*krrriiiinnnnggg...* Pinatay ko na yung alarm clock ko, *hikab hikab* *kurap kurap* "aahhhh..!" Nagstretch muna ko, tapos tingin sa oras, 5:30 am na makabangon na nga.
Inuna ko munang magluto ng almusal ko, nag prito lang ako ng hotdog at ska itlog saka tinapay at hot choco. Binuksan ko muna yung tv para sa morning news, habang nagaalsmusal. Hmm wala namang ibang bagong balita, makaligo na nga. "*burp* ah busog" sabay lagay ng pinagkainan ko sa lababo, mamaya ko nlng huhugasan pagdating ko sa tanghali.
Naligo na ko at saka nagbihis, naka civilian pa dn kami dahil nxt nxt week pa daw dadating ang uniform ng mga freshman. Ginulo ko nlng ng onti yung buhok ko, tumingin sa salamin, chineck kung nakuha ko na yung susi ng bahay at saka umalis na. Sakto naman pagharap ko pagkasara ko ng pinto yung lalaking nasa rooftop ang bumungad sa akin. Natigilan ako sandali at napatingin sa kanya ska tumingin sa relo ko. 6:10 plng. Sinungitan ko sya ng tingin at saka mabilis na naglakad pababa hanggang makalabas ng apartment. Di ko alam kung sumunod na ba sya sakin basta ako ayoko sya makasabay at ayaoko masira ang magandang araw na ito. Pumara na ako ng jeep ng may nakita na ako, tatlo palang sakay, pwede na to.
Pagsakay ko, dun ako naupo sa dulo ng jeep, hayss bat ayaw pang lumakad ni manong sinilip ko kung may sasakay pa, sa kasamaang palad yung lalaking nasa rooftop yung inaantay ni manong. Nagkatinginan kami nagulat ako nang bigla nya akong nginitian nang nakakalokong ngiti, sinagot ko sya ng isang matalim na pag irap at saka sya sumakay ng jeep at pumwesto sa tapat ko.
Hindi ko sya pinapansin hanggang sa makababa na kami ng jeep. Sakto naman na may nagiintay na trike agad sa kanto, sumakay na ako sa loob at nagulat ako nag biglang may sumunod sa akin sa loob, "pasabay lang para tipid." Sagot nang lalaking nasa rooftop sa akin. "Hmph" tanging nasagot ko, wala naman aq magagawa, isa lang naman ang pupuntahan nmin at tama sya para makatipid naman ako.
Pagdating namin sa skul magtatanong sana ako kay koyang guard kung san yung room namin nung araw na yun per nagulat ako nang biglang may humila sa akin. "Anu ba bitawan mo nga ako.. Hoy lalaking nasa rooftop.. Bitawan mo ako magtatanong pa ako kay koyang guard." Pagalit kong sabi habang hila hila ako. Ayaw pa din akong bitawan neto, san ba ko dadalhin neto, umakyat kami sa hagdan deretso sa 2nd flr. Huminto kami sa isang room nun na nya ako binitawan at pumasok sya sa loob. Sinilip ko yung room number sa taas at yung nakasulat sa regi.form ko. "Eto nga yun, alam na pala nya di naman sinabi sa akin tch!". Pumasok na din ako at tinawag ako ni Yen na nasa harapan ulit sa backdoor kasi kami pumasok. Tumabi na ako sa kanya saka hinanap yung lalaking nasa rooftop, nakita ko sya sa pinaka likod sa dulong upuan sa corner. Tiningnan ko sya pero nakapikit naman sya at may nakapasak na earphones sa tenga. Hmm ok. Saka ko ult nilingon si Yen. "Anu nga ult ung sinasabi mo?" Tanung ko sa kanya. "Ah itatanung ko lang kung sinu yung lalaking tiningnan mo. Yung classmate natin ung nasa sulok?" Mahaba nyang tanung. "Ah di ko din kilala eh, intayin mo nlng ung teacher natin for sure ipapakilala tayong lahat" sagot ko. Talaga naman di ko talaga sya kilala. Di ko naman tinatanong kasi wala naman akong pake.
"Morning sir" sabi ng lahat, di ako nakasalita napatingin kasi ako kay sir. Di ko alam kung pogi ba o maganda. Ahahaha pogay ata tong si sir eh sobrang puti.
"Okay class, do you know each other na?" Tanong ni sir. "No sir" sagot ng mga classmates ko. "So all of you magpapakilala kayong lahat, tell your name and your expectation sa klase natin". Utos ni sir "Sabi ko sau eh" sabay kindat kay Yen.
Ui after ni Yen ako na "I'm Arien Illescas, ineexpexct ko po na marami akong matututunan mula sa inyo sir thank you" sabi nya sabay upo. Ehem ok ako na "Josh Mendez, ineexpect ko po na matututo ako sa klaseng to" nahihiya kong sabi sabay upo. Sht sa lahat ayaw ko nagpapakilala eh, nakakahiya wala ako masabe eh. Antagal naman "and last one mister what's your name stand up please" utos ni sir. Sa wakas last na, paglingon ko yung lalaking nsa rooftop nakatayo. "Kris Li, and I don't expect anything." Pagpapakilala nya sabay upo. *kruu kruu kruu* isang mahabang silence.
"Thank you mr. Li, nxt meeting prepare... Blah blah blah.." Sabi ni sir. "Bye sir" sabi naming lahat syempre nakisabay na ako excited nq para sa next class eh. Kasama ko si Yen na pumunta sa next class namin. 4th flr rom 404. Tambay muna kami sa corridor habang naghihintay sa prof namin.
"Kris Li, nice name" sabi ni Arien. "Sinu naman yon?" Sagot ko. "Yung tinatanong ko sayo kanina," sabi ni Yen. "Ah yung lalaking nasa rooftop!" Sabi ko sabay lingon sa akin ni Yen. "Ha?" Pagtataka nya. "Ah wala wala, sabi ko may rooftop samin" teka bakt di ko sinabi, hmp ok lang yun baka isipin pa ni Yen na magkakilala kame eh hindi naman. Nang biglang may pumasok na sa room namin. Pumasok narin kami ni Yen, as usual sa harap kami ult naupo.
"Class sign here this will be your attendance, we won't have classes dahil may general assembly ang lahat ng teachers. So yung next class nyo ay cancelled na dn" pagpapaliwanag ni sir "You" sabay turo sa akin. "Bring that to me sa faculty room sa admin building" sabay alis ni sir. Tiningnan ko si Yen with those puppy eyes "Sorry Celle ah. May lakad dw kami ni mama eh." Waahh magpapasama sana ko kasi di ko alam yun, di ko pa naman kasi nalilibot ang skul eh. Panu na, at worst iintayin ko pa yung pinakahuling pipirma.
Nagiintay lang ako dito sa harap sa teacher's table para iaabot nlng sakin ung papel pag nakapirma na lahat. "Oh miss titanic" inabot nya sakin yung papel sya pala yung huling pumirma. "Ah sige akin na." Sabay tayo saka lumabas ng pinto, lumingon ako ult sa kanya. "Anung miss titanic di month ba nAdinig pangalan ko kanina?" Sabi ko sa kanya. "Alam ko, eh sa gusto kong iyon ang itawag sayo eh!" Aba at sumasagot pa sya ah.. Lalabas na sana sya nang bigla ko syang hinawakan sa dulo ng tshirt nya. "Oh bakit?" Tanong nya. "Alam mo ba yung admin building? Ikaw naman magpasa oh sige na.?!" Sabi ko sa kanya with matching puppy eyes pa. "Sige" sabi nya. "Yes salamat mauna na ko ah." Inabot ko sa kanya yung papel pero.. "Ah aray naman kailangan kaladkarin pa ko?" Reklamo ko. "Ikaw nalang ang sinasamahan galit ka pa? Ikaw ang inutusan kaya ikaw ang magbigay nyan." Pagalit nya sa akin habang hawak ako sa handle ng bag ko na para bang may buhat syang pusa na hawak sa batok.
"Excuse po.. Si sir Santiago po?" Tanong ko sa isang student yta yun kasi naka uniform eh, higher year siguro, sya lang kasi ang tao sa faculty room. "Ah ikaw ung magbibigay ng attendance? Pakipatong nalang dito sa table nya. Nagstart na kasi ung meeting nla eh." Mabait na sagot nya. Inilapag ko yon sa table nya at nilagyan ng paper weight, saka derederechong lumabas para makauwe. "Ehemm".. "Ay kalabaw!" Gulat kong sabi, malay ko ba kasing anjan pa yan malay ko ba kung nakauwe na sya. "Bat andito ka?" Tanong ko. "Tara na nga." Hinila nanaman nya ako. Yung totoo hindi naman ako kaladkaring babae pero bakit lagi ako netong hinihila. "San tayo pupunta?" Tanong ko habang pinipilit tumakas sa pagkakahawak nya. "Magto-tour tayo!." "Eh?!?" Tanging nasagot ko.
AN: comments.. suggestions.. violent reactions? negative reactions ok lang po .. comment lang :)
BINABASA MO ANG
When I Met You..
Humorpara sa naniniwala sa the more you hate, the more you love at sa destiny para narin sa mga hopeless romantics i guess..