Chapter6: Sya yun

42 3 0
                                    

Nagising ako pasado 6pm na ng gabi. Anu ba yan sabi ko panaman 5 ako gigising. Di bale wala dn naman akong gagawin eh. Haayy.. Ginutom ako sa pagtulog ko ah. MakAkain na nga ng hapunan.

Pumunta ako sa kusina at tumingin ng makakain sa cupboard ko. "Hm anu kayang makain?". Ang nandito lang naman kasi ay mga de lata at noodles lang. Parang gusto ko ng pizza ah, kaso wala naman malapit na mabibilan dito. Ah magluluto nalang ako ng spaghetti. Lalabas muna ako para mamili ng mga gagamitin ko, pero syempre pang 2 servings lang ung lulutuin ko incase na mabitin aq sa isang serving lang. Dinampot ko na ang wallet at susi ko at saka lumabas ng pinto.

Pagkasara ko ng pinto ay napatingin ako sa taong kakaAkyat lng galing sa hadgan at may nakita akong pizza box. Sht nakakainggit naman si kuya. Pagangat ko ng muka ko yung lalaking nasa rooftop yung may dala. Nako josh deadmahin mo nlng maiinggit ka lang eh wag mo nang tingnan.. Huminga ako ng malalin at saka humakbang na pero "Ms. Titanic!" Tinawag nya ako, ano lilingon ba ko? Wag iinggitin ka lang nyan. Sige na malay mo bigyan ka nya. Wag pagtatawanan ka lang nyan. "Bakit?" Nilingon ko sya. (Inner me: bakit ka lumingon) "Tara sa rooftop" sabi nya tapos dumiretso paakyat sa rooftop. "Ano sasama ka ba?, pizza yun sige na, wag nakakahiya ka, sige na binigyan mo naman sya ng ice cream knina." Pagtatalo ng isip ko. Nagulat ako ng dinala ako ng paa ko sa hagdan pero hindi pababa ngunit paakyat. Nadinig kong may kumakanta ulit at may tumutugtog ng gitara. Napahinto ako sa pagakyat. Di ako makapaniwala, sya ba talaga yun? Baka naman may kasama pa syang iba, oo tama may kasama pa yun. Pero sa pagapak ko sa rooftop napatigil ako nung nakita ko syang kumanta. Tumigil sya sa pag gitara at saka lumingon sa akin. Inalok nya ako ng pizza, tumango naman ako. Di ko alam parang dumikit yung paa ko sa kinatatayuan ko, di ako makapaniwala na sya yung nadidinig kong kumakanta.

Di na sana ako tutuloy tatalikod na sana ako pero bigla nya ako pinasakan ng pizza sa bibig kaya ayun sumama na ako sakanya sa pagkain ng binili nyang pizza.

Di kami nagiimikan kumakain lang kaming dalawa, wala pa din kasi ako sa sarili still in shock ang peg ko. "Salamat" bigla nyang sinabi. "Ha?!" Sagot ko. "Wala" pagbawi nya. Di nalang ako umimik, inubos ko na yung isang slice na kinain ko tapos bababa na ako. "Ah cge" paalam ko, tumango naman sya. "Ah K-Kris.." Nauutal kong sabi, nag angat lamang sya ng ulo. "Pwede mo ba akong turuan nyan?" Sabay nginuso ko yung gitara. "Ha? Kakakilala palang natin, saka di ako humahalik sa unang date." Sagot nyang mejo natatawa at inunahan pa akong umalis. I was left there hanging.. Anu daw? Halik? "Ho-hoyy!! Mali ka nang iniisip! Ang sabi ko yang gitara!" Sigaw ko sa kanya kahit di pa sya nakakababa ng hagdan. Tanging pagkaway lang nya habang nakatalikod sa akin. "Arghh!" Nagpapapadyak pa ko nang habulin ko sya pero di ko Na sya Naabutan. Mabilis syang nakapasok sa bahay nya. Kakatok pa sana ko pero sa tingin ko wag nalaNg, kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko at nagpahinga nalang.

Humiga na ko sa kama at saka nagmuni muni ulit. Nag fflash back pa sa isip ko yung sinabi nya.

"Di ako humahalik sa unang date.."

"Di ako humahalik sa unang date.."

"Anu daw di humahalik sa unang date, anung feeling nya gusto ko syang halikan as if naman.. Masyado syang feelingero, teKa anu sabi nya unang date? Date as in date? Kumain lang kami sa rooftop date agad? Haay fEelingero na assumero pa.." (Hehe watta word sorry po sa imbento kong word hehe) inis na inis ako sa mga sinabi nya .. Tss .. Wala ako masabe Tss .. TSS talaga. Hindi ko na sya papansinin kahit kaylan hindi ko na yan titingnan iiwasan ko na sya promise.

Woohh.. Ginabi na ako kakaisip dun. Sht lang makatulog na nga baka sakali pang magbago yung mga nangyare.

Breathe in .. Breathe out .. Good night..

ZzzZzz (-_-)

When I Met You..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon