About Clarinth Academy

37 2 0
                                    

Napangiti nalang ako sa mga naiisip ko.. Kung sana lang kaya ko pang ibalik ang buhay ni Shawn, Gagawin ko pero napaka impossibleng mangyari ng iniisip ko..
Ang alam ko lang na magagawa ko ay ang bigyan ng hustisya ang nangyari sa amin, Sa akin..

"Shane! Hija.. nasa ibaba si Ken hinahanap ka! Importante yata ang sadya.." Nahinto ako sa pagtitig sa salamin ng marinig ko ang sigaw ni Nana sa labas ng kwarto ko.. Hay! yung mokong na yon ano kayang ginagawa nun dito... "Yes ! Nana susunod nako sa baba"

Minadali ko na ang pagaayos dahil baka kung ano pang gawing kalokohan ni ken sa baba mahirap na may saltik pa naman ang isang yon.. pagbaba ko wala sa sala si Ken, wala rin sa pool area nasan nayun? Dumiretso nalang ako sa Dinning area, Hindi pako nakakalapit pero naririnig ko na ang usapan sa loob ng dinning area.

"Talaga po Nana Esther kamusta naman po sila alagaan makukulit naba sila? Sinong kamukha nila? Nakakainis kasi si Dad pinadala pako sa Japan nawalan na tuloy ako ng balita dito" so siya na pala yung naririnig kong nagiingay. Hindi muna ko pumasok agad at pinakinggan ko muna sila ni Nana sa usapan nila..
"Ano kaba hijo! Makikita mo rin sila ikaw na ang bahala na humusga kung sino ang kamukha ng dalawa.."natutuwang sagot ni Nana kay Ken..

"Maiba tayo hijo, si Shane kase simula nang mangyari yung Insidente sa Pangasinan, hindi na sya bumalik sa dating Shane na kilala ko..Madalas nasa kwarto lang sya nagkukulong, Minsan naman makikita ko magisa malalim ang iniisip. Pagkaharap nya kami ng Daddy nya pinapakita nyang ok sya kahit ang totoo hindi.. Pagtinititigan ko ang mga mata nya may lungkot at galit akong nakikita at ramdam ko, Hindi lang pagkamatay ni Shawn ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan.. may sinabi ba sayo si Shane sa totoong nangyari sa kanila ni Shawn sa Pangasinan?" Nagulat man ako sa naging usapan ng dalawa pero hinayaan ko na. Hindi na nakasagot si Ken sa tanong ni Nana dahil pumasok ako sa dinning area ng hindi ko pinahalata na pinakinggan ko ang naging usapan nila..

"What's brought you here Ken? Ang alam ko nasa Japan kapa?" Pambasag ko sa usapan nila at saka ako umupo at nagsandok ng pagkain sa lamesa na nakahanda.. Si Nana biglang nagpaalam na may gagawin pa sya sa labas kaya nauna nang umalis sa dinning kami nalang ni Ken ang naiwan. Nag ayos pa muna si Ken ng upo bago ako sinagot "Why? is it bad visiting my Gorgeous and still! Sexy cousin and her chiiiill.." "Wala akong sinabing masamang bumisita ka at tigilan mo yang pangbobola mo sakin hindi effective tss..mokong ka talaga!" pagputol ko sa sasabihin nya "Look cous! kakadating ko lang galing Japan tapos ganyan lang ang isasalubong mo sakin? Bully! Tsk Wala man lang bang Hug and sweet words dyan! grabe ka talaga sa pinsan mo" Pag dadrama nya sakin na hindi ko pinansin..

"By the way ! How's your training in Japan? Baka naman puro kalokohan lang ang pinaggagawa mo don, Im sure puro sakit ng ulo ang dala mong balita kay Tito?" Pagiiba ko ng usapan "About sa training okay naman sineryoso ko kaya yun cous! Maraming chicks dun kaya alam mo na.. after training hindi nakakabored" nakangising sagot ni Ken, Inirapan ko nga sya sa pinagsasabi nya nawalan tuloy ako ng gana sa pagkain ko "tsk! pervert as always" mahinang komento ko at saka tumayo na para umalis sa dinning area..
"Hey I heard it! Hindi ko kasalanan kung hindi ako kayang iresist ng mga babae Shane.." pagmamayabang ng magaling kong pinsan

"Tss..Whatever Kenneth Evangelista. Kung nandito ka lang para manira ng araw ko! please enough! Dahil matagal ng sira ang bawat araw ko.. kung hindi mo lang alam" kunyare inis kong sabi dito
"Ofcourse not Shane! I'm here to visit you and your.. you know? i really wanted to see them simula ng mabalitaan ko" alanganing sagot ni Ken

"Okay okay nasa taas sila katabi ng kwarto ko. Nandun si ate Mila at Dory kumatok ka nalang, susunod ako right away after kong kausapin si Mister Shin.."
Hay! Talo talaga ako sa kakulitan ng isang to eh.. "Wait Shane si Mister Shin anong ginagawa nya dito at anong paguusapan nyo? ang alam ko nasa Manila sya ah na kay Tito Leo sya?" Panguusisa ni Ken
"May Importante lang akong itatanong kaya tinawagan ko sya na pumunta dito,
is there a problem with that?" Masungit kong sagot at inunahan ko na sya sa paglalakad at dumiretso nako sa library..

Ilang minuto lang ang hinintay ko sa library at dumating nadin si Mister Shin
"Kung ganun na ayos mo na ang lahat sa papasukan ko? Ano nga ulit ang pangalan ng paaralang pagmamay ari ng mga Hansons Mister Shin?" Tanong ko. kasalukuyan kaming naguusap sa loob ng library tungkol sa planong gagawin namin.. ito ang unang hakbang para makahanap kami ng lead na makakapagturo sakin sa taong nasa likod ng lahat.

"Clarinth Academy po Young Lady! Ipinangalan po ng mag asawang Hansons ang paaralang yun sa kanilang nawawalang anak na Si Clarinth..ayon po sa napagalaman ko, simula ng mawala si Clarinth sa mga Hansons, sa itinayong paaralan na ibinigay ni Lady Loren ang kaniyang atensyon para malibang habang wala pa silang nakukuhang impormasyon kung nasan napunta ang kanilang anak " mahabang paliwanag ni Mister Shin..
"Cla..Clarinth Academy? Name Sounds familiar.." nagiisip ako kung saan ko ba narinig ang pangalang Clarinth.. pero hindi ko na maalala kung saan ko narinig yung pangalang yun.. "Yung.. yung Clarinth Mister Shin pano sya nawala sa mga Hansons ?" Bigla akong na curious sa pagkawala ng anak ng mga Hansons
"Kinidnapped po ang bata Young Lady hanggang ngayon hindi pa po alam ng mga Hansons kung sino ang nasa likod ng pagkuha sa anak nila" i'm sure maraming may Inggit at gustong kalabanin ang mga Hansons kaya hindi na nakapagtataka ang nangyari sa kanila sa isip isip ko..

"kung ganun okay na pala ang lahat, tatawagan nalang kita ulit Mister Shin kung may iba pa akong itatanong. For now you may go, Thank you for the impormasyon.

Short update :)

 Revenge of the Innocent HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon