Shian's POV
"Meron ka ngayon?"
Nagulat ako sa tanong nya..
"Meron"
"May.. Tagos ka.."
Mukha mo may tagos..
"Weh?"
"Meron nga.."
Sabi nya habang kinakabit nya yung jacket nya sakin..
"Di nga?" Nilakihan ko pa ang mata ko para malaman nyang kung niloloko man nya ako, eh patay sya sakin.
"Oo.." Mahina at seryosong bulong nya.
"Sh*t.. uwi na tayo.." Sabay hila ko sa laylayan ng T-shirt nya.
Ngayon pa talaga ako nagkaroon! Bwisit na red days. Kasama ko pa si Marcus.
"Wait.. Ganto, hahanapan kita ng shorts.. Tapos, bibilhan kita ng.. Ano ba yun? yung pag may ano.." Nahihiyang sabi nya sakin. He blushed.
"Napkin.." I awkwardly answered him. Ganda ng topic namin noh?
"Tissue?" Nagmamagaling na sabi nya. Aba. Ang kulit ah.
"NAPKIN NGA! " napasigaw na ako. Nagtinginan ang mga tao samin. Inirapan ko naman sila. Normal lang naman to noh! Makatingin naman kayo!
"Ok.."
Marcus' POV
Kung hindi ko lang talaga mahal tong babaeng to.. Hindi ako bibili ng napkin nya..
Naghahanap ako ng shorts na kasya sakanya...
Habang namimili ako..
Eto ba? mali.. Ang iksi nyan.. Eto nalang.. Hindi tokong na to..
Eto nalang nga! Hindi mahaba, hindi rin maiksi..
Tapos, eto na.. Bibili na ako ng napkin..
Pagkuha ko, lahat sila nagtinginan sakin..
"Ang sweet nung guy.. BInilhan talaga ng napkin yung girlfriend nya.."
"Sana ako nalang ang gf nya..
"Kuya, meron din ako ngayon"
Narinig kong sabi ng mga tao sa paligid ko..
Bahala na nga..
Nasa counter na ako..
Miss: Sir, Para saan po itong napkin?
Marcus: Para sa friend ko.. Meron kasi siya eh..
Miss: Ahhh. Ang lucky naman nya,,
Bumalik na ako..
"Psst.. Shishi, magpalit ka na.. Bilis.."
Pag katapos nyang magpalit..
"Thank you. Di ko alam gagawin ko kung wala ka." She sighed.
"No problem. It's you naman eh."
"I love you too." She winked at me.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito?
May sakit nga ata ako sa puso.
BINABASA MO ANG
My Best Friend Is A Play Girl
Teen FictionHer name is Kathnees Shian. A play girl. A heartbreaker. And she's my best friend.