Celebration

22 1 0
                                    


"Ah! Miss.. I mean Ayhan.. sigurado kabang ok lang sa kaibigan mong makaistorbo kami?" Tanong ng katabi ko sa unahan ng sasakyan na ayon sa pakilala ni Charles kanina eh.. Gian ang pangalan. "Ha?.. ah Oo naman mabait naman yun si beshy kaya don't worry! ok lang yun sa kanya." Sagot ko, ng diretso lang ang tingin sa daan habang nagdadrive, dahil kahit ako kinakabahan sa magiging reaction ni beshy.. once na malaman nyang may kasama akong mga strangers.

Hay! Buti nalang pala six seaters itong si baby car car kaya nagkasya kami ng mga lalaking ito sa loob.

"Where here! Pwede na kayong bumaba." Pagkasabi ko non naglabasan na din silang lima at ako ang nahuli dahil kinuha ko pa yung bag ko.

Pagkababa ko tiningnan ko muna sila isa isa saka ako nagsalita.
"Kailangan pa natin maglakad ng mga 5 minuto, dahil nandon pa yung pinaka main entrance ng bahay." Nagsitanguan naman sila at sumunod nadin sakin sa paglalakad. Nang makalapit na kami sa main entrance natanaw ko na agad si tay Tacio na busy sa pagtatabas ng mga halaman. Dahil ilang beses nadin akong nakabisita dito nakilala ko nadin sila Manang Lourdes at tay Tacio. "Tay kamusta po? Nasan po si Shane?" Bungad ko kay tay Tacio na mukhang nagulat base sa reaction nya. "Oh.. Hija ikaw pala! Eh eto mabuti naman. Sya nga pala si Shane nandun sa lagoon nagbababad, kilala mo naman yun.. eh ano bang sadya nyo ng mga kasama mo?" Panguusisa ni tay Tacio. "Ah kailangan po kase nila ng tubig para sa sasakyan nila tay! Natuyuan po kase kaya umusok. Nasalubong ko po sila sa kanto kaya nag volunteer po ako na tulungan sila. By the way po tay eto po si.. Charles, Kurt, Voughn, Kyle and Gian turo ko sa limang lalaki na kasama ko.

"Ah..Ganun ba o sya sige ako ng bahala na magigib ng tubig para sa kanila tapos tatawagin ko nalang kayo kung ayos na. Ang maigi pa eh puntahan nyo muna si Shane sa Lagoon, tiyak matutuwa yon pag nakita ka non." tumango lang ako kay tay Tacio bilang sagot saka sya nagpaalam na mauuna na. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ko sila inaya papunta sa mini lagoon.

Habang naglalakad kami, naririnig kong naguusap usap yung tatlo sa likod maliban kay Voughn at Kurt na tahimik lang na tumitingin sa paligid.Nang malapit na kami sa mismong lagoon ay sya namang ahon ni beshy sa tubig, napahinto tuloy kaming anim sa nilalakaran namin dahil sa view na nakikita namin. Si beshy naman confident na naglalakad wearing a two piece red bikini na sa pagkakatanda ko eh ni regalo ko nung last birthday nya at papunta sya kung saan naka set up yung lamesa. "Waahh..beshy!" Napatili tuloy ako dahil sa nakita ko at patakbo akong pumunta sa kinaroroonan ni beshy.

- - - -
Lady Gabriel Clarinth

Nang mapagod na ko sa kakalangoy ng napagpasyahan ko nang umahon para bumalik na sa loob ng bahay. Pagkakuha ko nang bathrobe sa lamesa, isusuot ko na sana nang isang tili ang narinig ko kaya sa halip na suotin yung Roba hinanap ko muna kung sino yung may gawa ng ingay. "Waahh..beshy ang hot and gorgeous mo naman sa red two piece na bigay ko sayo..i'm proud of myself na talaga" Nagulat ako ng bumungad sakin ang laging panira ng moment ko.. no other than Ayhan Mikhail.
"Tss..Anong naisipan mo at tili ka na naman ng tili ha Ayhan Mikhail? Don't tell me nung nakita mo ko ng naka two piece eh..tinanggap mo na sa sarili mo na baliw ka na nga?" Asar na sermon ko sa baliw kong kaibigan.

"Hehe..beshy naman birthday na birthday mo ang init ng ulo mo.Hindi mo manlang ba ako namiss kase ako namiss kita eh, ayiee na touch ka no?.." mapangasar na tanong ng bruha. "Sigurado kabang gusto mong marinig yung sagot ko?" Tanong ko habang nagsusuot na ng Roba. "Ha? Ah.. Kahit wag na beshy ramdam ko naman yung pagkamiss na miss mo sakin eh..obvious na, kaya no need to answer." Sagot nya na may pilit na ngiti sa labi.

"Ah excuse me girls pwede bang sumingit sa usapan nyo?" Biglang singit ng isang lalaki sa likod ni Ayhan. Pagkatingin ko sa lalaking nagsalita, binigyan ko naman si Ayhan ng "what's the meaning of this look" na nagets naman nya. "Ah oo nga pala beshy mga kasama ko..eto si Charles, si Kurt, si Voughn, si Kyle at eto naman si Gian. Ahm.. nasalubong ko sila sa daan. Nasiraan sila ng sasakyan kaya nagvolunteer ako para tulungan sila. Ahm..Ok lang naman beshy diba? Kailangan lang naman nila ng tubig then ok na." Paliwanag ni Ayhan na ikinainis ko.Malay ba namin kung mapagka katiwalaan yung mga lalaking kasama nya. Hayst.. Minsan tuloy hindi ko alam kung may pagka abnormal talaga si Ayhan o sadyang mabait lang talaga sya.

 Revenge of the Innocent HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon