Chapter 10

4 0 0
                                    

"Paige!"

Pinutol siya ni Dom sa pagsasalita, hinawakan niya kaagad ang kanyang kamay para pigilan siyang tanggalin ang kanilang singsing. Napa-tungo ako at napa-iling na lamang, ang selfish ko palang tao. Wala akong kaalam-alam sa kanila at ganoon na lamang ako manghusga, lalo na kay Paige.

Pinunasan ko ang aking luha.

Nakita ko na lang na wala na si Paige at humahagulgol si Dom sa labas. Ang hirap ng ganitong sitwasyon, lalo na't ikaw ang dahilan kung bakit naka-sira ka ng isang relasyon. Pinilit kong tumayo at damayan si Dom pero tinabig niya ako at padabog siyang pumasok sa bahay.

What I have done? Ako lahat ang may kasalanan nito, kung ano man ang isipin ko ay sa huli ay alam kong ako sa dahilan ng lahat.

Pinapasok na din ako nila Tito para pakalmahin ang aking sarili dahil kanina pa din ako iyak ng iyak, gusto kong kausapin si Dom pero hindi pa ngayon ang tamang oras. Siguro ay palalamigin ko muna ang pangyayari.

Umuwi na din ako ng naging okay na ako, hinatid na lang ako ni Tito papunta sa aking unit para makasigurado silang ligtas akong makakauwi dahil alas-dose na din ng madaling-araw. Sumalampak kaagad ako sa kama pagkadating at tinakpan ang aking mukha dahil umagos na lang ng kusa ang aking luha, hindi ko in-expect na ganito pala ang mangyayari.

Maybe I should talk to Paige privately to explain everything. Siguro ayun ang solusyon sa problema na ito.

"What do you want?" Kinabukasan ay personal kong pinuntahan si Paige sa music room, kasalukuyan siyang nagpa-practice ng kanyang solo ng maabutan ko siya. Nagmaka-awa na lang ako sa kanyang mentor na kung pwede ba siyang kausapin kahit saglit lang.

Napansin ko ay hindi na niya suot ang singsing nila ni Dom.

"About last night I--"

"You can't do anything to make things the way it supposed to be. It's all over, you can be with him if you want I don't care anymore. Ayun naman ang gusto mo di ba?" She cutted me off and rolled her eyes on me.

"No, hindi mo naintindihan you see--"

"By the way Kelsey, I am not even sorry sa ginawa ko sa'yo kagabi. Honestly you deserve that, and look for the first time ever you were so nice to me." Ngumisi siya at nagpamewang. "Dapat pala ay sinabunutan na kita't sinipa dati pa, ayun lang pala ang paraan para maputol yang sungay mo."

Pinigilan kong magalit, ang talas ng dila niya. Kung hindi lang ganito ang sitwasyon ay ako naman ang sasabunot sa kanya. Huminga ako ng malalim at humawak ng mahigpit sa aking bag upang pigilan ang sarili ko.

Tumingin ako sa paligid, nakita kong nagbubulungan ang mga tao dito sa music room at ang sama ng tingin sa akin dahil sa mga sinabi ni Paige. Bumalik ang tingin ko sa kanya, at mukhang naghihintay siya sa sasabihin ko.

"Fine. Diss me or what so ever. Ang gusto ko lang sabihin ay please pag usapan niyo 'to ni Dom, pakinggan ninyo ang isa't-isa. Alam kong nahihirapan ka din at mas lalo na siya, hindi pa siya nalabas ng kwarto mula pa kagabi." Huminga ulit ako ng malalim at hinablot ang mga kamay ni Paige. "Kaya please... talk to him. You two can still be fixed."

Kinalas niya ang pagkaka-hawak ko sa kanya at ngumisi ulit. "Who are you for me to follow? Akala mo naman alam mo ang lahat sa amin, nag sasayang ka lang ng oras mo Kelsey. And like what I've just said earlier, I don't care anymore." Tinalikuran niya ako at bumalik sa stage kasama ang kanyang mentor.

The Best Thing I Neved HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon