Continuation :)
"Do you mind if i joined you here?" Napaangat naman ako ng ulo ng may magsalita sa harapan ko, yung isa pala sa mga lalaking bitbit ni Ayhan Mikhail na sa pagkakatanda ko Kyle ang pangalan. Hindi ko alam sa sarili ko pero hinayaan ko lang sya na tabihan ako sa pagkakaupo dito sa damuhan. Matagal na katahimikan ang namagitan samin bago sya nagsalita.
"I know na hindi ka pabor sa pagtulong samin ng kaibigan mo, but i assure you mapagkakatiwalaan kami." Hindi ko sya pinagtuunan ng pansin sa sinabi nya at pinikit ko yung mga mata ko dahil may bigla na naman akong taong naalala sa kanya. The way he talk, kung pa ano nya dalhin yung sarili nya at yung facial expressions nya na napansin ko kanina ng isa isahin ko sila tingnang lima, i'm sure kahawig na kahawig nya talaga si Shawn.
"I'm sorry to say this.. Pero sa panahon ngayon mas dapat nang maging maingat sa pagpili kung sino lang ang dapat mong pagkatiwalaan at sa hindi dapat. But what can i do? You and your friends are already inside of my property." Seryosong sagot ko ng makalma ko na ulit yung sarili ko.
"I'm sorry Ms.Miyasaki kung nakaistorbo kami dito. Don't worry paalis nadin kami. Sige aayain ko na din sila sa loob para makaalis na. By the way thanks for the help! Happy Birthday again." Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang makalayo na sya sa kinauupuan ko.Hindi ko na namalayan ang biglaang pagbuhos ng napaka lakas na ulan kaya dali dali nakong tumakbo papasok sa loob.
"Hala Shane basang basa kana! Bakit naman kasi lumabas ka pa? hindi mo ba napansin na kanina pa madilim yung langit.Baka mabinat ka nyan sa pinag gagawa mo eh!." Nagulat naman ako ng salubungin ako ni Ayhan na may dala dala nang tuwalya pagkapasok ko palang sa main door. Pagtingin ko sa sala nandon nadin pala yung limang lalaki na mga nakaupo na sa sofa.
"Five months ago na simula nang maospital ako remember Ayhan Mikhail? so pano naman ako mabibinat sa lagay kong to?" Masungit kong sagot sa ka OA han niya kaya napasimangot naman siya dahil alam niyang tama ako at mali sya.
"Sorry naman beshy kala ko kasi 2 months ago lang yun eh! Maganda lang naman ako eh pero i'm not perfect okay." Sahalip na pakinggan ko yung walang kwenta nyang pinagsasabi nilagpasan ko nalang sya at papanhik na sana ako ng hagdan ng sumigaw na naman sya na ikinatigil ko.
"Beshy! Wait! May sasabihin pa pala ko sayo.." nagmamadali naman syang lumapit sakin nang huminto nako.
"What? Dalian mo dahil magpapalit pako nang damit. Look basang basa ako." pansin ko sa expression ng mukha nya na nagdadalawang isip sya sa sasabihin nya sakin kaya nagcross arms nako para malaman nyang naiinip nako.
"Ah..eh.. Beshy diba sobrang lakas ng ulan sa labas? May kasama pang kulog at kidlat?" Sumeryoso naman ako ng tingin sa kanya dahil mukhang alam ko na ang gusto nyang iparating. Tumingin naman ako sa limang lalaki na nakikinig na pala sa usapan naming dalawa dahil dalawang metro lang naman agwat nila sa kinatatayuan namin. "Straight to the point! So ano naman kung umuulan?" Seryosong tanong ko padin kahit alam ko na ang sasabihin nya.
"Ahmm.. kasi Beshy Sabi ni tay Tacio malabo na daw silang makadaan sa may tulay kapag ganitong malakas ang ulan, tumataas na daw yung tubig don kaya kung papayag ka pwede ba muna sila mag stay dito?" Nagaalangan nyang paliwanag sakin dahil alam nya na malabong pumayag ako. Hindi ko na sinagot ang magaling na si Ayhan dahil baka masermonan ko na sya sa harap ng mga lalaking sinama nya dito. Nilagpasan ko nalang sya at dumiretso na muna ko sa kitchen dahil alam kong nagliligpit na don si Manang Lourdes.
"Oh Shane basang basa ka! Bakit di ka muna magpalit baka magkasakit ka nyan." Bungad sakin ni Manang nang madatnan ko sya sa kitchen na nagliligpit na nang mga tirang niluto ko.
"Aakyat nadin po ako Manang! Sasabihin ko lang sana na kayo nang bahala na magturo sa mga bisita ni Ayhan ng mga gagamitin nilang kwarto dito sa baba dahil malabong makaalis sila ngayon dahil sa malakas na ulan.Yun lang po! Kung may problema po nasa kwarto lang ako." Kahit nagdadalawang isip ako na patuluyin dito ang mga yon anong magagawa ko sobrang lakas nang ulan sa labas. Konsensya ko naman kung madidisgrasya sila sa daan kapag hindi ako pumayag na dumito muna sila.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Innocent Heart
AcciónLady Gabriel Clarinth Nakamura Hansons is the long lost daughter of Peter Hansons and Loren Nakamura the Master and Lady of Red Dragon Organization. Leonardo Miyasaki is the bestfriend of Peter Hansons, He is the one who kidnapped Clarinth because...