"Good morning world.." Mejo malakas na sabi ko. Habang nagiinat inat pa. Tingin sa orasan ko sa side table.. "Sh*t 6:30 na" 7:00 pa naman klase ko. Napabalikwas ako at nagmamadaling pumunta sa cr para maligo.
"Sh*t sh*t sh*t.." Tingin ulit sa clock, "Fcuk quarter na, bakit ba kasi di ako nagising sa alarm ko eh, kasalanan to nung lalaki sa rooftop eh.. Kungdi dahil sa kanya makakatulog ako ng good mood eh. Badtrip oh first day pa naman".. Nagbihis na ko at ngsapatos mejo ginulo gulo ko nlang ng kamay ko yung buhok ko wala na kong oras para ayusin pa at magsuklay. Tinakbo ko yung hadgan mula 3rd flr hanggang 1st flr. Syet lang nakakapagod parang di ako naligo, pawisan agad. Paglabas ko ay pumara naman ako agad ng jeep at sumakay. Mabuti naman at mabilis si manong mgdrive. Baba ako sa may lying in then trike naman. Buti naman at may napara ako agad. "Kuya ICU po pakibilisan." Good thing at may shortcut pala dito ang mga trike pra hindi makadaan sa traffic. "Eto po manong, salamat po!" Sabi sabay ngsmile sa kanya. Thanks God kasi ambilis ko nakarating dito. Time check 7:05 "argh fcuk.. Manong guard san po itong room nato?" Tanong ko kay koyang guard di ko naman kc kabisado tong lugar na to. "Nakita mo yang building na yan akyat ka jan 3rd floor sa may tabi ng cr sa kaliwa" mabilis na sagot ni manong. "Ah sige po manong salamat po!" Paalam ko sabay kumaripas ako ng takbo pati hagdan tinakbo ko.
Pagpasok ko sa pinto humihingal hingal pa ako at nakahawak sa tuhod ko sa pagod. Biglang natahimik ang mga tao at nagtinginan sakin. Syet start na yata ng klase "I'm sorry po sir I'm late.." Sigaw ko, sabay nagtawanan silang lahat.. Ha?! Bakit sila nagtawanan? May di ba ako alam? "Ah kuya hindi pa nagkaklase, yang nasa harap klasmeyt natin yan." Sabi sakin nung babaeng nasa tabi ng pinto. "Huh?" Sabi ko sa sarili ko sabay tingin sa lalakeng nakaupo sa harap at ngayon ko lang napansin naka earphones pa. "Ah gnun ba salamat ate, ah babae po ako hndi kuya" mejo nahihiya kong sabi kay ateng. "Ah gnun ba pcensya na, ahm Arien nga pala, gusto mo dito ka na umupo?" Mabait nyang sagot sakin kaya naman nakiupo na ko kesa pumunta pa ko sa likod baka pagtawanan pa ako ng mga klasmeyt ko don.
Binalingan ko ng tingin yung napagkamalan kong teacher, teka parang nakita ko na to ah.. Teka san nga ba?? Sa panaginip? Nagulat ako ng bigla kong nakitang papalapit ito sakin. *ting* "ah ung lalaki sa rooftop!" Bigla kong naisigaw, tahimikan ult silang lahat at napatingin sakin. "Ah pasensya na, sige po balik na kayo sa kwentuhan nyo. " Napahiya kong sAbi sa kanila. Syet Josh ang ganda ng first day mo unforgettable agad. Back to lalaking nasa rooftop. Huminto sya sa harap ko at nilapit ang muka nya sa muka ko kaya naman napaatras ako at napasandal sa upuan ko. Ngumiti sya nang nakakaasar at "mukang nalate yung pag dock yung titanic?" Sabi nya sabay alis.
No doubt sya nga yon. Hay bat sa lahat naman andito pa yon at klasmeyt ko pa. Teka sya nga pala ang dahilan kng bakit ako nalate ng gising at sa kasamaang palad kakamadali ko ay wala palang klase nun dahil first day tamad pa daw ang mga teacher magturo, un ang sabi sakin ni Yen. Nga pala naging friends na kami ni Arien at yen ang tawag ko sa kanya.
At dahil pang umaga ang sched ko hanggang 1:30 lang ako. Sabay na kami luamabas ng skul ni Yen at yung lalaki sa rooftop na yun ay sa Awa ng Dyos di ko na sya nakita pang muli.
Sumakay nko ng trike papuntang lying in na sakayan ng jeep. And there, yung ayaw kong makita yun pa yung nakasAkay ko sa jeep. Sumakay na ako dahil gusto ko nang makapagpahinga saka pinupuno ksi ung jeep kaya no choice matatagalan pa kng maghihintay ng panibago. At nung magbabayAd na ko iNaabot ko yung bayad ko sa koyang katabi ng katabi ko kaso may nakapasak sa tenga at di madinig ang sabi ko "Bayad po!" Sigaw ko. Inaabot kasi iyon ng lalaking nasa rooftop pero ayaw ko iabot nasa opposite side kasi sya at katapat nya si koyang naka earphones. Kaya napilitan akong sumigaw para marinig ni koyang naka earphones. Ayun naabot nadin nya ang bayad ko at nakarating ng maayos sa driver, at yung lalaking nasa rooftop nganga sya saka ko kinunotan ng noo at nag behlat pa sa kanya sabay tingin sa labas.
"Para po" sigaw ko kasabay nung lalaking nasa rooftop. Kasi naman eh bakit ba dito pa yun nakatira. Patawid na sana ako pero bigla nyang hinila ang bag ko sa likod. *beep beeeeep* shit muntik na yun ah. Kasi naman anlaki ng inis ko dito sa kasabay ko. "Hindi ka ba marunong tumawid?" Sabi nya sa akin na mejo pagalit pero inisnob ko lang atsaka tumawid nang makita kong wala nang sasakyan. Binigyan ko ulit sya ng isang behlat :P saka tumakbo papasok ng apartment. Di ko na alam kung nakatawid na ba yun basta ako andito na sa harap ng bahay ko. *Kapa kapa* *halungkat sa bawat bulsa ng bag* *kapa kapa ulit sa buong katawan* "Shit." Narinig kong may paakyat na ng hagdan at alam kong un na yung lalaki sa rooftop kaya naman tuloy padin ako sa pagkapa ng susi ko. Nag bigla kong naalala sa kakamadali ko naiwan ko ang susi ko sa side table. Shit naman oh. Ang ganda ng araw mo Josh! Ikaw na!
Nakatingin sya sakin pagapak nya sa last step ng hagdan. Tinitigan nya ako sandali at saka papalapit sa gawi ko. Nagulat ako na sya pla yung titira sa tapat ng bahay ko. Sinundan ko sya ng tingin at saka sya huminto sa tapat ng pinto ko. Binigyan nya ko ng ano-ka-ngayon-di-ka-makapasok-sa-bahay-mo look at saka ngumisi ng mapangasar. Dumukot sya sabulsa at inilabas ang susi ng bahay nya at saka binuksan yon at pumasok. Nagulat ako nang bigla iyong bumukas ulit at "Behlat :P" sabi nito saakin at saka pumasok ulit sa bahay nya. At ako naman eto nganga pa diN. *ting* "ah yung land lady!" Bigla kong naisip at saka tumakbo pababa para makuha ang duplicate ng susi ko.
"Pasensya na po talaga nagmamAdali po kasi ako kanina eh, di ko napansin na naiwan ko pala yung susi ko." Paliwanag ko sa landlady na sumama sa akin paakyat para mabuksan ang bahay ko. "O ayan. Iha. Bukas na, puntahan mo nlang ako sa baba kung may kailangan ka pa ha" mabait na sabi ni madam land lady. Hinatid ko sya. Sa may hagdan at saka nagpasalamat ult sa kanya "salamat po ate, pasensya na po ulit" sumagot sya ng ngiti at saka kumaway.
Aish.. Sya nanaman ang may kasalanan neto eh. Bwisit na lalaking nasa rooftop yun ah. "Andami mo nang kasalanan sa kin!" Sabi ko sa sarili ko. NAkita ko syang palabas ng bahay nya at ako naman ay nasa tapat na ng pinto ko. Nung nasa may hagdan na sya. "Psssst.." Lumingon sya at. "*behlat* :P." Nagbehlat ako sa kanya sabay takbo papasok ng bahay ko.
AN: comments.. suggestions.. violent reactions.. comment lang po kayo kahit negative po ok lang :) gusto ko lang po malaman kung ano po yung tingin nyo sa story.. thanks po :)
![](https://img.wattpad.com/cover/13701873-288-k861279.jpg)
BINABASA MO ANG
When I Met You..
Humorpara sa naniniwala sa the more you hate, the more you love at sa destiny para narin sa mga hopeless romantics i guess..