Bumangon ako ng maaga para magluto ng kakainin ko at para mainit yung carbonara na ibibigay ko kay Jomar. "Sana magustuhan nya" sabi ko sa sarili ko saka inilagay sa loob ng microwave. Nagluto lang ako ng itlog at hotdog saka nag toast ng tinapay. Wala kasi akong gana masyado kumain sa umaga. Nagsimula na akong kumain habang hinihintay yung pagtunog ng microwave.
*ting* kumuha ako ng pot holder saka inilabas yung carbonara at sinet aside sa table. Dumiretso na ako sa banyo upang maligo pagkatapos kong makakain.
Pagkalabas ko sa cr ay dumiretso na ako sa kwarto para magbihis ngunit may tumawag sa pansin ko. "Yung jacket ni Dorei" kinuha ko iyon at saka inilapit sa bag ko para di ko makalimutang isauli mamaya. Baka sakaling makasalubong ko sya paglabas di ko pa kasi alam kung saan yung bahay nya dito.
Time check "6:45 na" kinuha ko na ang bag ko, yung jacket at dumaan sa kusina para kuhain ung baunan na pinaglagyan ko ng carbonara. "Hmm ano pa?.. susi, check, wallet check! Leggo" Dumaan muna ako sa salamin saka medyo inayos ang buhok ko. Kinindatan ko pa yung sarili ko at saka lumabas kasi ngayon palang ako papasok ng hindi nagmamadali hahaha.
Pag tapak ko sa last step ng hagdan sa second floor nakita ko si Dorei. "Hi Dorei! Good morning!" Bati kong nakangiti sa kanya.
"Same!" Matipid nyang sagot. Akmang lalakad na sya pababa ng hagdan kaya naman sinabayan ko na sya.
"Salamat kagabi ah." Sabi ko sa kanya at saka hinalungkat yung jacket nya sa bag ko. "Eto oh, akala ko masungit ka mabait ka pala" napabungisngis pa ako sa nasabi ko.
"Ha? What are you saying?" Sagot nya na parang nagtataka. "Diba ikaw yung naglagay ng jacket sakin kagabi nung nasa rooftop tayo?"
"Why don't you ask the guy from the other apartment? Sa tingin ko kilala nya ang may ari nyan." Medyo masungit nyang tanong.
"Eh tayong dalawa lang kaya yung nandon kagabe." Sagot ko pa sa kanya. Saka sya nagderetso ng lakad pababa ng hagdan. "Hoy teka intayin mo ko" isinoli ko ulit yung jacket sa bag ko at sinundan si Dorei.
"San ba school mo? Sa ICU din ba? Sabay na tayo please.." paawa ko sa kanya habang hawak sa sleeves ng polo nya.
"I'm sorry pero hindi magkaiba tayo ng school. Sa St. Matt ako." Sabi nya. "Ayy ganun akala ko pa naman." Sabi ko sabay pout -3- "Sabay nalang tayo lumabas." ^__^
Hindi na sya sumagot at sabay na kaming lumabas ng lobby di na pala sya tatawid kasi sa kabilang way yung papunta sa school nya. Ako naman tatawid pa.
"Bye Dorei! See you later" sigaw ko bago pa sya nakapara ng jeep at nasa kabilang side na ako. Saka ko sya kinindatan hihihi.. "I like him" nasabi ko sa sarili ko ng nakangiti.
Pumara na ako ng jeep at sumakay agad. Inabot ko sa driver yung bayad ko at nagsimula nang umandar ang sasakyan.
Sumakay na ako agad ng tricycle pagbabako nakita ko kasi isa nalang ang hinihintay nung mamang driver at aalis na sya. "Okay pala umalis ng maaga wala akong nakakasabay na hindi kaayaaya." Nasabi ko nalang sa isip ko at saka napangiti.
Inabot ko na ang bayad kay manong pagkahinto ng trike at saka tumawid papasok ng school. At dahil nakapagtour na ako sa buong school proud ko nang masasabing hindi na ko maliligaw whahahaha!!! XD
Pagtingin ko sa relo 7:15 palang. Umakyat na ako sa room namin sa fourth floor at nakakabadtrip dahil hagdan lang ayaw magpagamit ng elevator cost cutting chorva daw, eh bat pa sila nagpalagay nyan kung di rin gagamitin tss.. nagsayang lang sila ng pera. Tss ulit hahaha.
"403.. 402.. there you are 401." saka ako pumasok. Wow konti palang yung tao sa loob kasi halimaw lahat hahaha joke. Pero konti pa nga lang kaming estudyante na nasa loob. Dalawang lalaki ang naabutan ko yung isa nakadukdok sa armchair siguro ang layo ng bahay neto kaya maagang umaalis at antok pa. Yung isa naman ay nakaearphones at nakikinig yata ng music. At may isang ate na nagpipipindot ng cellphone nya.
BINABASA MO ANG
When I Met You..
Humorpara sa naniniwala sa the more you hate, the more you love at sa destiny para narin sa mga hopeless romantics i guess..