CHAPTER 1: Si Kalabaw at Si Titanic

226 9 6
                                    

"O anak okay ka na ba dito? Kaya mo na ba talaga mag isa? Kawawa naman ang anak ko malalayo na sa mama nya" :( - sabi ni mama sakin nang hinatid nila ako ni papa sa apartment na titirhan ko habang nandito ako sa manila. 

Dito kasi ako magaaral ng college sa ICU or Immaculate Conception University. I will be taking up Electronics and Communications Engineering. Sa totoo lang kinakabahan ako sa unang araw ng klase bukas, kasi naman unang una wala akong kakilala kahit isa sa school, ikalawa ngayon lang ako malalayo sa pamilya ko sa Bulacan. Pero dapat kong labanan ang kaba ko dahil malamang hindi lang naman ako ang first time dito.. For sure madami din namang mga galing sa probinsya rito. 

Ai! Napapahaba na pinagsasasabi ko ako nga pala si Joscelle Mendez, 16 y/o babae ako pero napagkakamalang tomboy dahil sa kilos at pananamit ko, cge na nga pati na sa ichura. Maikli kasi ang buhok ko kasi tinatamad ako lagi magsuklay kaya hindi pinapahabaan ni mama yung buhok ko.

Probinsyana ako specifically from Bulacan. Dun ako lumaki (ehem lumaki nga ba?) O cge na dun ako nagkaisip nag elementary at nagtapos ng highschool, sad to say sa manila nga ako pagaaralin ng mga magulang ko dahil maganda daw ang quality ng education doon. Kaya sumunod nalang ako para sa akin din naman to. 

At eto na nga nakatira ako sa isang apartment dalawang sakay mula sa school namin. Sa third floor yung pinili kong unit para malapit sa rooftop sa taas para may over looking scene mga ilaw ng matataas na building sa gabi. Marami pang unit na bakante rito kasi ayaw daw ng mga occupants na masyado mataas kasi nakakapagod daw. Hmm sakin ok lang yun para may katahimikan ako kahit papano. Saka puro estudyante rin ang nakatira rito. May isang unit sa tapat ko bakante pa rin yun. Pero dun sa dalawang unit sa other side may nakatira na yata. 

"Okay na to para tahimik" sabi ko sa sarili ko. Lumibot ako sa labas pagtingin ko sa opposite na kwarto. "May ilaw, baka may titira na?" 

"Ah okay na po ba sa inyo ito sir?" .... Di ko madinig ung sagot. "Kailan na po kayo lilipat sir?" ..... Di ko ulit nadinig yung sagot. Hay dapat na yata ako maglinis ng tenga. Lumabas ako at umakyat sa rooftop. "Wow may lugar pa pala sa manila na mahangin at tahimik.. Hmmm..." Feel ko ang hangin eh bakit ba.. "Oo nAman.." Biglang may sumagot. "Ay kalabaw ka!" Gulat na sabi ko. "Tao ako!" Sagot ng kalabaw este ng tao pala. Nakaupo sya sa may balostre (ung harang sa mga veranda basta un na un) opposite sa pwesto ko sa madilim na part, pag akyat lng kasi ng hadgan ung may ilaw "Sino ka? Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ba halata, may papikit pikit ka pa dyan, anung feeling mo nasa Titanic ka?" Masungit nyang sagot na may ngiting mapang asar. "Hmph, bahala ka jan sa buhay mo!" Galit kong sabi. "Hay ansarap na ng moment ko eh!" Bulong ko habang padabog na bumababa ng hagdan. 

Pagkabalik ko sa kwarto/bahay ko eh nagdive na ko sa kama ko para magpahinga, nilibot ko lang muna kasi ung apartment para makita ko yung kabuuan. Ayun maganda naman at mukang safe. Naiinis pa din ako dun sa lalaking nasa rooftop ansaya ng moment ko tapos biglang eepal. 

Teka kesa un ang isipin ko kylangn ko pala matulog agad para di ako malate bukas. Okay breathe in.. Breathe out.. Good night ..

*tulog*

AN: sorry po trial ko lang po ito :) salamat kung may makakaappreciate :) sorry din sa mga typo phone lang po kasi ang gamit ko nyan :) at super short pa lang po ito kasi nga po trial lang :))

When I Met You..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon