Franchescka's pov
Ngayon, nandito na kami ni charles sa condo ko at hiniga ko na sya sa sofa...
Kumuha ako ng bimpo at nilabhan yun.. pinunasan ko sya sa mukha at katawan..
Pero hindi ko pa hinuhubad yung t-shirt nya.. virgin pa eyes ko..Kailangan nya ng tulong ches
Hindi, wag mong hubarin
Para naman sa. Kalagayan nya eh
Basta wag
Basta gawin mo..
Argghhh! I hate this brain! Ano bang use. Neto?
Unti unti kong hinubad ang kanyang t-shirt
At. . . nasilayan ko ang kanyang drop-dead sexy gorgeous body...
Napatakip nalang ako ng mata ng nakita ko yun.....
Para sa kapakanan nya, pupunasan mo yan..
Unti-unti kong binuksan ang aking mata at pinunasan ko ang katawan nya.
Pagkatapos, kinumutan ko sya at nilagyan sya ng bimpo sa noo nya. Hinawakan ko sya sa leeg kung mataas pa ang lagnat nya pero mainit parin sya kaya natulog nalang ako sa kama ko..
Ellea's pov
Ngayon pauwi na ako sa bahay.
At sa wakas, merong bus na paparating kaya sumakay na ako at nagbayad na....
*after 5 minutes*
"Para po!" Pumara na ako at bumaba na sa tapat ng bahay namin---este, condo... sorry✌️✌️
Pagpasok ko sa bahay, nakita ko si yanna na nanonood ng destined to be yours.. tsss... kahit nakakahiya, idol nya ang aldub. Tsss... wala na kami sa pilipinas noh? Hello?! Were here in korea.
Atsaka kahit wala pa akong first boyfriend, hindi na talaga ako naniniwala sa forever. Wala naman talaga eh. Katulad nila che--nevermind."Yanna, nasan si mama?"
Tanong ko kay yanna kasi napansin kong wala sya eh..."Ewan ko."
Sabi naman nya."Dito ka lang muna ha? Bibili lang ako ng pagkain natin"
Sabi ko.
"Ok te"
Sagot nya.Nagbihis muna ako at umalis na..
Habang naglalakad ako, may nakita akong lalaki na naglalakad, alangan namang lumilipad diba? Tapos may nakasunod sakanyang dalawang lalaki na nakapang-gangster yung suot.
Tapos biglang nabangga nung lalaki yung dalawang gangster tapos tinulak sya sa pader at saka sinuntok.
Nagtataka lang ako bakit hindi lumalaban tong lalakeng to eh macho naman..
Dumeretso nalang ako sa grocery at saktong pagpasok ko may nakita akong guard.
"Manong guard! May nagbubugbugan dun oh!"
Sabay turo sa kinaroroonan nila."Ah sige miss, ako na bahala."
Sabi ni guard.
Matapos kong bumili ng pagkain namin, lumabas na ako at nakita ko yung lalaking sinuntok kanina na may pasa at sugat sa buong parte ng katawan nya. Eh sakto may dala akong band-aid... pasalamat sya sa kin at tutulungan ko sya kung hindi..... wala lang!
"Oh, band-aid"
Sabi ko at inabot sakanya ang band-aid.
"Meron pa ako dito oh"
Sabi ko at tamang ilalagay ko na sana yung band-aid sa mukha nya ng bigla nyang tapikin ang ang kamay ko.
Aba, choosy?"Don't ever touch me.."
Sabi nya.
"Edi wag di ka naman pinipilit eh"
Sabi ko.
"You may go now.."
Sabi nya.
Aba, sya pa may ganang paalisin ako eh ako na nga yung taong tumulong sa kanya eh...."Sige bahala ka.. oh dito ko lang ilalagay yung band-aid ha?"
Atska nilapag sa daan.
Akmang aalis na ako ng biglang nagsalita sya.
"Wait'.."
Sabi nya.
Ano bang problema nya?"Oh bakit?"
Sabi ko?
"Wala lang."
Sabi nya.
Tatawag-tawag sya tapos paaalisin din naman pala ako..."Wait.."
Sabi ulit nya.
What's with him?"Ano ba?"
Sabi ko.
"Wala lang."
Sabi nya.
Isa pa talaga sisigawan ko na to...
"Wait.."
Sabi nya.
"ANO BANG PROBLEMA MO HA?"
Sigaw ko..
"You're...... you're...... you're.... c-cute...."
Sabi nya.....
Ha? Ako ba sinabihan nya?
YOU ARE READING
Playboys
RomantikKaya mo bang magpatawad sa taong sinaktan ka na? Papayag ka pa bang masaktan ka ulit?