago ang ekspresyon ang kanyang Daddy, at nag bigay paumanhin sa akin.

Pinilit kong na tawanan na lamang iyon.

"Nako Hija, pasensya na. Ang akala ko kasi ikaw ang girlfriend ng anak ko." Sana nga ho Tito, sana nga.

"Ah eh wala po iyon. Okay lang po." Hindi po ayos ang lahat. Sobrang awkward ng pagkakasabi ko at pagtawa.

Nag kamayan ulit kami, at sorry pa din ng sorry ang Daddy niya sa akin. Sa kaloob-looban ko ay nasaktan talaga ako, Paige daw eh. Yung pinaka aayaw kong tao sa mundo napagkamalan na ako. What a joke.

"You see Hija eight years na kasi akong hindi naka-uwi dito sa Pilipinas. Madalang lang kami mag video call nitong anak ko, kaya hindi kami gaanong nakakapag usap, recently lang. Kaya ang mommy niya lang ang nag sasabi sa akin tungkol dito nga kay Dom." Pagpapaliwanag niya, tumingin ako kay Dom at sobrang namumula siya. Parang gusto niyang patigilin sa pagsasalita ang Daddy niya.

"Ikaw kasi ang unang babaeng pinakilala niya sa'kin, so I thought that--"

"Dad!" Sabi ni Dom, naputol tuloy ang sinasabi ng Daddy niya. Nagkatinginan lamang sila at para bang alam na ng kanyang Daddy ang gustong iparating nito.

"Okay. Iwan ko muna kayo ha, may gagawain pa kasi ako sa office. And Kelsey? Thank you in advance, make us wow later." Ayun ang huling sinabi ng Daddy ni Dom bago siya umalis, kaya kami na lang ang naiwan dito sa sala.

Sobrang pinagpawisan si Dom, nahiya siguro siya sa mga sinabi ng Daddy niya sa akin. Hindi tuloy siya maka-tingin ng maayos.

"So...are we going to start now?" Tanong ko habang pinupunasan niya ang pawis niya sa noo.

"Y-Yeah. Halika dito sa kusina." Nauna na siyang naglakad at sinundan ko siya papunta sa kanilang kitchen. At nadatnan ko na nakahanda na sa isang table ang mga rekados na lulutuin namin. Medyo madami dami siya.

Inabutan niya ako ng apron at sinuot ko iyon at siya din.

We're cute. Parehas na baby pink ang apron namin, siguro ay kay Tita Ruth ito.

"Ready ready na tayo ah. Kumpleto na ang mga ingredients." Sabi ko at humalakhak.

"Yep. Pinaghandaan ko talaga, actually kahapon lang kami nag grocery.  Nagpasama ako kay Paige, ang hirap niya ngang ayain." Ugh, that name again!

Wait! Pwede naman na ako ang isama niya ah! Bakante naman ako kahapon, so why did he forced Paige to go with him? Ako na lang sana, sayang!

"Anyways, ano ba ang lulutuin natin?" Pag iiba ko ng topic, mas mabuti ng hindi magtuloy tuloy ang pinag uusapan namin kanina.

The Best Thing I Neved HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon