chapter 10. Claire's wedding

942 21 0
                                    

Kylie's pov

Tigil tigilan mo ako ngayon, meron ako ngayon! Gigil na sabi ko kay drew. Aba kinukulit ako. Sabi ng ayaw ko nga e! Hindi makaintindi. Tagalog na yun ha.

Maligo ka nga kase! Sigaw nya sakin. Aba! Sabi ng ayaw ko. Ako'y pagsasaktan ng puson.

Sasakit puson ko! Pag naligo ako ng malamig! Sigaw ko pabalil. Hindi ako mag papatalo, basta hindi ako liligo ngayon. Tapos ang usapan.


At sinong may sabing maliligo ka ng malamig! Andun ang tubig na mainit kanina pa kulong kulo! Inis na sabi nya.

Kinuha nya lahat ng gagamitin ko, ngayon na kasi ang kasal ni claire. Aba kahit na ayaw ko talagang maligo.

Kung ikaw ay naliligo na, edi sana nandon na tayo! Iyamot na iyamot na sabi nya sakin. Tumayo na ako at pumuntang cr. nakita ko dun ang mainit na mainit pa na tubig.

Buti at ako ay pinag painit ng tubig ni drew kung hindi! Nakooo! Hindi talaga ako maliligo.

Bilisan mo. Sabi nya pa sa akin bago ko marinig na bumukas at sumarado ang pintuan ng kwarto ko este namin pala.

Nang matapos na akong maligo ay dali dali kong pinunasan ang aking paa para hindi mapasukan ng lamig. Tss. Mapilit talaga ang lalaking yun.


Suotin muna yang gown. Napatingin ako sa nagsalita at napatingin don. Nakita ko si drew na naka tuxedo na halatang ipinartner sa akin gown.

Tinanggal ko na ang towel ko, well naka panty na ako at naka bra kaya okay lang sakin yon. Atleast may takip.

Tinulungan nya akong magsuot ng gown at hinintay nya pa akong matapos mag make up, na natagal ng kaunti dahil smokey ang aking make up. Na alam kong babagay sa aking gown. Inalalayan na nya akong bumaba dahil mahaba ng kaunti ang akong gown.


Bilisan mo. Malelate na tayo sa kasal ni claire. Sabi nya sabay bilis ng lakad, nahigit naman ako don, kaya sinabayan ko na sya ng pag lalakad para mabilis naming marating ang kotse.


Nandito na tayo, bilisan mo late na tayo! Sabi nya sabay patay ng engine ng kotse tapos madaliang pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Tumakbo na kami, hindi pinapansin ang mga tumitingin sa amin, at sa mabigat kong gown na worth it naman dahil maganda.


Buti nakarating pa kayo. Sabi sa akin ni bea habang natatawa. Si drew kasi. Sisi ko kay drew na napatingin naman sa akin ng masama. Kumindat na lang ako habang pinipigilang tumawa.

Kesa naman sa hindi naka attend, yun ang hindi maganda hahahaha. Sabi ko sabay tawa ng malakas kaya napatigil ako ng madaming tao ang tumingin sa akin, siniko naman ako ni drew sabay sabing kylie... banggit nya sa pangalan ko kaya naman tumahimik na ako.


Kaiyamot. Sabi ko sabay irap ng palihim. Kahit kelan kj to. Do you say something? Tanong ni drew na nakakunot ang noo. Akooo? May sinasabi? Wala ah. Tahimik ako dito. Sabi ko habang nakataas ang kamay na para bang nanunumpa.

Napatigil kami ni drew ng tumunog na ang kanta na A thousands years. Napatingin naman kami sa mga maliliit na bata na naglalakad dahil sa mga magagandang suot nila na iba iba ang mga disenyo.

Si claire na ang last na maglalakad papalapit sa magiging asawa nya. Nakita kong naluluha sya kaya nung mapatingin sya sa akin kaya ngumiti ako, na sinasabihang "kaya mo yan", at para mapangiti ko din sya na ginawa naman nya.


Tumingin naman ako kay aris na namunutla dahil sa kaba, halata naman hahahaha. Tinignan ko si drew at inimagine ang mangyayari sa kasal din namin, ano kayang mangyayari? Tanong ko sa sarili ko.

Napatulala ako ng makita kong nakangiti sa akin si drew ng kitang kita ang ngipin at gilagid. Wow, ang gwapo nya talaga kapag nakangiti. Ngumiti din ako sa kanya.

Napatingin kami kay father na ngayon ay nag uumpisa ng ikasal ang dalawa. Napangiti ako na hindi ko napansing tumutulo na ang luha ko, syempre tears of joy to.

Naramdaman ko namang pinahidan ni drew ng panyo nya ang aking mga pisngi para maalis ang mga luha at niyakap ako. Niyakap ko din sya, kaya naman hindi na ako naiiyak.


Natapos ang kasal ng madaming umiiyak dahil sa tears of joy. Congrats claire! Naunahan mo pa si kylie. Hahaha sabi ni bea na kasama na ngayon si clarine. Oo nga e. Ang tagal kasi nila hahaha. Abat pinagkaisahan pa ako. Wag kayong mag alala dadating din ako dyan. Sabi ko sabay ngiti sa kanila at kay drew na ngayon ay may hawak na pagkain. Wait. What? Ang bilis naman nya nakakuha ng pagkain. Patay gutom talaga kahit kelan. Napailing naman ako dahil sa nakita ko.

my mafia boss and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon