Chapter 1 - When Bea saw Angelo

531 13 0
                                    

             Sinasabayan ni Bea ang kanyang Ate Yassi sa paglakad. Parang ang bilis lang ng mga hakbang na ginagawa nila. Kinakabahan na si Bea sa magiging kahihinatnan niya sa bagong school na papasukan niya. Magkahiwalay kasing pinag-aral silang dalawang magkakapatid, ang ate niya ay sa Trinitas College lang nakapagtapos ng pag-aaral samantalang sa La Salle unang nagsimula si Bea sa kanyang pag-aaral sa high school. Ni hindi siya makapaniwala na ang bagsak niya ay sa probinsya nila, sa Bulacan at ang bagong mapapasukan niyang paaralan ay kung saan nakapagtapos ang ate niya ng pag-aaral.

            “Bilisan na natin,” ang bigkas ni Yassi sa kapatid habang ipinagpatuloy pa nila ang kanilang paglalakad. “Baka malate ka na sa bagong school mo.”

            Binilisan na nila ang kanilang paglakad paakyat sa 3rd floor kung saan nandodoon ang bagong room ni Bea. Pero pumunta muna sila sa faculty room ng ate niya. Pagpasok nila sa faculty room ay may hinahanap ang Ate niya.

            “Beshie,” ang sigaw ng ate niya at tumambad na ang babaeng nakapang-formal na uniform ng mga teacher sa kanila.

            “O, Beshie,” ang sagot naman nito. Napatingin ang babae kay Bea mula ulo hanggang paa. “Ito na yung kapatid mo na papasok dito ngayon?”

            “Oo,” ang sagot naman ni Yassi. “Bea, siya si Ms. Kylie Perez, naging classmate ko siya dati dito mapahigh school hanggang kolehiyo tapos siya ang magiging adviser mo.”

            “Good morning, Ms. Perez.” ang bati ni Bea sa kanyang bagong magiging adviser.

            “Good morning din sayo, Bea” ang pangiti namang sagot ni Kylie.

            “Oh! Ano, beshie, ikaw na ang bahala dito sa kapatid ko, ah!” ang bilin ni Yassi kay Kylie. “Aalis na ako, magtuturo pa ako sa St. Mary’s, baka malate na ako.”

            “O sige,” ang sagot ni Kylie. “Ako na ang bahala sa kapatid mo, magiging okay siya dito. O siya, lumakad ka na at baka malate ka pa sa papasukan mo.”

            “O sige, salamat sayo, Beshie. Maaasahan lang talaga kita. O Bea, aalis na ako.”

            “Ate…” at hinawakan ni Bea ang kamay ng ate niya para hindi muna makaalis.

            “Bakit?”

            “Ate, natatakot ako. Doon nyo na lang ako paaralin ulit sa La Salle.”

            “Bea, nandidito ang mommy, ayoko na isa sa atin ay malayo sa kanya. Kailangan tayo ng mommy. Kaya konting sakripisyo lang, makakapag-adjust ka rin dito.”

            Hindi makasagot si Bea. Napayuko na lang ito.

            “Bea, pasensiya na kung ginawa ko ito, kaso kailangan eh! Para hindi ka na mapalayo kay mommy, lalo na kailangan natin siyang damayan ngayon sa sakit niya.”

            “Opo, ate. Naiintindihan ko naman yun, eh!”

            “Yun na lang ang panghugutan mo ng lakas ng loob para hindi ka kabahan, ha!”

            “Opo, ate.”

            “Aalis na ako,” niyakap niya si Bea. “Beshie, ikaw na ang bahala ha!”

            “Oo, beshie, ako na ang bahala sa kanya.” ang sagot ni Kylie at umalis na si Yassi. Sa mga sandaling iyon, parang hindi na maintindihan ni Bea ang nararamdaman niya, kinakabahan siya na gusto na niyang maiyak. Parang gusto niyang magalit sa ate niya dahil sa ginawa niya. Masaya siya sa La Salle, pero bakit siya nandidito?

No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon