1•

42 3 0
                                    

Ruan's Pov..

"Kainis nemen." Talagang nakakairita na, akalain nyo nga naman, ang magaling naming ama ay  bigla nalang kaming itapon ng ate ko dito sa hindi ko malamang lugar. Anong klasing ama ba meron kami.

At ang pinaka malala sa lahat, para lang sakin ha, tama bang bigyan nya kami ng rason na hindi na daw nya kaya ang konsimisyon dahil saming dalawang magkapatid. Wow ha!, kung hindi ko lang alam ng dahil lang naman 'yon sa bago nyang asawa.

Nasa gilid ko ngayon naka upo ang ate  ko malapit sa bintana, nakasandal ang gilid ng ulo nito sa may salamin, kanina pa din ito hindi gumagalaw maliban sa mata nito na nakatanaw lang sa may labas ng bintana. May naka saksak ding earphone sa magkabila nitong tenga.

Hindi ba sumasakit ang liig nito sa pinag gagawa nito?. Isa din 'to eh, napaka kj sa lahat ng bagay, super boring talaga.

At ang bus naman na 'to, ang bagal ng takbo para tuloy kaming nakikiparada sa patay, Haist. Ang sarap kalbuhin ng driver ng bus na'to, 'yon nga lang, kalbo na rin sya.

Nagugutom na naman ako, ano ba yan. Ganun kaya karami ang bulati sa tyan ko at lagi nalang akong nagugutom. Yeeecks nemen.

"Ate, hindi ka ba nagugutom?" Tawag pansin ko sa kanya.

Kanina pa talaga ako nag aalala sa liig nya, baka parang robot na sya habang naglalakad sa daan mamaya habang hindi na igagalaw 'yong liig nya, pero sa kasamaang palad, bahagya lang syang tumingin sa'kin at sinamaan ako ng tingin saka bumalik na agad sa kaka tanaw sa labas ng bintana.

Kita mo t'ong babae'ng 'to, ikaw na nga 'tong nag aalala sa kanya, parang ito pa ang galit.

Ang suplada talaga ng bruha, sarap ihulog sa bintana ng luka. Tsk.

Kumuha na nga lang ako ng isang chocolate bar sa sarili kong bag, sa gutom na talaga ako eh.

Buti nalang talaga at hindi ganun kadami ang pasahero ngayon at hindi gaanong mainit.

Ilang oras din ang byahi namin mula maynila papuntang San Viega, pero sa malas nga naman, kailangan na naman naming sumakay ng jeep para makarating sa proper ng San Viega.

Anak ng tokwa talaga o. Kainis.


Reo's Pov.

Letching byahi 'to!, ang bagal na nga ng bus na sinakyan namin, kailangan pang sumakay ng jeep para tuluyang makarating ng San Viega.

Sa lahat ng bagay, isa ang pagbabyahi ang pinaka iniinisan ko, nakaka pagod at nakakawalang ganang kumain. Buti na lang talaga at hindi ako sumusuka sa gitna ng byahi, pero pakiramdam ko, may jeeplag pa ata ako.

At ang Ruan naman na 'to, walang ibang bukang bibig kundi pagkain. Tsk.

Ng tuluyan na kaming makarating sa San Viega ay agad na kaming bumaba ng jeep. Napansin kong marami ang tao ngayon san man ako tumingin, may mangilan ngilan ding grupo ng mga kabataan sa gilid ng mga daan.

Pansin ko rin na may mangilan ngilan ding mga tao'ng nakatingin samin ng kapatid ko, siguro dahil bago kami sa paningin nila. Mga kaedad lang din naman namin, pero halatang hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga tao rito, hindi talaga kasi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na'to para sa'ming magkapatid.

Ba't ba kasi sa dinarami rami ng lugar sa pilipinas, ang San Viega pa ang napili ni papa.

"Ate, kain muna tayo..." Rinig kong yaya sakin ni Ruan.

Anak ng tokwa!, puro pagkain nalang talaga ang nasa utak nito.

"Kumain kang mag isa mo.." Mariin kong sabi sa kanya saka sya sinamaan ng tingin, sumimangot lang sya sakin saka ng pout.

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon