Wala ako nagawa kundi sumama, okay na to para di na ko maligaw at di na ako magtatanong kay koyang guard twing umaga.
Naglalakad kami papunta sa building ng mga nursing students malamang ito ang tinatawag na college of nursing, sunod naman sa mga hrm accountants at mga marketing students at yun yung building nga cbet, sunod ay sa college of education, college of arts and sciences, at last yung college namin, tinuro nya sakin yung faculty room namin mga laboratory rooms at mga kwarto namin. Tinuro din nya sakin yung gym at ang last namin pinuntahan ay yung quadrangle. Umupo muna kami sa mga bleachers para magpahinga, actually di naman nya talga sinabi sakin, pinuntahan lang namin ung mga college tapos nababasa ko lang. Nakaupo kami dito sa mAy ilalim ng mga puno ng mangga sa harap ng CON building, bigla syang tumayo. "Ano uwi kana ba?, tara na!" Sabi ko tatayo na din sana ako kaso "Jan ka lang, intayin mo ko!". Hay nako maguutos lang magagalit pa. Umalis na sya at di ko alam kung san pumunta.
Nakatambay lang ako habang tinitingnan ung mga varsity na ngpapractice sa quad. Nang biglang may tumawag sa akin, "Joscelle!" Napalingon naman ako at hinAnap yung tumawag saakin, palingon lingon ako kasi di ko makitA. "Dito sa taas!" Sigay nya. "Ah ikaw pala!" Sagot ko saka ko sya nginitian. "Wait for me baba ako jan!" Sabi nya. Sya si kuyang naka share ko ng table sa karinderya KAhapon. Nursing student pala sya. Nakita ko na sya at pApalapit na sya sakin. Sinalubong ko sya ng ngiti at sinabing "Ah ano kuya di ko pa alam kasi ung name mo eh." "Jomar" sagot nya ska inabot yung kamay nya sa akin. Inabot ko naman syempre, pogi ni kuya jomar eh. "Bat andito ka pa wala nang klase ah? May kasama ka ba?" Tanong nya "Ah kuya.." Sabi ko pinutol nya ako sa pagsasalita "Jomar nlang" mabait nyang sabi. "Ah sige, ano kasi nagtour ako hehe pra di na ako maligaw sa susunod." Sagot ko sa kanya. "Gusto mo nang kasama? Tara samahan kita!" Pagaaya nya. "Ah wag na Jomar tapos na nalibot ko na lahat, kasama ko yung klasmeyt ko.. Ah sya!" Sabay turo dun kay K..K..Kr..Kri.. Ah basta yung lalaking nasa rooftop, mas yun gusto ko itawag sa kanya. "Ah gnun ba, akala ko wala ka kasama, sige Jocelle una na ko, bye " nakangiti nyang paalam sakin.
"Tara na!" Pag aaya nya sakin. Kadadating lang nya tapos aalis na agad.. Ayus ah, problema neto?. "Mauna ka na ayaw kita kasabay!" Sagot ko naman. Tiningnan nya ako ng nakakamatay na tingin at saka umalis. Itinapon din nya yung paperbag na dala nya sa nadaanang basurahan. "Eh anu yun?" Tumayo na ako at sinilip yung basurahan, di kaya ako magmukang pulubi neto, nung makita ko burger ska drinks. Bat nya tinapon? Sayang naman. "Hoy!" Sigaw ko sa kanya. Di nya ako pinansin kaya naman hinabol ko sya at saka sinabayan maglakad palabas ng skul. "Bakit month tinapon yun?" Tanong ko na mejo galit kasi naman nagsasayang sya ng pagkain. "Oh akala ko ayaw mo ko kasabay." Sagot nyang pagalit din. "Ayaw nga!" Saka ko binilisan ang lakad at inunahan sya. Bahala sya sa buhay nya ang sungit sungit, nagaaksaya pa ng pagkain akala mo pinupulot lang yung perang pinambili nun.
Nauna na akong nakauwi ng bahay. Di ko na napansin kung anjan na ba yung kapitbahay kong masungit. Teka bat ko ba iniintindi yun. Dapat good mood ako kasi alam ko na yung pangalan ng nakasabay ko sa pagkain kahapon. Ang gwapo naman nya ambait pa. Ganun ang magandang kaibigan di katulad netong kapitbahay ko. Tss bat nasingit nanaman yun. Erase erase.. I decided na magsiesta muna para naman gumaan ang pakiramdam ko tutal 3pm palang naman para sakto mga 5 gigIsing na ko. *kuurrk* uh oh, nakalimutan ko palang kumain. Lalabas nga muna ako, mas masarap matulog pag busog. Kinuha ko yung susi ko at saka dumiretso palabas ng pinto at sinara yon. Nakasalubong ko yung lalaking nasa rooftop, bat ngayon lang to? Anong oras na ah, kanina pa kami naghiwalay. Hm pake ko ba. Di ko sya pinansin at nagderederetso lang sa paglalakad. Di rin nya ko pinansin.
Naisip ko may utang na loob pala ako sakanya dahil inilibot nya ako sa skul kanina at sinamahan nya ko magpasa ng attendance sa fac. Room. Okay pra makabayad ako ibibili ko nalang sya ng pasalubong.
Pagkakain ko naisip kong dumaan sa 7eleven para bumili ng corneTto, naisip ko kasi na yun nalang ang ibigay bilang kabayaran sa pagsama nya sa akin.
Bumalik na ako sa apartment at pumasok muna ng bahay para magsulat ng note. Pagkasulat ko lumabas ako ulit at saka inilapag yung cornetto at note sa tapat ng pinto nya saka ako nagdoorbell. Nadinig kong may papalapit na sa pinto kaya naman nagmadali akong pumasok sa bahay ko at sinara ang pinto. Natatawa ako sa nilagay ko sa note kasi naman eto ang nakalagay.
Lalaking nasa rooftop,
Ayan kapalit ng pagsama month sakin kanina, pampalamig jan sa nag iinit mong ulo :P
Josh ;)
Sinilip ko sya sa silipan ng pinto ko nakita kong kinuha nya yon. At saka pumasok na sya ulit sa bahay nya. Natuwa naman ako kasi kinuha nya at di nya inisnab baka kasi dedmahin lang nya at matunaw pa. Sayang naman.
At dahil kumain din ako ng ice cream, I feel full kaya naman hinila ako ng kama at saka nag siesta muna sandali. Nakatulog ako ng nakangiti at magaan ang loob. Dahil siguro nakabayad na aq ng utang na loob sa kanya hehe.
zzzZZZ (-_-) ....
AN: comment lang po sa reaction kung go or stop na.
BINABASA MO ANG
When I Met You..
Comédiepara sa naniniwala sa the more you hate, the more you love at sa destiny para narin sa mga hopeless romantics i guess..