Continuation...
Pagbaba ko sa sala walang katao tao at tahimik din ang paligid.Siguro nag alisan na yung bisita ni Ayhan pati nadin sya ng hindi na nagpaalam. Sumulyap naman ako sa bintana malapit sa sala na tumatagos ang sinag ng araw.Napagpasyahan ko nalang na dumiretso sa kitchen dahil baka sakaling nandon na si Manang Lourdes.
"Manang!" tawag ko ng mabungaran ko sya na nagluluto.Mababakas sa mukha nya ang pagaalala ng makita nya ko.
"Oh! Hija! Bakit ka bumaba? Mas mabuting nagpapahinga kapa sa kwarto mo sa ngayon para mas umayos na ang pakiramdam mo." Napailing naman ako.
"No Manang! Ok napo ako. Wag ka nang magalala. By the way umalis napo ba sila Ayhan?" Tanong ko ng sa niluluto nyang sinangag ang tingin ko.Mukhang masarap.
"Ganun na nga Shane.Yung mga bisita nya maaga din umalis at hindi kana inistorbo pa para mas makapag pahinga kapa.Pero pinapasabi nilang maraming salamat daw sa pagpayag mo na dumito sila.Si Ayhan naman tinawagan ng Daddy nya kanina at pinapauwe dahil may biglaang party daw na kailangan puntahan mamayang gabi. Hindi kana din inistorbo dahil nga nagpa pahinga kapa." Mahabang litanya ni Manang na tinanguan ko nalang.
"Maupo kana muna sa Dinning hija! Ihahanda ko nadin tong mga niluto ko." Dagdag pa nya kaya dumiretso nadin ako sa dinning room para maghintay.
"Oh! heto na hija! Kumain ka nang madami alam kong gutom kana.Kinuha ko kase kanina sa kwarto mo yung dinalang pagkain ni Ayhan sayo kagabi.Hindi mo manlang nagalaw kaya kumain ka ngayon ng madami para makabawi ka ng lakas."
Nakangiting sabi ni Manang habang hinahanda sa lamesa yung mga niluto nya.I'm really glad na dumating sa buhay ko sila Manang at Tay tacio.Dahil para ko nadin silang naging pangalawang magulang.
"Sya nga pala! Gatas ang tinimpla ko sayo ngayon Shane gaya ng sabi ni Doktora sakin kagabi." Tinanguan ko lang sya at nagsandok nadin ako ng pagkain dahil tama si Manang gutom na nga ako.
"Hindi ko alam na may sakit ka pala sa puso hija.." napatigil ako sa pagsubo ng muling magsalita si Manang Lourdes.
"Ah.. opo Manang. Nang ipinanganak po ako ni Mommy meron napo akong Congenital Heart Disease.Sa ganitong sakit din po namatay si Mommy ng hindi po kinaya ng puso nya ang panganganak sakin." Pagkikwento ko at itinuloy ko na ang pagkain ko.
"Pero Manang.. Sana tayo nalang po muna yung nakakaalam ng sakit ko.
Ayaw ko na po na may iba pang makakaalam." Dagdag ko pa na tinanguan nya lang."Wag kang magalala wala akong pagsasabihang iba." Paninigurado nya.
"Salamat po Manang."
- - - - -
One Month Later...
Charles Lynton Gonzales
"So.. What's the plan? It's been a long week guy's! wala ba kayong planong magbar? Kakatapos lang ng first week of school. Aren't you bored?" nakakunot kong tanong sa kanila.
Kahit first week palang talaga ng school days, So tiring day na sa Clarinth Academy, unliked other University's na introduced yourself palang ang ginagawa kapag first week. I really hope na sumangayon tong mga ugok nato sa suggestion ko. After ng class kasi namin kanina dumiretso na agad kaming lima sa Unit ni Gian na malapit lang din sa Clarinth Academy na pagma may-ari nila.
"I agree! Count me in Bro!" Nakangising sagot ni Gian kaya nag high five kaming dalawa.
"Saan nyo balak?" Tanong naman ni kyle.
"Ofcourse Vanity Club!" Nakangising sagot ko.
"Sige susunod ako don! How about you Voughn?" Napatingin naman kaming lahat kay Voughn na tahimik sa tabi ni Kurt.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Innocent Heart
БоевикLady Gabriel Clarinth Nakamura Hansons is the long lost daughter of Peter Hansons and Loren Nakamura the Master and Lady of Red Dragon Organization. Leonardo Miyasaki is the bestfriend of Peter Hansons, He is the one who kidnapped Clarinth because...