Ingay ng cellphone ko ang gumising sa napaka himbing kong tulog. Antok na antok kong kinapa ang cellphone ko sa loob ng slingbag hindi ko nadin natingnan kung sino ang nasa caller I.d at agad ko ng sinagot ito. "Hello" inaantok na tanong ko sa kabilang linya. "Hello.. beshy! Advance Happy Happy birthday! I love you kahit lagi kang hard sakin, i love you parin." sigaw ni Ayhan Mikhail sa kabilang linya.. dahil sa lakas ng boses nya nawala yung antok ko..tss grabe talaga bunga nga ng isang to.."Thank you..hindi para sa greet mo! Thank you dahil ginising mo ang sobrang sarap na tulog ko!.." sarcastic na sagot ko "Ito naman highblood masyado, Naniniwala na talaga ako sa kasabihang magingay kana sa lasing wag lang sa bagong gising Tsk! By the way kamusta anong balak mo bukas? May party ba? Oh nasa Safe house ka padin ngayon?" Sunod sunod na tanong nito na ikinarindi ko lalo "Pwede bang one question at a time lang diko na alam kung anong uunahin kong sagutin. "Ay! Sorry naman beshy! na carried away lang!" Hagikhik nito sa kabilang linya.
"Well nauna na yung celebration kahapon, naghanda lang sa bahay at oo nga pala wala ako sa Safe House. Nasa property ko ako ngayon, sa isang araw pa ang balik ko sa Safe house." Mahabang paliwanag ko sa bruha. "Noted Beshy! By the way Good night na see yah soon! Happy birthday ulit love lots" sasagot na sana ako ng mag endcall na yung bruha.. pagtingin ko sa oras ng cellphone ko magaalasais na ng hapon ang haba na pala ng naging tulog ko.
Pagbaba ko dumiretso na ko sa kusina dahil may naaamoy akong niluluto si Manang pala ang naghahanda sa kusina.
"Oh hija! Mabuti at gising kana, ay sya nga pala kanina hindi na kita ginising dahil ang himbing pa ng tulog mo nung umakyat ako para sana ayain ka ng kumain." Paliwanag ni Manang habang hinahalo yung niluluto nya. "Oo nga po napasarap po yung tulog ko. Ah sya nga po pala Manang, birthday ko po bukas kaya balak kong magluto para may konting handa po tayo. Magbibigay po ako ng pera pamili para sa mga gagamitin kong sangkap." napatingin naman agad sakin si Manang dahil sa sinabi ko. "Naku kang bata ka! Nakalimutan kong bukas na nga pala yung birthday mo! O sya sige kami na ni Tacio ang bahala mamili sa bayan sabihin mo lang yung mga putaheng lulutuin mo bukas hija. Maligayang kaarawan nadin. Oh eh Ilang taon kana ba bukas ha
Shane?" Mahabang litanya ni Manang.
"Salamat po. 19 na po ako bukas Manang" nakangiting sagot ko rito. "Napakabata mo pa pala talaga Shane.. pero napakatalino mo nang bata, Maswerte ang mga magulang mo sayo dahil napakabait at matulungin mo, wag ka sanang magbabago hija." Nangingiting sabi ni manang. "Salamat po kung ganun" Pagsangayon ko sa sinabi ni manang.Pagkatapos naming maghapunan napagpasyahan ko munang maglibot sa labas para magpababa ng kinain.Habang naglalakad ako naaalala ko kung paano namin cinelebrate ni Shawn yung first anniversary namin dito sa lugar na to.
Yung moment na inis na inis nako sa kanya sa loob ng sasakyan dahil akala ko nakalimutan na nya ang anniversary namin. From Manila to batangas pala yung naging biyahe namin ng hindi ko alam kaya gutom na gutom nadin ako.
"Shawn ano ba! Kanina pa tayo nasa biyahe pero di mo padin ako sinasagot kung saan talaga tayo pupunta." Inis na sabi ko sa natatawa tawa lang na katabi ko. "Malapit na tayo.. give me 10minutes more" maiksing sagot nya na hindi manlang ako nilingon. "Tss..fine bahala ka nga" inis na sagot ko.
Natatawa talaga ako sa moment nayon dahil inis na inis nako that time pero siya Tinatawanan lang yung inis ko.
At yung moment sa mini lagoon.
Pagkatapos namin kumain ni Shawn, Iniwan ko muna sya para tingnan yung mini lagoon dahil tuwang tuwa ako ng makita ko. "Gusto mong magswimming?" Nangaasar na tanong ni Shawn ng biglang sulpot nya sa likod ko. "Oo sana kaya..lang.. wala naman ako pamalit ayoko ko namang umuwi ng basa yung damit ko" nanghihinayang na sagot ko habang nakatitig sa tubig. "At sino naman nagsabi sayo na uuwi na tayo? Come on let's cherish this moment and about sa spare cloths don't worry about it, meron tayo sa room na ni rent ko, kaya tara na! I'll promised you sobrang sarap nang tubig dito sa lagoon na i'm sure hahanap hanapin mo" nakangiting paliwanag ni Shawn sabay hila sa kamay ko kaya sabay kaming nalaglag sa tubig.. "SHAWN ANGELO! Kainis ka" kunyare galit kong sigaw dahil sa paghila nya sakin sa tubig.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Innocent Heart
ActionLady Gabriel Clarinth Nakamura Hansons is the long lost daughter of Peter Hansons and Loren Nakamura the Master and Lady of Red Dragon Organization. Leonardo Miyasaki is the bestfriend of Peter Hansons, He is the one who kidnapped Clarinth because...