Chapter 2

8 0 0
                                    

"Really? Aunt Jenna is coming? So you're masaya na again?" Sabi ni Paige and she was referring to my mom. She was way too excited compared to me, as if she knew her personally.

Nakakabingi ang tinis ng boses niya, naiinis ako.

Me, Dom, Paige and Sena were having lunch in the cafeteria. At kung makatanong naman 'tong si Paige na 'to tungkol sa Mommy ko ay parang meet naman na niya ito, ang dami pa niyang sinasabi.

Inirapan ko na lang siya at sinipa ni Dom yung paa ko. Liningon ko siya and he's making faces like telling me to answer her girlfriend.

"Ah oo, mamayang gabi." Walang gana kong sagot.

"Oh my gosh, I want to see her na talaga~ Because my baby here has been talking about your mom like everyday kapag wala kaming mapag usapan. Right baby?" Isiniksik ni Paige ang kanyang sarili kay Dom, na halatang naiinis na din siya. Natatawa tuloy ako, na-aawkwardan si Dom.

At the same time ay nasusuka ako sa kanila. I hate seeing clingy couple.

I clenched my fist, parang masusuntok ko na 'tong si Paige sa inis. Hinahalik-halikan niya pa si Dom sa pisngi, pinapamukha niya pa talaga na pag-mamay ari niya ito.

Hindi ko na lang sila tinignan at nag-concentrate na lang ako sa aking laptop.

"Baby your juice is ubos na, you want me to buy another one pa?" Tanong niya kay Dom na nag b-beautiful eyes pa.

Gusto ko ng umalis.

"Yeah sure thanks. Ikaw Kelsey? You want somethi—"

"Okay baby, I'll buy your drink na. C'mon Sena." Tinalikuran na nila ako at pumunta sa counter.

Napupuno na talaga ako sa Paige na yan, ang bastos lang eh. Kung hindi lang siya girlfriend ni Dom nasunog ko na siya ng buhay.

"Sorry na." Nakita niya siguro yung hawak-hawak kong coke in can na yupi na, nginitian ko na lang siya.

"Ha? Bakit naman?" Pagkukunwari ko.

Syempre kailangan kong mag maang-maangan kahit halata sa itsura ko na galit na ko. I just can't stand her, siguro nga pagtyatyagaan ko na lang sila kesa sa mag-isa lang ako kumain.

"You want me to join you later in the airport? I can drive for you." Offer niya sakin. If I know nag papalakas lang to para bigyan ko siya ng chocolates tapos ibibigay niya sa girlfriend niya para makatipid. Just kidding!

"No, I'm okay. Besides may dress rehearsal si Paige mamaya di ba, you should be there to watch." Sabi ko habang may itini-type ako sa laptop ko.

"Pwede naman akong hindi na pumunta, ilang beses ko na siyang napanood." Ngumisi siya.

I suddenly stopped for a moment.

And there he goes for giving me mixed signals again.

"So ano nag sasawa ka na kanya?" Tinaasan ko naman siya ng kilay at dumila siya sa'kin.

"Tss, no. Never ako mag sasawa kay Paige. What I mean is gusto ko naman ng excitement para sa sarili ko. Gusto ko siyang mapanood kapag actual performance na niya." He fixed his hair carelessly.

My weak point number one!

"She dedicates her recital to me she said earlier." Halatang kinilig ang Dom na utong-uto.

Hindi na lang ako kumibo. Tch.

"Besides, I've already told her that I can't make in every rehearsals of hers. So, samahan na kita mamaya?" Ngumiti siya sa akin.

The Best Thing I Neved HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon