chapter 12. hospital

960 15 0
                                    


Drew's pov

Bilisan natin! Baka maubusan na ng dugo si kylie. Sabi ni claire  habang tinutulak na ng mga nurse ang stretcher para madala na si kylie sa operating room.


Pabalik balik ako sa pag lalakad ng biglang may tumawag sakin.

May lead na kami kung saan sila ngayon nagtatago. Napakuyon ang kamao ko dahil sa wakas maigaganti ko na ang asawa ko.
Kill them all. Cold kong utos sa kanila.
Hindi pwedeng umalis ako ngayon. Gusto kong pag nagising na sya ay mukha ko agad ang makikita nya.


Pinatay ko na ang tawag at umupo. Alam na ng daddy ni kylie ang nangyari. Hindi naman sya nagalit sakin, akala ko talaga susuntukin nya na ako dahil nasaktan ang kanyang prinsesa. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na masasaktan si kylie.


Doc? Kamusta na sya. Napatayo ako bigla ng mag tanong si bea na ngayon ay kausap na ang doctor.


Sinong kamag anak nya? Any relatives? Asawa? Sunod sunod na tanong mya. Pumunta naman ako sa kanya at sinabing ako po. Asawa nya.


Well, as of now, maayos na ang lagay nya. Kausapin nyo lang sya ng kausapin para maaga syang magising dahil na coma sya, pero magigising din naman sya within 1 day or 3 days or pwede ding umabot ng weeks. Kailangan nya din ng bed rest dahil madaming bala ang tumama sa kanya na naging dahil ng pagkawala ng mga maraming dugo sa kanya, pero ngayon ay okay na. Mahabang at walang paligoy-ligoy na sabi samin ng doctor. Napabagsak naman ang aking balikat dahil sa mga narinig ko.


Excuse me. Ililipat na namin ang pasyente.

Nailipat na si kylie sa malaking kwarto. Ayokong public ang kwarto dahil baka mahawaan pa sya ng kahit anong sakit tapos baka lalong bumagal ang pag galing nya.


Hi babe..., miss na kita. Ilang oras kana bang hindi gumigising? Miss ko na yung ngiti mo, tawa mo, yakap mo, ang pag kurot mo sa tuwing ika'y maiinis sakin. Sana gumising kana, alam mo bang natakot ako na baka mamaya o bukas ay mawala ka sa akin ng bigla? Kaya hindi ako nauwi. Gusto ko din na sa pag gising mo ay ako agad ang makikita mo. Kaya ayaw na ayaw kong umalis sa tabi mo. Gusto kong ako lang ang mag aalaga  sayo. Kahit na pina-uwi na ako nila. Hindi pa rin ako pumayag. Alam mo bang gustong gusto na kita mahalikan? Hindi ko na natuloy pa ang madami kong sasabihin ng biglang nag si unahan na ang mga luha ko sa pag patak.


Sana magising kana..., ikakasal pa tayo, ayoko namang ikasal tayo ng nakahilata ka dyan, gusto ko mag lalakad ka sa altar ng nakangiti hindi nakapikit at parang walang buhay, gusto ko parehas tayong mag sasalita ng vows para sa isat isa hindi yung ako lang. sabi ko pa habang patak ng patak ang aking mga luha.


Malma naman kung kelan pa tayo malapit ng ikasal ngayon pa nag karoon ng problem, sabi ko sabay pisil sa kamay nya na kanina ko pang hawak.

Andrew... napatingin ako kay mommy na kakapasok lang sa loob. Pinunsan ko muna ang luha ko sabay sabing Ma, pano pag hindi na sya gumising? Tanong ko habang umiiyak ulit. Kelan ka pa titigil sa pag patak ha? Luha?. Ano ka ba! Sabay hampas sakin kaya napa daing ako sa sakit. Bigla kong naramdan na may gumalaw pero hindi ko iyon napag tuunan ng pansin.


Alam mo andrew anak? Tanong ni mommy sakin. Hindi pa po ma. Hinampas namya nanaman ako dahil sa inis. Patapusin mo muna ako mag salita! Sabi nya sabay sabing wag kang mawawalan ng pag asa na hindi na magigising si kylie, anak. Mag tiwala ka lang sa kanya, kaya nya yan at kakayanin nya.  ganyan din kami ng daddy mo noon, mga pag subok lang ang mga yan. Kayang kaya nyong malagpasan yan basta may faith kay god, trust sa isa't isa at ang pagigisng loyal din.  Yang ang tatlong bawal mawala sa lahat ng tao anak, tandaan mo yan. Sabi nya sabay tapik sa likod ko at akmang lalabas na sya ng sinabi kong...


Ma! Wait. Thank you. Ngumiti naman si mommy sakin sabay wave. Naramadaman kong may pumisil ng kamay ko at hinigit iyon ng mahina.


Dahan dahan akong lumingon at... Aaaaaah! Gising kana! Wait tatawag lang ako ng doctor. Sabi ko sabay takbo. Parang tanga lang dahil sumigaw ako. Nabigla kasi ako dahil gising na gising na si kylie tapos nakangiti pa sa akin.



Doc! Doc! Napatingin naman sakin lahat pero binaliwala ko dahil doctor kailangan ko ngayon hindi mga taong taga titig lang ang alam. Oh? Bakit? Tanong ni doc sakin. Gising na si kylie doc! Masayang sabi ko sa kanya.


Tumakbo kami. Oo kami dahil balak pa yatang mag model ni kian (yung doctor) sa bagal mag lakad. Oo kilala ko yan. Pinsan ko e. Proffesional sa trabaho e kaya ayaw mag patawag ng KIAN. Tss.


Nandito na kami sa loob at heto kami ngayon at pinapaulanan si kylie ng mga tanong tungkol sa nararamdaman nya kung may masakit ba sa kanya o kung ano ano pa.


Natapos ang mga Q&A nila ng mag mamadaling araw na. Tss ang dami pa kasing obserbang ginawa kay love.

my mafia boss and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon