Chapter 5

8 0 0
                                    


"Aw! Dahan-dahan naman!" Sigaw ko sa kanya. Kasalukuyan kasi niyang minamasahe ang mga binti ko. Nagpaturo pa siya sa nurse kung paano ang gagawin.
Mas mapapadali daw akong makaka-lakad ng maayos muli kapag minamasahe ang paa at binti ko daily. 

"You really have a soft skin huh..." Dinagdagan niya ang oil sa kanyang palad at pinahid sa aking sakong.

"O-ouch! Masakit sa part na yan, wag na! Ayoko na!" Mangiyak-ngiyak kong sinabi. "Tska na-nanamantala ka na eh!" Pinalo ko ang kanyang kamay.

Guilty naman siya kasi kanina pa siya tawa ng tawa.

"Ang cute ng itsura mo kapag nasasaktan, ang sarap lang panoodin." Pang-aasar nanaman niya sa akin. Tumayo siya para kunin ang saklay ko, susubukan ko ulit maglakad ng mag-isa gamit ito. Pero isang saklay na lang.

"Dahan-dahan." Sabi niya, at napapikit ako ng itinapak ko ang paa ko. May kirot pa din akong nararamdaman.

Nakaalalay pa din siya sa akin dahil ilang beses na akong bumagsak. Kaya todo kapit ako sa balikat niya, being this close to him parang gumagaan na ang loob ko sa kanya. Pero 2% lang, malaki pa din ang galit ko sa mama na ito.

But overall yeah hindi na ako mag-papaka plastic, we're getting better day by day. Sana naman ay magtuloy tuloy na. Sa araw-araw ba naman na magkasama kami nakasanayan ko na ang ugali niya.

At nakakatawa lang dahil parang nagiging tupa siya kapag bumibisita si Mommy! Nag iiba ang ugali niya, tumatahimik siya. Akala mo kung sinong mabait, pero kapag kami na lang dalawa ay parang siya ang pasyente.

Ganito kami araw-araw, paikot ikot lang sa kwarto para bumalik na sa dati ang paglalakad ko. Ang tiyaga niya nga eh, kahit ilang beses ko na siya nasisigawan at napapalo heto pa rin siya at nag titiis sa akin.

"T-Tama na, mamaya na lang ulit." Sabi ko at umika-ika papalapit sa aking kama.

Itinabi niya ang saklay ko at tinabihan ako sa kama, binuhat niya ako sa aking kinahihigaan para maka urong . At tumabi siya sa akin.

We're always like this, naawa naman ako sa kanya dahil sa sofa lang lagi siya natutulog. Kaya magka-abay na kami kapag natutulog gabi gabi. Napapagkalaman tuloy kami ng nurse na naka-assign sa akin na mag boyfriend.

Yuck.

Ang init ng katawan niya, ang sarap pa ng pagkakayakap niya. At ang bango bango niya pa, ngayon lang ako nakayakap ng lalaki ng ganitong katagal, ang sarap pala sa feeling, napapikit na lang ako. Parang ganito din yung pakiramdam nung una niya kong yinakap, ang gaan lang sa pakiramdam.

"Heep, nag enjoy ka na. Baka mamaya magka-gusto ka na sa'kin, malalagot ako sa mama mo." Hirit niya nang makita niya akong sarap na sarap sa pagkakayapos sa kanya, tinanggal naman niya ang kanyang kamay sa aking balikat.

Siniko ko agad siya at nawala ang ngiti ko. Napalitan iyon ng simangot.

"As if. You're not my type." Umirap ako sa kanya.

"Tss, mine as well. Oh, we have mutual feelings!" Tumawa siya ng malakas.

Habang tumatagal nakukuha ko na ang humor niya, nakakakwentuhan ko na din siya ng matagal pero pagdating sa personal information niya mabilis niya kong mapaikot sa pag cha-change niya ng topic.


Ano bang meron na hindi ko dapat malaman at kailangan pa niyang itago? Tinanong ko siya kung paano ko siya i-aaddress, sabi niya kuya na lang daw. Kadiri naman no', ang layo niya sa pagiging kuya ko hindi ako nangarap magkaroon ng kuya na ganyan ang ugali, nakakabwiset kahit kailan. Kaya nag isip na lang ako ng pet name niya.

The Best Thing I Neved HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon