Chapter 8

4 0 0
                                    

"Hi Kelly! Long time no see!" Wow. What a great start to welcome my college life again, nag sisimula pa lang ang araw ko ay si Paige na agad ang bumungad sa akin.

And what the hell, Kelly? Pati ba naman ako gagawan niya ng nakakasukang nick name. Ugh, gusto ko siyang bigwasan.

"Kelly mabuting nakabalik ka na ulit." At inulit pa niya. Very plastic! Kunwaring may pakialam siya sa akin.

Ang toxic niya, hangga't maari nga ay iniiwasan ko siyang kausapin niya ako.

"Ah oo." Maikli kong sagot. Yep, I'm back in school after another month of rest.

I've been helping myself for a month and so far so good. Tama ako sa desisyon kong patigilin na si Kian sa ginagawa sa akin, kinaya ko naman ang sarili ko. I don't really need him at the first place though.
Hindi na ulit siya nagpakita o nagparamdam sa akin gaya nga ng sinabi ko sa kanya, marunong din pala siya umintindi. And see? Hindi man lang niya ako hinahanap o hinabol, ibig sabihin hindi naman talaga niya ako priority.

I made the right decision at wala na akong dahilan para makunsensya pa.

"Kaya mo na ba talaga? Hindi na ba nasakit ang binti mo?" Napangiti ako nung kinausap ako ng Dom. Gustong-gusto ko talaga kapag nag-aalala siya sa akin, na-miss ko talaga siya ng sobra.

"Oo naman kaya ko na." Bigla akong nahiya sa kanya, nanibago din kasi ako ng kaunti. Ngayon na lang kasi kami ulit nagkita, ang huli ay noong kasama ko pa si Kian. At nagkatampuhan pa kami dahil sa katigasan ng ulo ko.

"Mabuti naman, teka maiba ako balita ko aalis na daw si Mrs. Santos ah. Yung professor natin sa Calculus.'" Sabi sa akin ni Dom. Halos mapasigaw ako sa tuwa.

Mabuti naman ay aalis na siya, she's the most terrible professor sa buong university. Bihira na nga lang pumasok tapos hindi pa nag tuturo, mas gusto niya daw na matuto ang mga estudyante na mag self-study.

Siya din ang dahilan kung bakit hindi ako nakasali sa Dean list last semester kaya nung nalaman ko na siya ulit ang magiging professor ko ay nagdadalawang isip ako kung i-ddrop ko ba ang subject na 'to.

"Oh talaga? Bakit daw?" Tanong ko, nag kunwari akong concern sa pag-alis niya.

"Hindi ko din alam eh, ang sabi niya ay huling linggo na daw niya ngayon dito."

Tumango na lang ako, na cu-curious ako kung bakit naman siya aalis kahit na hindi naman siya magaling mag turo. Ang tagal na kaya niya dito sa university namin, 35 years na. Malakas pa naman siya ah.

Biglang dumating na si Mrs. Santos kaya dali-dali akong bumalik sa assigned seat ko. Dumiretso ang siya namin sa teacher's desk at ipinatong doon ang dala niyang laptop.

"Class listen. As I've said last meeting today my final week, since I'm going to retire from teaching--"

"Uhhhhhhhhhhhhh~" Sabay-sabay na sinabi ng mga ka block mates ko, at litaw ang matinis na boses ni Paige.

"Sana ay marami kayong natutunan." Saad niya.

Ang lakas naman ng loob ni Mrs. Santos na magsabi ng ganyan. Marami kaming natutunan, sa pag se-self study, pero turo galing sa kanya? Wala.

"Mag mi-migrate na kasi kami ng pamilya ko sa London at nag aayos na ako ng mga papeles namin kaya ilang buwan ako absent ng absent. Natutuwa ako sa klase ninyo dahil masisipag kayong mag aral kahit na minsan lang ako nakakapag-turo, at dahil jan ay bibigyan ko na lang kayo ng intensives para umangat pa ang grades niyo. Siya nga pala, nakilala ko na ang magiging kapalit ko. Siguradong sisipagin lalo kayong mag aral, so goodluck class!"

The Best Thing I Neved HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon