Chapter 8: EPIC FAIL

70 5 11
                                    

Pinagmasdan kong kumain si Jomar, nakakatuwa syang kumain, sobrang gana, san kaya napupunta yung kinakain nito? Bulong ko sa sarili ko.

"Huy Joscelle.. kakain ka ba o titingnan mo lang ako kumain? Panu ka mabubusog nyan?" Mahaba nyang sabi. Natauhan naman ako bigla at napayuko saka ko napansin na wala pang bawas yung pagkain ko tapos yung sa kanya paubos na. Aish.. Josh.. saka ako napakamot sa batok ko saka bumalik sa pagkain. Napansin kong napangiti si Jomar sa ginawa ko.

Napatingin ako sa kanya ng bigla syang tumayo at pumunta sa binilhan namin ng pagkain, napansin kong may dala syang dalawang softdrinks sa kamay nya at inilapag yon sa table namin. Naisip ko tuloy na wala nga pala akong drinks na nabili.

"Magkano?" Tanong ko sa kanya. "Libre ko na yan sa'yo" sagot naman nya. "Ha?! Bakit babayaran ko na nakakahiya naman" pakli ko.

"Saka mo nalang bayaran kapag nagkasabay ulit tayo" sagot nya ng nakangiti at saka tinapos ang pagkain nya. Napatitig nanaman ako sa kanya. Hay nako Josh bakit ba lagi kang nagspace out sa harap nya. "Tulala ka nanaman oy.. May dumi ba talaga ako sa mukha?" Pagbibiro nya pa. "Ah wala wala.. pasensya na" sagot ko saka minadaling ubusin yung pagkain ko.

*ugh ugh ugh.* sa kakamadali ko nasamid ako. Ang fail ko naman ngayon tss.. "Eto oh, wag ka magmadali di naman kita iiwan" sabi nya at saka ngumiti ng sobrang tamis.

Lord, sabihin nyo po sakin inaakit po ba ako nitong gwapong nilalang sa harap ko, kasi kung oo.. Napailing ako sa mga naiisip ko. Josh ano ba umayos ka nga. Sabi ko sa sarili ko habang iniinom yung softdrink na bigay nya at nagpunas ng tissue sa bibig.

Sa wakas natapos ko na rin yung pagkain kong parang ayaw maubos ubos. Tumayo na kami at nagsimulang naglakad palabas ng gate ng school.

"San ka nga pala?" Bigla nyang tanong sa akin. "Ah ako? Dyan lang ako sa St. Jude.. ikaw?" Sagot ko naman sa kanya. "Ah talaga gusto mo sabay na tayo umuwi malapit lang yung bahay namin dun". Nakangiti nyang sagot sa akin.. "S-sige" nauutal kong sabi.

Naglakad kami papuntang sakayan ng tricycle. Pinauna nya akong maupo sa loob. Ang gentleman naman nya.. di kagaya ng baliw kong kapitbahay.. Teka bat nasali nanaman yun. Ang saya ko na sana kasi nawala na yun sa isip ko eh.. tsk. Enough Josh. Napakunot ako ng noo at di ko inaasahang napansin nya pa yun. "O bat nakakunot yang noo mo Joscelle?" Pagtatakang tanong nya. "Ha? Nakakunot? Hindi ah" sabi ko sabay ngiti. Kasi naman eh. "Bakit ano ba yang naisip mo? Tanong nanaman nya. Siguro kasi ayaw lang nya ng dead air kaya sya nagtatanong. "Ah wala wala.. wala yun.." sagot ko naman. "Ah ok sabi mo hehehe" sya.

Nakarating na kami sa sakayan ng jeep. Nagintay kami ng mapaparang jeep na masasakyan. Ako naman yung sumubok na makipagusap sa kanya. "Ahm.. may girlfrie.. ano san banda yung inyo? May kasama ka ba sa inyo? Ibig kong sabihin kasama mo ba yung pamilya mo dito?" Ano ba yan.. baka kung ano isipin nya.. Napatalikod ako bigla at medyo nahiya kasi naman di ako mapakali dito. Ang fail mo Josh ngayong araw ha.

"Ha? Hahaha.. Oo dito na ko lumaki, jan lang pagkalagpas ng simbahan ng Fatima yun na mismo." Natatawa naman nyang sagot. "Tara na." Pag anyaya nya sakin sa pagsakay sa jeep. Sa sobrang lutang ko di ko napansin na nakapara na pala sya ng jeep. Syempre dahil gentleman sya pinauna nya na akong sumakay at sumunod sya sa akin. Umupo ako sa right side sa bandang dulo. Sya naman tatapatan sana ako kaso biglang umusog ung katabi nya kaya katabi nya yung katapat ko. Nginitian ko sya na parang nagsasabing sayang-naman-di-tayo-magkatapat-look hehe. Nang biglang pagdako ng tingin ko sa katabi ni Jomar.. si.. si.. si.. yung lalaking nasa rooftop. Argh.. biglang nagbago ang facial expression ko at napansin ulit iyon ni Jomar.

Pinilit ko nalang ngumiti sa kanya. Nakita kong napatingin si Jomar sa katabi nya at naalala nya na ito yung kasama ko nun sa quad. At pinakilala ko pa sila sa isa't isa nun. "Pre ikaw pala" sabi ni Jomar sa lalaking nasa rooftop. Binigyan nalang nya ito ng matipid na ngiti at saka bumaling sakin at nagpakita ng mapangasar na ngiti. Nagmake face ako sa kanya habang hindi nakatingin si Jomar. Saka ko ulit binalingan ng ngiti si Jomar.

When I Met You..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon